3

81 2 0
                                    

Alexander's Pov

Walang pasok ngayon for some reason.Nandito ako ngayon sa sementeryo.Sa puntod nina mama at papa.Magkatabi sila sa kanilang puntod.Ano na kaya ginagawa nila ngayon?Namimiss na ba nila ang pinakagwapo nilang anak(kahit ako lang ang lalake na anak)
Inilagay ko naman ang isang basket na punong puno ng white roses.Favorite daw kasi ito ni mama nung nabubuhay pa siya.

"Ma...Pa...Kamusta na po kayo diyan?"

Baliw na kung baliw.Pero kinakausap ko sila kapag nandito ako.Buti nalang hindi sila sumasagot.

"Maayos ayos naman po ang first day ko sa pangatlong school na pinag-enrollan ko.Malaki ang Academy na iyon at lahat doon,Mayayaman.Syempre mayaman tayo kaya duon ako nag-aral.Mas maayos naman ang unang araw ko duon kaysa duon sa dalawa pang academy na pinasukan ko.Nakakainis ng lang yung babaeng iyon.Briones pelido niya..Maganda siya,Maganda nga ang arte arte niya naman.Parang diring diri pa siya sa akin Ma..Pa..E napaka gwapo ko tapos mandidiri siya sa akin?Niloloko niya ba ako?Ba detention pa naman ako.Pero okay lang yun.Nagulat nga ako nang sinabi niya kay mam Corlyn na bati na kami kahit hindi naman.Kasi naman..Ma...Pa..Nakaharang siya sa dinadaanan ko nun kaya ayun?!Natapunan siya ng orange juice na hawak ko.Natatawa nga ako nun eh.Pero pinigilan ko lang.Kasi white pa naman dress niya nun.Halatang halata tuloy yung juice na natapon.Pero sa huli..Nakauwi naman ako ng buhay.Kaya ayun?Masaya naman ako!"

Paninimula ko.Bigla namang nanlungkot ang puso ko.Hindi ko alam kung bakit,Basta tuwing pumupunta ako dito.Palagi nalang akong nalulungkot.

"Mas masaya siguro kung nandito kayo.Malapit nang mag-birthday si Xandra.Hindi niya maiiwasan na itanong kung nasaan kayo.Kung bakit wala kayo sa tabi namin.Natatakot akong sabihin sakanya na wala na kayo.Kasi baka hindi niya matanggap."

"What are you doing here?"

S...sino yun?

Biglang may nagsalita?

Mama naman e!Wag ka magparamdam!Babae kasi yung boses..

Bigla namang may dumapo na kamay sa balikat ko kaya napasigaw ako bigla..

"Ahhhhhhhhhh!"-ako

"Ano ka ba!ang ingay ingay mo!Nasa sementeryo ka noh!"

Nilingon ko naman yung nagsasalita ko at may nakita akong babae na nakatayo.Muntikan na akong matakot pero nawala agad iyon nang may napansin ako.

"Ikaw????"

"Ikaw???"

Akalain mo nga naman.Sabay pa kameng magsalita.Ano nanaman ba ang ginagawa niya dito.Alam kong gwapo ako at hinahabol habol ako ng mga chiks.Pero hanggang sementeryo pa naman susundan niya ako?

"Sinusundan mo ba ako?"-tanong ko sa kanya.

"Hindi.Bakit naman kita susundan.Sino ka?Prince Williams?"Wow...Pilosopo din pala to.

"E ano nga ginagawa mo dito?!!"Paulit ulit nalang ako ha.

"Dinadalaw mga magulang ko..Malamang"-siya

Dinadalaw mga magulang?Namatayan din siya ng magulang?

Malamang..
Kaya nga nasa sementeryo e.
Saan sa tingin mo sila nakalibing?
Sa Bar?Tanga mo pre!

Sige..Ang galing ng utak ko.Kinakausap ako kahit hindi ko kinakausap.Chismoso rin yan minsan e.Utak ko talaga..Tsk tsk -_-

Balik tayo sa babaeng yun

Wala siyang magulang?

Akala ko pa naman spoiled siya ng mga magulang.

Sino nalang kasama niya?

"Hoyyy..Nakatulala ka nanaman.Nag da-drugs ka ba?"-siya

Aba!nagmukha pa akong drug adik neto ah!

"Umalis ka na nga!Puntahan mo na magulang mo!"

Sigaw ko sa kanya..Medyo naiinis na kasi ako e.Ginawa niya pa kasi akong drug adik.

"Nakaharang ka sa dinadaanan ko."-siya

Umalis naman ako sa kinatatayuan ko at nakita kong inilapag niya ang mga kandila na hawak niya sa puntod na katabi lang ng magulang ko.

Wag mong sabihin???

Binasa ko naman yung nakasulat duon sa nakalibing at nakita ko ang pelido na briones.Wowww...Ang tanga ko naman.Bakit hindi ko napansin yun.

"Yan ang magulang mo?"-tanong ko sa kanya

"Bobo ka ba!Malamang!Tanga naman nito"Sabi niya.

Inirapan ko nalang siya at aakmang aalis.Pero nang narinig ko siya,Nagtago ako sa isang puno para marinig ang sinasabi niya sa magulang niya.

Louise's Pov

Inirapan ako?Wow ah!Pati dito sa sementeryo ba naman!Andito parin si kamatayan..I mean yung unggoy na yun.

Pagkatapos niya akong irapan,Tinalikuran na niya ako at saka siya umalis.Hindi ko nalang siya pinansin.I dont care about him.He's nothing.

Nilingon ko naman ang puntod ng mga magulang ko at bigla nalang lumabas ang nararamdaman ko.

"Kung hindi lang ako na bobored hindi sana ako pupunta dito.I mean,mukha akong tanga kasi kinakausap ko pa kayo kahit alam kong hindi niyo na ako naririnig kasi patay na kayo.Ang tagal ko ring hindi napunta dito ah?Buti naman at natatandaan ko pa pangalan niyo...."

Bigla namang pumatak ang luha sa mata ko.Gosh!I cant believe this.A campus bitch.Umiiyak????

Lahat naman ng tao may karapatang umiyak.Ilabas mo lang yan.Paraan yan para gumaan ang pakiramdam mo..You know?

Wow..Isip ko kinausap ako?Mas sariling buhay ang isip ko e.Minsan nga siya nalang kausap ko.

"Bakit niyo ako iniwan?Alam kong hindi niyo sinasadya yung pagkamatay niyo.Pero alam niyo ba yung pakiramdam ko?Alam niyo ba ang pakiramdam na kapag kailangan mo ng nanay na mag co-confort sayo.Yung tatay na pro-protektahan ka kapag may umaaway sayo?Yung mga magulang na kasama niyo sa ups and downs.Akala ko pa naman.Buong buhay ko kasama magulang ko.Alam niyong sa inyo lang ako nakaramdam ng pagmamahal e.Yung hindi pinapalitan at yung totoo."

Ang mga traysor kong luha ay nagsimula nang magbagsakan.Haysst!Naman e.

"I need to go"

Yan nalang ang sinabi ko.Ayaw ko nang umiyak.Tapos na ang mga araw na nasaktan ako.

....

Tinapon ko ang sarili ko sa kama.

"Gosh..I need to party"

Yan ang mga salita na lumabas sa bibig ko at nagsimula na akong ayusin ang sarili ko.I need to go to the bar.You know?Doon lang ako sumasaya.


Itutuloy...


Sarreh

Campus BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon