Chapter 26: Separation

12K 150 2
                                    

Chapter 26: Separation
TINE'S POV

"Sorry dahil hindi ko napigilan. Sorry kung lumagpas ako sa limitations alam kong hanggang kapatid lang ang turing mo sakin."

I'm expecting na bigla nya lang akong iiwan... na bigla nalang sya'ng aalis. Ganun kasi ang ginawa nya sakin dati nang umamin ako sa kanyang CRUSH ko sya. Pero hindi. Instead naramdaman ko nalang na hinahalikan na nya ko.

Anong ibig sabihin nitong ginagawa nya?

"J-jake...", pinipilit kong magsalita dahil ayoko nang ginagawa nya. Ayokong bumigay ulit. Bawat galaw ng labi nya, nagfa-flash ang mukha ni Kyle sa isipan ko. Mas lalo akong nako-konsensya. Nakakainis lang dahil matagal na namin 'tong ginagawa pero ngayon lang ako nakonsensya... matagal na namin 'tong ginagawa... ibig sabihin matagal ko na talagang niloloko si Kai.

Dapat nung una pa lang, itinigil na namin 'to. Dapat hindi ko na hinayaang umabot sa ganito kasi... masasaktan lang kami pareho.

I pulled him away. "Why?", he asked.

"Jake we're cheating on Kyle and Julie.", bumaling ako sa kabilang direksyon... ayokong makita ang mukha nya. TUKSO! Layuan mo ako.

"I can't see any wrong thing, Chrishtina. You said that you love me."

"But, you're engaged. Ang I'm going to be engaged, soon.", I can feel that he's going to hug me from behind kaya tumayo ako. Anytime kasi... baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka halikan ko sya hanggang sa mangyari na naman.

"Ha? Bakit mo pa inamin na gusto moko? Ano bang mali? Matagal na natin 'tong ginagawa---"

"Yun na nga, Jake. Matagal na tayong gumagawa nang mali. We had our own personal lives."

"Ano bang gusto mong sabihin?", tumayo na rin sya. Halata ang inis sa boses nya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Jake. We should separate our ways. Malalaki na tayo.", I said habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Hindi kita maintindihan. Sabi mo mahal mo ako more than kapatid. Tapos ngayon we need to separate our ways."

"Hindi ko rin maintindihan... basta ayoko na.", I answered. Pero deep inside, ayokong magkalayo kami.

"So sinasabi mong itigil na natin 'to? Na kalimutan ko nang may kapatid ako? Ganun ba? Kalimutan ko nang may mga nangyari satin", hindi ako makasagot. Sinasabi nang utak ko na Oo, dahil mali pero ang sabi nang puso ko Wag, dahil mahal mo sya.

Nakakabaliw 'to. -_-
"Chrishtina! I'm asking you.", Jake almost shouted. Ano bang isasagot ko.

"Umuwi ka na. Hinihintay ka na ng Daddy mo... k-kasama ang fiance mo.", ang tagal nang silence. Nagtitigan lang kami. Hanggang sa nagsalita sya.

"Fine. I'll give you what you want.", he said and walked away.

Nagulat nalang ako nang nag-uunahan nang tumulo ang luha ko. Hindi ko yata kayang mawala sya. No! Let me replace than. Hindi ko talaga kayang mawala sya.

"Take care."

Pinanuod ko lang kung paano sya lumabas ng pintuan.

Bigla akong nagsisi sa ginawa ko. Na-realize kong masyadong mabilis ang pangyayari. Nagpadalos-dalos ako sa emosyon ko. Nagpadala ako sa mga sinabi ni David... pero tama naman sya. Hindi dapat namin 'to ginagawa. Magkapatid kami... kaya ngayon ayan. Eto ko! Nasasaktan dahil... wala. Hindi nya ako mahal.

Para na talaga akong baliw!
Pinaalis ko sya tapos iiyak-iyak ako ngayon. Nag-confess ako ng feelings ko... tapos itataboy ko sya.

"Fishy!", napatingin ako sa pinto at nakita ko si Clare. Agad syang lumapit sakin at niyakap ako. "What happened Fishy? Si Jake ba may gawa nito sayo?"

"Paano mo nalaman, Fishy?"

"Nagkasalubong kami. Mukhang beastmode sya. Ano ba nangyari?", inaya ko si Clare sa kwarto ko at kinwento lahat.

"FISHY!! FIRST OF ALL BAKIT KA PUMAYAG NA MAKIPAG-*TOOT* SA KANYA!"

"Lower your voice! Gaga ka talaga."

"Eh kasi kung hindi ka nakipag-ano sa kanya... ade sana ayos pa ang lahat. Hindi rin maaapektuhan ang relationship nyo ni Kyle.", she said.

"Sira! Hindi ka ba nakikinig sa kwento ko? Umalis si Kyle nang bansa after graduation nung college. Malay ko bang babalik pa sya? Anong magagawa ko? May nangyayari na samin ni Jake nung bumalik sya--- Aray!", ang lakas pa rin nyang mambatok.

"May nangyari na pala sa inyo... sinagot mo pa! Gaga ka rin eh? Nuh?!"

"Pwede ba Fishy?! Nagkagalit kami ni Jake. Almost 2 months kaming hindi nagkita. Hindi sya nagparamdam... kaya ayun, na-focus ang atensyon ko kay Kyle."

"Kahit na!", sabi pa nya.

"Pwede ba? Tapos na diba? Wag nang pag-usapan."

"Huh. Bitter ka lang. Nagsisisi kang pinaalis mo sya. Pag nagpakasal yun kay Julie'ng bruha... wala. Pakamatay ka na."

"Tss. Hindi nya mahal ang babaeng yun.", I said.

"Who knows? Magulat ka next week kasal na sila."

"Hindi mangyayari yun!"

"Tanga ka rin kasi! Kunwari ka pa nag-confess ng feelings... tapos pinalayas mo! Feeling ko naman tanggap ni Jake."

"Fishy... ginawa ko yun to fix things. Babalik din ako sa kanya."

"Kailan? Pag kasal na sya? Sige nga! Sabihin mo! Paano mo sasabihin lahat ng 'to kay Kyle nang hindi sya nasasaktan?! Fishy! Mag-isip ka nga sa matalinong paraan?"

Hindi ako nakasagot. Wala na kong maidahilan kung bakit ko ba talaga ginawa 'to.

"Fishy. Ayokong makita kang nasasaktan. Wala ka naman kasing sinabi kay Jake na babalik ka rin sa kanya. Wala syang alam sa balak mo. Pag nagkataon... ikaw ang uuwing luhaan. Si Julie ang mag-cecelebrate."

"Sige. I-down mo pa ko.", sabi ko sa kanya.

I'm just trying to fix things on my own. Tulad ni Kyle... kung paano ko sasabihin kay Kyle na... mahal ko na si Jake.

Alam kong masasaktan sya kapag nalaman nya'ng pinagtataksilan ko sya... simula palang nung una.

Pero... mabait si Kyle. Sana maintindihan nya kung bakit ko nagawa yun.

(#)

The Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon