Chapter 41: We Meet Again

10.9K 159 6
                                    

Chapter 41: We Meet Again

---
Saktong seven in the morning ay nakalapag na ang eruplanong sinasakyan ko sa NAIA.  

Pitong taon... pitong taon na ang lumipas simula nung napagdesisyunan naming lisanin na ang bansang 'to. Nakaka-miss din pala. Kahit sobrang polluted ng hangin at sobrang traffic sa Manila, nakaka-miss pa rin.

Agad akong nag-check in sa hotel nang sundoin ako ni Manong Fernando, dating driver nila Mommy nung nandito pa sila sa Pilipinas. Sindya pa talaga nilang hanapin yun para daw siguradong maayos ang kalagayan ko dito. Tutal mag-isa lang ako, alalang-alala talaga sila lalo na ang asawa ko.  

1PM pa ang start ng orientation meeting kaya makakapagpahinga pa ako. When I exactly entered the hotel room where I was checked in. I dialed a number.

"I miss you..."

"Huh? Ilang oras palang ako nawala ah." I uttered.

May mga naririnig akong ingay sa kabilang linya.

"Dad! I want to talk to Mom! Give me the phone."

"Later big boy. Wait for your turn okay?", Kai said.

"He really missed you, huh?", he added.

"Pero sabi nya sa sulat, naiinis na sya sakin. Ngayong' wala na ako, bigla nya akong hahanapin."

"Hindi lang sya sanay na wala ka dito. Since the day you gave birth to him, hindi ka na nawala sa tabi nya."

"Give the phone to Zach."

"Okay..."

"MOM!!! Come back now!"

"Huh?"

"I don't want to be food poisoned again!" Zach said on the phone.

I remember that day. Si Kai ang nagluto ng dinner namin and it was like... sumakit lahat ang tyan namin. Masarap naman kaso... sobra-sobra sya kung maglagay ng condiments kaya ayun.

"Tell your Dad to order some foods instead of cooking. Anyway I'll tell it to him before hanging up. Go to your room and get rest. Don't forget to do your homeworks. Brush your teeth before you sleep, okay?"

"I know, Mom. I'll do it."

"Give the phone back to your Dad." I commanded.

"Oo na. Magpapa-deliver nalang ako. Wala ka talagang tiwala sa cooking skills ko."

"Wala akong pagkakatiwalaan dahil wala kang skills." I laughed, hard.

"Anyway. Mag-ingat ka dyan. Don't worry I'll take care of our child. Pupunta daw dito si Mommy Kris bukas."

"Well that's good. Naiinip na yun. I need to hang up na. Magpapahinga pa ako para mukha akong presentable sa Orientation Meeting mamaya."

"Baka naman may pinaghahandaan ka lang dyan?"

"KYLE!"

"I'm just joking. I love you, honey."

"I know, I love you, too. Tell Zach that I also love him. Mag-ingat kayo dyan."

"You, too. Mag-ingat ka dyan. Bye."

"Bye.", then I hanged up.

Humiga na ako dahil nakaramdam ako ng antok. Napaisip ako kung paano ko haharapin si Jake kung sakali nga'ng magkita at magkausap kami. Well nakakasiguro akong magkikita talaga kami dun. Pero parang hindi ko yata kakayanin, lalo na ng konsesya ko ang makita sya. Pitong taon. Pitong taon kong tinago sa kanyang nagka-anak kami. Pitong taon kong itinago si Zach.

Pagkapahinga ko ng halos isang oras at kalahati ay naghanda na ako. Medyo nawala na ang jetlag ko kaya naligo na ako at nagbihis. Hindi ko alam kung para saan ba talaga ang meeting nay un at kung ano ba talaga ang i-didiscuss dun pero ang sinabi lang ni Kai sakin, maghanda ako ng powerpoint presentation tungkol sa buhay ko at sa business ni Daddy. Medyo kinakabahan nga ako sa mga sasabihin ko. Baka mamaya nga hindi pala ganun ang gagawin... anyway! Think the positive side. Walang mangyayari sakin kung mapapa-praning lang ako.

Pagkatapos ko kumain, sinundo na ako ni Manong Fernando para ihatid ako sa venue. Isang resort yun sa may gawing Rizal at ngayon palang ako makakapunta dun. Marami na rin siguro talagang nagbago.

Halos isang oras lang ang byahe dahil hindi naman ako na-bored. Ang dami kasing kwento ni Manong Fernando tungkol kila Mommy at Daddy kung gaano raw sila kabait at maalagain sa lahat ng mga kasambahay. Sobra daw ang pasasalamat ni Manong sa kanila dahil napagtapos niya ng kolehiyo ang tatlo niyang anak. Nakaka-inspired lang.

"Nandito na po tayo, Ma'am Christine." sabi ni Manong Fernando. Chrishtina po.

"Thank you po. Tatawagan ko nalang po kayo sakali kung uuwi na po ako." sabay abot ng pera sa kanya bilang bayad. Ngumiti naman sya at nagpasalamat din.

Bumaba ako ng kotse at pumasok sa resort. Nang sinabi kong kasama ako sa orientation meeting na magaganap ngayon, pinahatid ako ng guard sa isang crew ng resort sa isang kwarto.  

"So Ma'am dito po kayo sa kwarto na 'to sa loob ng tatlong araw."

"Ha?!"

"Bakit po Ma'am?"

"Dito ko sa loob ng tatlong araw? Hindi ba 'to uwian?", tanong ko dun sa crew.

"Hindi po, Ma'am. Hindi nyo po ba alam? Hiling po iyon ng coordinator ng 'Orientation Meeting'." napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam na ganun pala. Wala manlang akong dalang kahit anong gamit maliban sa laptop ko.

"Okay sige. Ipapadala ko nalang sa driver ko yung mga gamit ko. Sige salamat."

Then lumabas na yung crew. Nakaka-beast mode naman 'to oh. Tinawagan ko si Manong Fernando at pinadala lahat ng kailangan ko. Wala pa'ng dalawang oras tumawag si Manong na nasa labas na siya ng resort, dala ang mga gamit ko. Agad akong lumabas ng kwarto at sumakay sa elevator.

May nakasalubong akong crew at sinabing 30 minutes nalang magsisimula na yung 'Orientation Meeting' ekek na yan kaya maghanda na raw ako at pumunta sa function hall. Pagkakuha ko ng gamit kay Manong Fernando, dumiretso agad ako sa elevator at pinindot ang number 3.

Pero nung papasara na yung pinto, a hand shot between the door and be retracted kaya bumukas ulit.

My eyes were widened nung nakita ko kung sino ang kaharap ko. Pati sya, halatang nagulat. Hindi ko inaasahang dito pa kami magkikita.

Seven years... seven years kong hindi nakita ang mukhang 'to.

Seven years...

Seven years na pala ang nakaraan...

Wala pa ring pinagbago. Wala pa ring nagbago pati sa nararamdaman ko.

(#)

The Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon