Chapter 35: First Meeting

10.2K 138 4
                                    

Chapter 35: First Meeting

---
"Saan ba tayo pupunta? Kailangan na nating umuwi. May report pa akong gagawin.", sabi nya habang hila-hila ko parin sya papunta sa locker room. Third year high school palang kami nun kaya hindi ko talaga alam ang tamang gawin.

"Jake.", I hold his hands. I looked at his face at ngumiti.

"Ano na namang kalokohan 'to, Chrishtina? Umuwi na tayo."

"Jake..."

"Ano?!", he asked na parang naiirita na.

"Jake. I love you.", sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko parang mamamatay na ko. Hindi ko alam, sobrang kabang-kaba ko ng mga panahon na yun at... hindi kona namamalayan ang mga sinasabi ko..

"I love you, Jake.", I uttered again.

"I love you, too Chrishtina. Why?"

"Really? You love me?"

"Yes. I love you. You're my younger sister. I will love you, take care of you and protect you. You're my family.", medyo na'disappoint ako sa sinabi nya. Well, ine-expect ko naman na hindi agad nya mage-gets.

"No, Jake! I love you. Not because you're my brother. I love you 'cause... you're special to me. For me, you're not just my brother. I think I'm inlove with you."

"You're joking."

"No! I'm serious."

"If that so... I'm sorry. You're just a sister to me and I don't want to destroy our relationship as brother and sister. Si Tita Kris, binilin ka nya sakin. Ayokong sirain ang pangako kong aalagaan kita habang wala sila. And I don't want to waste our friendship. Since gradeschool, tayo na ang magkasama. Bata ka pa Tine. Hindi mo pa alam ang tamang definition ng love kaya forget your feelings to me. Uuwi na ako."

He walked out. Naiwan akong... open-mouthed. Halos isang linggo kong pinag-isipan 'tong pag-amin ko sa kanya tapos... lalayasan nya lang ako? Bwiset! Dapat hindi na ako nag-confess. Ang sakit!

Bigla nalang akong naupo sa sahig at tumingin sa kawalan. Para akong baliw sa locker room. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. First time ko ma-inlove, first time ko ma-reject. Ganito pala yung nababasa kong mga story. Masakit pala talaga. Parang tinapakan yung pride ko. Yumuko ako at umiyak. Naiinis ako sa sarili ko bakit ko pa ba inamin? Bakit sa kanya pa!

"A-ah. Ate? Okay kalang ba?", hindi ko sya tiningnan basta naramdaman kong umupo rin sya sa tabi ko. Lalaki, base sa pabango nya. Hindi ko sya pinansin.

"Ahm. Ate?", then a moment of silence. "Tumingin ka nga sakin! Pana'y iyak ka dyan eh!", aba! Sino ba 'tong g*gong 'to?

"Problema mo! Sira ulo k--- Kyle?"

"Chrishtina, right? Kapatid ka ng pinsan ko."

"Kyle... Kyle Dela Vega ng Section A?", na-starstruck ako sa kanya. Oo. Sya yun! Yung gwapong pinsan ni Jake. Wahh! Dimples... <3

"Anong problema mo?", he asked.

"Ni-reject ako eh.", then I shook my head. Nakakahiya pa 'tong nangyari sakin!

"Ha? Sino naman yun? Sigurado akong gustong-gusto mo sya dahil paiyak-iyak ka pa dyan."

"Pinsan mo.", I said without looking on his face.

"Ano?... pinsan ko? Sino?"

"Ang slow mo!!", tumayo ako at umalis na.

"Teka! Teka!", he grabbed my hand.

"Si Jake! Gusto mo si Jake? Diba kapatid mo sya?"

"Yes. We're siblings. Pero hindi biologically."

"Ha?"

"Ang slow mo talaga!", tss. Section A sya diba? Oo na! Section B lang ako. Pero akala ko ba matalino sya bakit ang slow ng utak nya?!

"Hindi. Wait. So kaya ka iiyak-iyak ka dyan dahil ni-reject ka ng Kuya mo?"

Hindi ako sumagot. Nagsisimula na namang magtuluan ang luha ko dahil naalala ko na naman ang kahihiyan na ginawa ko. I pity myself for this! The next thing happened was Kyle hugged me.

"Ang bait mo pala.", I said habang umiiyak pa rin.

"Hindi ako katulad ng Kuya mo."

"War kayo?"

"Oo."

"Hala. Bakit?"

"Long story. Tara na! Uwi na tayo."

"Anong uwi na tayo?", I asked.

"Tara na. Hahatid na kita pauwi. Pareho lang tayo ng subdivision.", he answered.

"Bakit mo alam?! Stalker ba kita?", I straightly asked him.

"Tanong mo sa Nanay ko. Alam nya.", tapos biglang tumawa. May saltik 'ata 'to eh. Corny ng joke nya ha. Pero nakakatawa yung itsura nya.

"Tss. Tara na. Ihatid mo na ako!"

---

"Huy!!"

"Ha? Ah. Ano?", nagulat ako nang tinapik nya ako.

"Nagde-daydreaming ka na naman ha. Ano na naman ba iniisip mo? Kasama na naman ba yan sa pagbubuntis mo?"

"Naalala ko lang. The day that we first met.", I looked at him and smile. "Nun palang, na-turn on na ako sayo."

"Bago pa mangyari yun, gusto na talaga kita."

"Di nga?", I asked.

"Oo nga. Ang cute mo kasi nung high school. Nag-alangan lang akong ligawan ka agad kasi nga bata ka pa."

"Sorry ha."

"Why?", he asked.

"Kasi... nagtaksil ako sayo."

"Ano ba naman, Chrishtina? Hindi mahalaga kung ano pang ginawa mo dati. Ang mas importante sakin, Ikaw. Dahil magkasama na tayo ngayon."

"Thank you, Kai."

Nagkatitigan kami ng matagal.
Isa lang ang nakikita ko sa mga mata nya.

DESIRE.

Nakita ko syang pumikit at unti-unti nang lumalapit ang mukha nya sakin. Is he going to kiss me? For the FIRST TIME?! Oh no! Hindi pwede. Pipikit din ba ako? Papayag ba ako? Ayan na. Hindi ko na alam. Mas lumalapit pa.

"Tine uuwi na n---", Clare. --> O.o
"Sorry guys.", David^___^v

Napalingon kami ni Kyle sa may pintuan. Nandun si David at Clare. Nakatitig saming dalawa.

Nagpasalamat pa ako sa kanila sa isip ko nung bandang huli alam kong ang awkward ng scene na yun dahil nahuli nila kami pero... mas okay sakin na hindi natuloy.

Because I don't deserve to be Kyle's first kiss. Never. Even in the future.

(#)

The Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon