Chapter 33: Encounter With The Parents

10.8K 119 7
                                    

Chapter 33: Encounter With The Parents

"Bakit mo sya sinagot!"

"Ano bang pake mo?!", I yelled on Jake. Nagiging stage brother na naman sya. Nakakainis. Nalaman nya nang sinagot ko na si Kyle kaya sya beast mode ngayon.

"Chrishtina! Alam mong ayaw ko sa kanya!", he yelled, too. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. This is the first time na sinigawan nya ako ng ganito.

"Mahal ko sya, Jake.", nakita ko ang panggigigil nya. Feeling ko ay anytime susuntokin nya ako.

"At kailan ka pa natutong magmahal? Ha!"

"Simula nung na-inlove ako sayo!", hindi ko na napigilang sabihin ang masakit na katotohanan. Naalala ko na naman. Kung paano nya ako iniwan na parang tanga pagkatapos ko mag-confess. Tapos ngayon... kokontra sya sa lovelife ko. Ano? Habangbuhay ko nalang ipapako ang sarili ko sa nararamdaman ko para sa kanya?

"Pero... Tine!!"

"ANO?!"

"Bakit sya pa? Ang dami naman iba dyan. Bakit sa kagalit ko pa? Pwede namang si Dave."

"Baliw ka ba? Bestfriend ko si Clare. Ano yun? Naging boyfriend nya, lalandiin ko?.", I said. Sira ulo sya.

"Hay!! Hindi ko na alam!", at hinilamos nya ang kamay nya sa mukha nya. Napaka-bugnutin nya talaga pagdating kay Kyle. Wala namang pakialam 'to sa lovelife ko dati... I mean... hindi naman pala ako nagkaka-lovelife :)

"Ewan ko rin sayo!", the I walked away. Baka magka-bangasan pa kaming mag-Kuya dito.

"Wait!! Saan ka pupunta? Wag mo sabihing sasabay ka na naman umuwi sa g*agong yun!", he shouted from my back.

"Don't call him g*go okay?! Hindi sya ganun. Eh ano naman kung sabay kami uuwi? He's my boyfriend now!"

"Nag-mumura ka na ngayon!", sabi nya. Ay? Abnormal ba 'to?!

"Nagmura ka rin eh!", tapos ayun. Umalis na ulit ako. Sira ulo pala 'to eh.
Sya pwedeng magmura... ako hindi?

"Isa!! Chrishtina! Hindi ka makikinig sakin?", ayan. Bumilang na naman sya. Nung huling beses na binilangan nya ako at hindi ako sumunod, inabangan nya si Kyle sa labas ng gate at ayun... nagsuntukan sila. Naalala ko pagpasok nila kinabukasan pareho silang may mga sugat at pasa.

"Jake! Wag ka nga'ng immature!"

"Wow! Ako pa immature ngayon ha?", he said in a sarcastic way.

"Ehh kasi ang praning ng utak mo kung meron man! Harmless si Kyle, okay? Kung wala kang tiwala sa kanya... p'wes, ako meron. At for your information... ini-invite sya ni Mommy and Daddy sa bahay ngayon after school dahil gusto nilang makilala si Kyle kaya pwede ba? Pagbigyan mo na ako! Ngayon lang ako nagkaPAG-IBIG eepal ka pa."

"Wala sa lugar yang pag-ibig mo!"

"Ade lilipat kami!"

"Hindi kayo magtatagal! Walang forever!", sabi nya sabay talikod sakin. Bastos 'tong batang 'to. Sapakin ko sya eh. Nakakainis. Baka abangan na naman nya sa labas si Kyle.

Papalabas na ako nang madaan ako sa cafeteria. Oo meron kami nun. :)

Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Kai!", he looked at me seriously.

"Ha? Ako ba?"

"Yah. Bakit mag-isa ka? Tara na. Nag-text na si Mommy. Hinihintay na nila tayo."

The Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon