Part 2

7.2K 134 50
                                    

1 month ago...



Luigi's POV

"Sigurado ka na ba talaga diyan?"

Ginulo ko pa lalo ang buhok ko at tumingin muli sa salamin bago sinagot si Greg.

"Oo." Tanging sagot ko.

"Baka naman masyado pang maaga, Wigi."

Nilingon ko si Greg na nakahiga sa sofa namin. Nakaharap siya sa cellphone niya at halatang may kinakalikot. Salubong din ang mga kilay niya.

"Maaga pa ba 'yun? 6 years na kami ni Fiona. May trabaho na ako. Kaya ko na siyang buhayin."

Tumingin siya saglit sakin pero mabilis ding ibinalik ulit ang tingin sa cellphone.

"Ikaw bahala." Kibit-balikat niyang sabi.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na palabas ng bahay.

Bahala nga siya sa buhay niya. Uuwi rin naman 'yun pag nainip na.

Kinuha ko ang pulang box na nasa bulsa ko at tinignan ang singsing na nasa loob nun.

I can't wait to marry you, Fiona.

Talagang hindi na ako makapaghintay. Magpopropose na ako kay Fiona.

Mabilis akong pumara ng jeep at sumakay. Kahit kabisado ko na ang mga sasabihin ko ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.

Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa desisyon ko. At sigurado akong matutuwa si Fiona sa sasabihin ko.

Mahal na mahal kaya ako nun. Pero siyempre, mas mahal ko siya.

Nang marating ko ang mismong building ng condo niya ay mabilis akong pumasok at tinungo ang elevator.

Inayos ko pa lalo ang suot kong damit. Baka nagusot.

Kinakabahan ako na naeexcite. Hindi ko pa man nasasabi sa kanya pero gusto ko ng magtatatalon sa tuwa. Sigurado din naman akong papayag si Fiona pag niyaya ko siyang magpakasal.

Bakit hindi? Hindi naman kami magtatagal ng 6 years kung hindi niya ako mahal diba?

"Iho..."

Napalingon ako sa matandang babaeng nagsalita sa gilid ko. Nakaitim siya at may dala dalang basket. Tinitingala niya ako.

"Bakit po?" Tanong ko nang nakangiti.

"Kung ano man 'yang gagawin mo. Huwag mo ng ituloy."

Napakunot ako ng noo sa sinabi ng matanda.

"Po?"

Nilapag niya ang dala niyang basket at kinuha ang kamay ko. Ramdam ko ang malamig niyang mga kamay.

"May ibang mahal ang babae mo."

"Ay nako Lola," Binawi ko ang kamay ko at pumamulsa. "Mahal po ako ng girlfriend ko." Nakangiti kong sabi at nag-iwas na ng tingin.

Ayoko ng dugtungan pa ang usapan namin ni Lola. Dahil bukod sa kinakabahan ako, hindi ko gusto 'yung sinabi niya.

Hindi naman sa pagiging bastos pero ayoko lang. Hindi ko rin alam kung manghuhula ba siya o ano pero wala akong pakialam. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoon, e.

At tsaka talagang hindi. Bakit niya nasabing hindi ako mahal ni Fiona? Eh hindi naman niya ako kilala o si Fiona.

Sabihin na nating manghuhula nga iyong si Lola pero hula hula lang naman 'yan. Wala namang totoo sa hula, e.

Kaya nga HULA. Kasi hula-hula lang. Walang kasiguraduhan.

Nang bumukas na ang elevator ay mabilis akong lumabas at nagdire-diretsyo sa unit ni Fiona. Naririnig ko pa ngang tinatawag ako ni Lola pero hindi na ako lumingon pa.

FionaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon