Part 9

6K 82 25
                                    

Part 9

Fiona's POV

"Iha? Napabangon ka? Nasagot na ba ang mga katanungan mo?"

Hinihingal akong nagkibit-balikat kay Lola. Para akong lumangoy sa napakalalim na karagatan at ngayon lang nakaahon.

"O? Ba't bumangon ka agad?"

Hindi ko sinagot si Lola saka tinignan si Red na hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa kabilang sofa.

"Si Greg ho Lola? Nasaan?"

Siya lang naman kasi yung wala. Hindi ko man alam kung paano kami nakahiga sa tig-iisang sofa pero hindi ko na aabalahin si Lola tungkol doon.

"Hayun nga at umalis na. Nawalan yata ng gana."

Nawalan ng gana? Umalis nalang siya ng ganon ganon lang? Hindi na ba importante sa kanya si Fiona niya? Bakit biglaan nalang kung mawalan siya ng gana?

"Iyon lang kaya ang dahilan kung bakit siya umalis? May iba pa ba siyang sinabi sa inyo Lola?"

Napahinto si Lola saka tumango-tango.

"Oo. Meron nga." Kumuha siya ng ilaw saka iyon nilagay sa gitna ng mesa. "Ang sabi niya nakita raw niya si Wigi sa panaginip niya. Nagalit pa nga kasi kung kailan naman daw sila nag-uusap nung Fiona niya, saka magpapakita."

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "B-bakit po kaya nagpapakita si Wigi, Lola?"

Umubo pa si Lola bago sinagot yung tanong ko.

"Wala akong kontrol doon, iha. Dinala ko lang kayo sa panaginip niyo para nga masagot na yung mga gumugulo diyan sa mga isipan niyo. Dahil nga sangkot si Wigi, may posibilidad talagang magpakita iyon sa inyo. Ang hindi ko lang maintindihan doon kay Greg ay bigla bigla nalang siyang umalis. Porke't nagpakita na si Wigi doon sa panaginip niya, saka naman aalis. Pwera nalang kung duguang Wigi ang nagpakita sa kanya. Nako, iyon ang panganib."

Napalunok ako. "B-bakit po panganib?"

"Iha," Hawak ni Lola sa isang kamay ko. "Panganib kasi maaaring magkagulo na talaga pag nangyari iyon. Kung normal na Wigi lang naman ang nagpapakita, ayos lang. Pero kung yung Wiging naaksidente ang mismong nakita mo doon sa panaginip mo," Napahinto si Lola saka umiling. "May posibilidad na hahabul-habulin ka na nung taong iyon."

Hindi ako nakasagot kaya nagpatuloy si Lola.

"Kung bakit kasi umalis pa ang batang iyon. Pwede namang magawan ng paraan iyon sa pamamagitan ng pagbalik ko sa kanya sa sarili niyang panaginip. Saka kai---"

"Pababalikin ko ho dito si Greg." Putol ko sa sinasabi ni Lola. Nabigla pa nga siya pero tumango din naman agad bilang pagsang-ayon.

Babalikan ko nalang si Red. Ang kailangan ngayon ay mapabalik ko si Greg doon kay Lola.

Hindi naman kami close ni Greg pero ayoko lang na may napapahamak lalo pa't sangkot na kami sa pangyayaring ito.

Ewan ko pero natatakot akong may mapahamak sa amin.

Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Gusto ko ng mamuhay ng normal.

Hindi yung ganito. Hindi ganito na feeling ko lagi nanganganib yung buhay ko.

Nakakainis na nakakakaba.

Tapos yung naging panaginip ko naman, malabo pa.

Saan naman kasi doon ang explanation kung bakit kami magkamukha ni Fiona?

Pwede namang tanungin ko si mama sa lahat-lahat pero may kung ano sa loob ko na pumipigil sakin para gawin iyon.

Pinindot ko ang doorbell nang makarating ako kila Greg.

FionaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon