Part 6

4.9K 99 31
                                    

Part 6

Fiona's POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napahilot sa sariling sentido.

Ang sakit ng ulo ko.

Nakuha ko pang ilibot ang paningin ko para makita kung nasaan ako. Maputing pader, maputing kurtina, maputi lahat ng bagay na nakikita ko.

Dahan-dahan akong bumangon at doon ko napansin si Red na nakatulog sa gilid habang hawak 'yung isang kamay ko.

"Red?" Yugyog ko sa kanya. Unti-unti naman niyang inangat 'yung mukha niya at nang makita ako ay dali-dali siyang tumayo saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko.

"Salamat naman at gising ka na." Nakangiti niyang sabi na nakuha pang halikan ako sa noo.

"Ano bang nangyari? Tsaka nasaan tayo?" Tanong ko.

"Nasa clinic ka. Nagcollapse ka kanina kaya dinala kita dito. Wala kang naaalala?"

Naaalala?

"Ang naaalala ko lang ay nasa loob ako ng apartment. May babae na kapangalan ko. Tas andoon si Wigi. Sinampal ni Wigi 'yung babae, tapos nag-usap sila. Galit na galit si Wigi kasi may mahal palang iba 'tong si babae na kapangalan ko. Tapos.... Tapos... Tapos..." Hindi ko na maituloy ang sinasabi ko nang maalalang pumanaw si Fiona dahil na rin sa pwersahan itong inutusan ni Wigi na patayin 'yung sarili niya.

Naramdaman ko nalang na may luhang pumatak sa pisngi ko.

"Anong apartment ba pinagsasabi mo? Tsaka sinong Wigi? At may babaeng kapangalan mo?" Takang tanong ni Red na inabutan ako ng panyo at umupo sa tabi ko. Hinahagod pa niya 'yung likod ko.

"Si... S-si Fiona... W-wala na siya..." Naiiyak na sabi ko.

Napakawalang puso nung Wigi. Oo, naiintindihan ko namang nasaktan siya, e.

Masakit naman talagang malaman na 'yong taong mahal natin ay may iba pa lang mahal.

Pero bakit kailangan pang umabot sa ganoon? Bakit kailangang may mamatay pa?

Dinig ko ang buntong hininga ni Red bago nagsalita. "Fiona..." Hagod ni Red sa likod ko. "Sinamahan kita magmula kanina at wala akong natatandaang napunta tayo sa isang apartment. Kaya panaginip lang lahat 'yang mga sinasabi mo, kaya tahan na ha?"

Panaginip? Eh parang totoo lahat, e. Kitang-kita lahat ng dalawang mata ko ang mga pangyayari.

Magmula sa umpisa hanggang sa pagkawala ni Fiona. Lahat 'yon nakita ko. Kaya imposibleng panaginip iyon. Imposible.

Ang hindi ko lang naman maalala eh 'yung mukha ni Fiona sa panaginip ko.

Sigurado naman akong hindi blurred yung panaginip kong iyon. Pero ewan. Hindi ko talaga maalala yung itsura ni Fiona, e.

"Balikan natin si Lola."

Umawang ang bibig ni Red sa sinabi ko pero isinara niya rin agad.

Ganoon ba siya kagulat?

"Kaya mo na ba? Gabi na. Kain muna tayo."

"Wala ng oras, Red. Tara na."

Wala na ngang nagawa si Red nang hilahin ko siya at nagpatianod nalang sakin.

***

"Akala ko di na kayo babalik, e." Ani Lola na nakaupo sa tapat namin. Bumalik nga kami dito. At sinabi ko lahat ng nasa panaginip ko para mahulaan ni Lola kung bakit ko napanaginipan si Fiona at Wigi.

Tinanggal ko muna 'yung takot sa sarili ko kasi gusto ko ng kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko.

Kung bakit ako. Kung bakit ipinakita sakin 'yung pag-aaway ni Wigi at Fiona. Anong kinalaman ko doon?

FionaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon