(Present na, kasunod to nung Part 1. Yung Part 2 and 3, past yun e. Okay, bye.)
Part 4Fiona's POV
"Huy, ano ba Fiona! Kanina pa kita kinakausap dito. Tulala ka lang diyan, e." Yugyog ni Red sakin pero hindi pa rin ako sumagot at nakatulala lang.
Bakit parang totoong nangyari yung kagabi? Hindi ko maisip kung paanong naging panaginip iyon.
Sa pagkakaalala ko kagabi ay may nakasabay akong lalaki. Pogi pa nga at naibigay ko pa sa kanya yung number ko. Nag-usap pa nga kami.
Saka sinabi pa nga niya sakin na kapangalan ko yung girlfriend niya.
Pero pagbaba ko, sinabi ni manong kundoktor na nagsasalita akong mag-isa. Tapos ayun, dali-dali akong naglakad pauwi.
May sumunod pa nga sakin. Sumitsit nung una, si Red yun. Yung pangalawa, yung nakasabay ko na sa jeep. Si pogi.
Nakuha pa nga niyang bulungan ako na talaga namang nagpatindig ng balahibo ko.
Ang ipinagtataka ko lang, matapos nung pagbulong niya mula sa likuran ko, ay bigla nalang akong napabangon mula sa kama. Ibig sabihin, panaginip nga.
Pero nung tinanong ko naman si Red kung nagkita ba kami kagabi, ang sabi niya naman, "Oo."
Tinanong ko pa nga siya kung anong suot ko tsaka kung anong pinag-usapan namin kagabi. Pero lahat ng mga sinagot ni Red, tugma sa talaga namang pagkikita namin kagabi.
Ang tanong ko lang ngayon, saang part ba doon ang panaginip ko?
Nagulo ko ang buhok ko dahil ang sakit sakit na ng ulo ko kakaisip.
Nakakastress.
"Huy, future girlfriend, ayos ka lang?" Hawak ni Red sa balikat ko.
"Sabihin mo nga, Red. Nababaliw na ba ako?" Tanong ko naman. Pero nagkibit-balikat lamang siya kaya nahampas ko siya ng libro.
"Aray! Para saan 'yun?" Himas niya sa braso.
"Sagutin mo kasi ako!" Sigaw ko. Pero ngumiti pa siya ng nakakaloko.
"Ikaw ang sasagutin ko? Diba dapat ako ang sasagutin mo?"
Pinanliitan ko siya ng mata saka tinadyakan sa sapatos.
"Diyan ka na nga! Ang labo mong kausap!"
Mabilis akong tumayo at iniwan na siya doon. Siyempre, hinabol niya ako.
"Fiona naman, joke lang naman, e. Ang sadista mo talaga."
"Ewan ko sayo!" May karapatan akong mag-inarte dahil manliligaw ko siya kaya may right akong pahirapan siya.
"Huy, sandali lang." Hawak niya sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Ano?!"
"Ano ba kasing problema? Promise. Magtitino na ako."
Pinanliitan ko siya ng mata saka humalukipkip.
"Seryoso?"
"Oo nga. Ano na? May problema ka ba talaga?"
Sinikmuraan ko nga.
"Aray! Para saan na naman iyon?" Takang tanong niya.
"Anong klaseng tanong ba naman yang tanong mo? Tinatanong mo ako kung may problema ba talaga ako? Naman. Kaya nga ako balisa, e. Utak please."
"Nagtatanong lang naman. O, ano na kasing problema?"
Natigilan ako doon sa tanong niya.
"Hindi ko din alam." Kamot ko sa ulo ko.