1

12.8K 139 4
                                    

Unang Pagsusuko


"Heavelyn Guzman ng earth! Where you na nakarating!" napapitlag ako sa sigaw ng bestfriend ko sa likuran ko.



Agad ko syang nilingon at tinaasan ng kilay.



"Lukaret ka! Kailangan full name? Huh? Anna Victoria Lopez?" nakangisi kong sabi rito.



Napatawa ako ng biglang nangasim ang kanyang pagmumukha. "Yucky! Ambantot ng panalan ko! Don't you ever ever call me by my FULL name!" maarteng sabi nya at umastang nasusuka.



She hates her name. Sabi nya pang palengke raw yung pangalang yun.



"Arte nito. Buti nga may victoria sa pangalan mo at gumanda naman kahit papano ang name mo."



"At paano naging maganda ang 'victoria' sa pangalan ko aber?" tanong nito habang tinaasan ako ng kilay.



"Alam mo yun. Victoria's Secret. Pang mayaman." natatawa kong sabi.



"Bwisit ka! Ginawa mong panty ang pangalan ko! Pero sabagay hahabulin ako ng mga lalaki. Bwahaha!"



Biglang bumukas ang pintuan kaya parehas kaming napalingon dito. Iniluwa nito ang ulo ni Tina , na isang empleyado ko na nagtratrabaho dito sa negosyo ko.




Nagmamay-ari ako ng isang Bakeshop at ang pangalan nito ay 'Heaven Bakeshop'. Sa totoo lang hindi ako nagpangalan ng bakeshop ko kundi ang kaibigan kong lukaret , katulong ko sya sa pagmamanage at pagaasikaso ng negosyo ko.



"Hmm. Ma'am Lyn , Ma'am Ria , magsasarado na po ba tayo?" tanong nito. Tinignan ko ang aking wrist watch. 8 na pala ng gabi.



"Sige magsarado na tayo. Gabi na rin." sabi ko rito. Tumango naman ito at nagpaalam na para sabihan rin ang ibang kasamahan nya.



Nagayos na rin kami ni Ria , yung bestfriend ko , dahil ayaw nya sa pangalan nya sabi nya Ria na lang ang itawag ko sakanya. Pagkatapos namin ayusin ang mga dapat ayusin agad na kaming lumabas sa office ko at tinulungan sila Tina para isarado.



Pagkatapos namin isarado ang bakeshop nagpaalam na kami ni Ria para umuwi na rin. Iisa lang naman ang bahay na tinitirhan namin.



"Lukaret~ Kamusta pala kayo ni fafa?" tanong ni Ria pagdating namin sa bahay at pagkaupo namin sa sofa.

Submitting To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon