Pangalawang Pagsusuko
*tok* *tok* *tok*
Nagising ako sa mahinang katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko. Nanghihinang tumayo ako at binuksan ito. Tumambad saakin ang mukha ni Ria. Sa di ko malamang dahilan bigla na lang tumulo ang mga luha ko at napayakap ako rito , agad din nya naman akong niyakap pabalik.
"R-ria. He c-cheated on m-me." i said between my sobs. Naramdaman ko namang hinahagod hagod nya ang aking likod.
"Upo muna tayo sa kama mo bes. Pagkatapos sabihin mo saakin lahat." sabi nito. Pinunasan ko ang basa kong pisngi pero hindi matagil ang aking mga luha para tumulo. Inalalayan ako ng bestfriend ko na maupo sa kama.
"So anong nangyari? Nagulat talaga ako best sa tinext mo saakin kanina." nagaalalang tanong nito saakin.
"N-nadatnan ko sya sa c-condo nyang may k-katabing b-b-babae. And worst is nakahubad silang pareho. Ria , hindi ako tannga para hindi ko malamang may nangyari sakanilang dalawa. H-he cheated on me!" Mas lalo akong napahagulgol nang paulit-ulit na nagflash back sa utak ko ang mga nakita ko kanina. Ang sakit sakit. Feeling ko tinutusok ng napakaraming karayom yung puso ko everytime na nakikita ko yung mga larawang masakit sa mata , kahit ilang beses kong piliting ipikit ang mga mata ko at alisin ang mga larawang iyun sa utak ko hindi ko magawa kasi alam ko na nakatatak na ito sa puso't isip ko , bilang patunay na niloko lang ako ng lalaking mahal ko.
"I'm sorry bes. Kasi wala ako kanina para maijombag at paguntugin silang dalawa kanina." sabi nito. "Tahan ka na bes. Hindi maganda sa kalusugan ang pagiyak-iyak. at alam naman nating hindi marunong makuntento ang mga lalaki sa iba diba? " alam kong ginagawa nya lang ito para patawanin ako. Pero kung nasa ibang sitwasyon kaming kinaroroonan ngayon marahil natawa na ako sa sinabi nya. Pero hindi eh , when you are so down you just can't bring yourself to laugh at something.
Narinig kong humugot muli sa ng malalim na hininga. "Napag-explain mo na ba sya sa mga nakita mo?" tanong nito saakin , umiling ako at suminghot. "Kahit naman mag-explain sya , he can't change the fact na niloko nya ako , na nakipagtalik sya sa iba habang kami pa , na lumingon sya sa iba."
"Sabagay tama ka rin naman. Harap-Harapan mo ng nakita ang ebidensya , kita na ng iyong two eyes. Pero anong gagawin mo?"
"I don't know" nanlulumong sagot ko. I don't know. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magpapakabulag at ipagpatuloy ko yung relasyon ko sakanya at magpakatanga o gawin ang dapat at alam kong tama. Maski ako naguguluhan. Mahal ko sya , ayaw kong humantong lang kami sa ganito , pero ayaw ko ring magmukhang tanga at ipag patuloy yung relasyon namin gayong alam ko at kita ko ang mga ebidensyang niloko nya ako.
BINABASA MO ANG
Submitting To Him
Fiction générale"W-what the hell! Joke ba yun?" sabi ng dalaga na may naglalakihang mata. "You heard it right. Be mine." nakangising sabi ng binata sa dalaga. His name is Dale Evans and her name is Heavelyn Guzman. And that time she's well aware what she's gettin...