Panganimang Pagsusuko
Heavelyn's POV
Pagkatapos kong isara ang faucet agad kong kinuha ang towel na nasa sampayan at tinapis ito sa aking katawan. Bago ako lumabas sinilip ko muna kung nasa labas si Dale. Mas maganda ng nagiingat.
Nang makasigurado na akong wala sya doon agad akong tumakbo sa pintuan ng kwarto nya at ni-lock ito. Pagkatapos sinuot ko yung binigay nya saaking boxer shorts at malaking t-shirt nya. Labag man sa aking dignidad at pagkababae pero ito lang ang masusuot ko ngayon. Mas maganda ng may masuot kaysa naman magpalakad lakad ako ditong nakabandera ang perlas ng sinilangan ko.
Pagkatapos kong punasan ang aking buhok lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko parin syang nagiinom magisa. Kulang na lang gawin nyang tubig yung alak.
Lumapit ako rito at umupo sa katabi nitong sofa. Napatingin naman sya saakin at agad ring ibinalik ang atensyon sa pagiinom. Arogante!
Pasimpleng inirapan ko na lang sya at kinuha yung isang bote na nasa lamesa. Marami pa sayang naman kung sya lang ang uubos nitong mga 'to. Binuksan ko ito at agad tinungga na para bang tubig ito. Kahit sobrang pait nung lasa nakalahati ko ito.
"Hinay hinay lang." napatingin ako kay Dale na nakatingin na pala saakin. Hindi ko ito pinansin at tinungga muli yung alak at naubos ko ito. Agad akong kumuha ng isa pang bote nito binuksan ko ito at agad na tinungga muli pero hindi kagaya kanina kinonti konti ko lang muna.
Nagiinom lang kami sa kalagitnaan ng katahimikan. Ilaw lang na nagmumula sa buwan at sa isang lamp shade na nasa side table ang nagsisilbi naming ilaw.
Uminom muli ako at tinignan ko sya. Ang gwapo nya. Para syang anghel na pinatapon sa lupa para magkalat ng lahi nito. Siguro pag sya ang ama ng lahat ng bata sa mundo wala ng pangit. Oo , inaamin ko na pati ako nagwa-gwapuhan sakanya. I find him attractive and hot.
Napabuntong hininga ako. "Pero sana wala na lang katulad mo sa mundo. Para walang umasa ng bonggang bongga."
Napatingin ito saakin. "Don't tell me lasing ka na?" manghang sabi nito. Ibubulong ko lang sana iyun nasabi ko yata ng malakas.
"Grabe ka naman parang sinasabi mong mabilis akong malasing." pagtataray ko rito.
BINABASA MO ANG
Submitting To Him
Fiction générale"W-what the hell! Joke ba yun?" sabi ng dalaga na may naglalakihang mata. "You heard it right. Be mine." nakangising sabi ng binata sa dalaga. His name is Dale Evans and her name is Heavelyn Guzman. And that time she's well aware what she's gettin...