Overloaded

28 0 0
                                    

July 31, 2010.

Eto ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Naging kami ni Raine. Pero, yes. Kami pa rin ni Myca. Umamin kasi ako kay Raine three days ago na crush ko pa rin siya. Sinagot ako ni Raine nung niligawan ko siya. Napakasaya ko nun! Syempre, ang tagal kong umasa sakanya, naging kaaway ko pa. Tapos, magiging kami rin pala sa huli.

Pero alam niyang kami pa rin ni Myca. Pero sinabi ko sakanyang makikipagbreak ako kay Myca. Ngunit, hindi ko ginawa yun at hinayaan ko nalang malaman ni Myca na kami na ni Raine.

Ayun na nga. ilang araw nakalipas, nagbigay si Myca ng letter saying:

"Kayo na pala ni Raine. Bakit hindi mo sinabi sakin? Pano yan, break na tayo. Sige. Salamat nalang. Sana maging masaya kayo ni Raine. Pakatatag."

Tinanggap ni Myca. Kahit sabi ng mga kaibigan niya na mahal na mahal pa rin niya ako.

Ayun na nga. Grade 6 na pala ako, di ko namalayan. Ang bilis! Hay. Yun, grade 6. Naging sikat ako sa school. Nagulat ako, eh. Biglaan nalang nangyari yun. Siguro, dahil din sa mga sunod ng sunod samin nung grade 5 ako. Yung mga grade 6 dati na 1st year ngayon, sila siguro nagpasikat sakin. Hay, ang sarap ng feeling kapag sikat ka, noh?

Ilang weeks nakaraan, nagulat ako. Yung kabarkada ni Chesca? Nagbigay sakin ng letter. Sakin mismo. Sakin lang. At ang sabi:

"Andy, sorry na kung anong nagawa namin. Sana bati na tayo. Sayo namin to binigay kasi natatakot kami sa mga kaibigan mo baka hindi tanggapin. Tsaka, hindi naman din kami nagsusumbong kay teacher, eh, yun, sige. Sorry na."

Sinabi ko sa mga kabarkada ko, kaya tinanggapnaman namin. At nalaman ko pa, si Chesca pala, may gusto sakin. Well, okay lang naman sakin. Sumaya ako dahil dun. At, lagi kong nilalapitan si Chesca't lagi akong papansin. Lalo na sa classroom. Sabi pa nga sakin ng kaibigan niya, kaya daw tuwing recitation, hindi siya humaharap sa parte kung nasan ako, dahil sobrang namumula siya na parang mansanas kapag nakikita ako.

Ilang araw na lumipas. Hay. Ayun. Sikat pa rin. Haha. May nagpakilala saking grupo ng grade 5. May dalawa dun, si Alna at si Sophie. Napakaganda. Naging crush ko pa nga, eh. Simula nung araw na nagpakilala sila, halos araw-araw na silang nag-aabot ng letters. Quotes, love letters, grabe. Masaya ang feeling. Sobra. Pero nung una medyo nainis ako kasi hindi ako sanay. To the point na nagsusumbong ako kay Raine dahil nakakainis sila. Pero, dumating yung oras na naging kaclose ko na sila't naging kaharutan. Masaya naman silang kalaro, kasama. Makulit sila. And nagkaroon kami ng memories nang dahil dun..

Edi yun. Masaya naman din kami ni Raine.

hanggang sa....

November 16, 2010.

Kami pa ni Raine. Pero naging kami ulit ni Myca.

December 14, 2010.

Kami pa ni Raine, pero naging kami nung kabarkada kong si Nancy.

Pero nung araw na yun, December 14, nahuli ako ni Raine na naka-akap ako kay Myca. Nung nakit kong nakatingin siya, tumakbo siya at tinry kong habulin pero hindi ko na naabutan. Yun pala pinuntahan niya rin si Nancy para tanungin kung kami. Sakto naman, um-oo si Nancy. Ayun. Nahuli na niya ako. Nalaman na niyang 3 sila. Tapos nung wala na akong magawa, pumunta na ako sa service. Biglang may sumigaw...

"Andy! Ang dami mo nang nasasaktan!"

Paglingon ko, si Erika pala yun. Yung kinakapatid ko.. Kasama si Myca. Galit na rin sakin. Pati yung iba kong kaibigan nagalit. Lalo na yung mga kabarkada ko. Syempre, nasaktan ko rin si Nancy Pero yung bestfriend kong si Angie, hindi nagalit sakin. Inintindi niya ako't hindi niya ako iniwan.

KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon