Throwback ko muna. Dahil may kinalaman ito sa susunod na chapter. :D Hahah!
March 28, 2012.
*Nagring yung phone namin*
"Hello?"
"Hello? Pwede po kay Andy?"
"Uhm, sino po ito?"
"Si Chesca po."
Bumagsak mundo ko. Hindi ko alam gagawin ko. Nakunsensya ako. Naluha ako. Kinilig ako. Natuwa ako. Mixed emotions, hindi ko alam kung anong mangyayare, kung anong sasabihin niya, kung anong sasabihin ko.
"Uh..... Chesca? Si Andy 'to."
"Andy.. Namiss kita. Patakas lang 'to, nasa tita ko kasi ako, wala si mommy."
"Nako, weh? Buti napatawag ka! Nako, namiss din kita. Hindi ko akalain..."
"Oo nga, eh. Uy oo nga pala."
"Ano yun?"
"Happy monthsary."
Lalong bumagsak mundo ko. Dahil naalala pa niya yung monthsary namin, ako hindi.
"Happy monthsary din. I love you."
"I love you too."
Yung 'i love you' ko, hindi ko sure. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi. Pero nung mga panahong yun naiiyak na talaga ako sa tuwa dahil nakausap ko ulit siya.
"Uy sige bye na, baka mahuli pa ako. Bye."
Bigla niyang binaba yung phone. Kinabahan ako, nakunsensya, lahat na! Pero, hindi pa rin ako nakipagbreak kay Ericka. Kasi, hindi ko sure talaga.