Puppy Love

37 0 0
                                    

Nagsimula akong natutong umibig nung prep palang ako. Puppy love lang naman. Pero, pag-ibig na rin yun. Yes, prep. Nagkaroon ako ng matinding crush noon kay Kate. Singkit siya, maganda.. Pero hindi ko masyadong kaclose. Kaibigan ko pa rin. Naging kakulitan ko siya. Hanggang sa isang araw, may ginawa siya saking hinding hindi ko makakalimutan dahil nagmarka siya. Noong nakapila kami para sa dissmissal, kinukulit ko siya. Kaso, nagulat ako nung kinuha niya yung left wrist ko at alam mo yung ginawa niya? Aba. Tinusok niya yung ring finger ko sa pencil sa chest pocket ng katabi niya. Hay, grabe. Napakasakit! Nagmarka yun sa daliri ko hanggang ngayon. Pero syempre, hindi na masakit. yun.

Kaya, yun yung rason kung bakit ako lumipat ng school. From there, to an eclusive for all girls school in Marikina.

Grade 1, I had a crush sa kaklase ko. Babae, syempre. All girls nga eh. Pero, hindi na rin nagtagal yun.

Grade 2, nagkaroon nanaman ako ng crush. Kaklase ko pa rin siya. Pero, hindi rin nagtagal yan.

Grade 3. Pinakamatinding balita ang nakarating sakin. Nalaman ko na si Kate, oo si Kate. Yung crush ko nung prep na nagtusok ng pencil sakin. Siya nga. Nandun na rin siya sa school na pinag-aaralan ko! Magkasing grade kami, syempre. Pero we're just 1 section away. Grabe, laking gulat ko nung nalaman ko na doon na rin siya nagaaral, ha. Syempre, nung nalaman ko yan, naging kakulitan ko na siya. Pati mga kaibigan niya. Kung iniisip niyo na "kulitan" as in, harutang magkaibigan, nagkakamali kayo. Hinahabol ko silang tatlong magkakaibigan, inaasar ko sila. Kasama kong mangasar ay yung bestfriend kong si Aubrey. Kaya, ang nangyare, galit sila sakin. Hindi naman sobrang galit pero yung, away bata. Syempre, what do you expect sa mga grade 3? Magsabunutan? Hahahaha, joke. So yun, asaran pa rin. Hinahabol ko sila. Hahahaha. Pero syempre, crush ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng asar ko sakanya.

Grade 4, ayan. Dito na magsisimula lahat lahat. Meron akong naging kaklase, pangalan niya ay Nick. Yes, babae siya. Nickname niya lang yan. Babae nga, boyish naman. At ang kanyang isa pang bestfriend na si Anne. Pareho sila. Sakanila ako lalong natuto ng mga kalalakihang gawain. Hindi naman sa nahawa ako, pero parang, nagaya ko na rin yung mga arte nila, mga gusto nila. Doon ako natuluyan.

Isang araw, sakto naman. Nakakita ako ng isang babae. Taga kabilang section lang. Nako, ang ganda niya! Napaka ganda. Ang ganda ng mga mata niya. Mukha siyang tahimik.. Pero napakaganda niya talaga. Kaya, naging crush ko siya. At dahil bestfriend ko na si Nick, sinabi ko sakanya. Tinanong ko na rin kung kakilala niya yun.

"Wuy, kilala mo yun?"

"Ay, oo! Kaklase ko yan last year. Bakit?"

"Crush ko kasi eh. Ang ganda niya kasi. Anong pangalan niya?"

"Carmella."

Carmella...

Ang ganda ng pangalan. Bagay na bagay sakanya. Tinandaan ko na rin pangalan niya. Yung tipong, naadik ako sakanya. Pero nung mga panahong yan, crush ko pa rin si Kate syempre. Ibang section rin si Kate. Balik kay Carmella...

"Carmella? Ganda ng pangalan ah"

"Oo nga, eh."

"Teka, mabaet ba siya? Anong ugali niya?"

"Mabaet yan. Pero medyo masunget sa hindi kakilala."

Nako. Masunget sa hindi kakilala. Patay ako dyan!

"Nick, pakilala mo naman ako oh?"

"Sige ba! Ikaw pa, malakas ka sakin."

Ginawa naman ni Nick. Pero, napaka-awkward lang talaga. Tinamaan ako ng hiya ko! Nakakainis. Nakakabanas talaga! Pagkakataon ko na sana yun, eh. Kaso, sinayang ko. Sayang talaga. Kaya, ayun. Naudlot. Hindi kami magkakilala. Sayang naman!

Haay. Lalagpasan ko na nga lang yan. Nakakainis kasi kapag naaalala ko. Pero, hahayaan ko nalang un. Kasalanan ko ba eh, first time ko lang mag ganun.

Grade 5. Okay, bago nanamang mga kaklase. Hay nako. Hanap hanap din ng crush pag may time. Tingin sulyap sa tabi tabi.. Ayun, mga kakilala ko. Pasalamat at hindi ako maoop masyado.

UY TEKA LANG!

Tama ba 'tong nakikita ko?!

Wait, hindi nga?!

Omg....

Si......

Si Carmella!

Si Carmella!

Si Carmella!!! Kaklase ko si Carmella!!! Syempre, ako naman si napakasaya ko! Hahahaha. Pero, may isang babaeng humuli rin ng tingin ko...

Yung katabi ni Carmella. Napakaganda rin. Maputi, maganda. Medyo parang Haponesa. Kaso, mukhang masungit. Eto nanaman ako. Nagimbistiga nanaman ako ng pangalan niya. Nagtanong tanong ulit ako sa mga katabi ko, kakilala ko.

Yes, nakuha ko yung tamang impormasyon. Pangalan niya?

KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon