Raine.
Omg nanaman ako. Ang ganda ng pangalan niya. Bagay rin sakanya. Sakto naman, mukhang close pa sila ni Carmella. Well, double time! Hahaha, joke.
Second day ng classes, may orientation. Doon kami sa covered court ng school namin. Lumigaya nanaman ako nung pag upo ko, nakita kong nasa harapan ko si Raine, at katabi niya si Carmella. Hangsayako! Haha. Pero syempre, nag-isip ako ng paraan para mapansin. Ang paraang naisip ko lamang ay ang pagpapapansin. Well, it always works naman eh. Haha. So yun, ang pagpapapansin kong ginawa ay sinuntok suntok ko yung upuan niya. (monoblock naman yun eh). Sabi ko sa sarili ko, hindi ko titigilan 'to hangga't hindi ako pinapansin. Well, hindi niya ako pinansin hanggang sa kahuli hulihan ng orientation. Namula na nga kamao ko, pero wala. Tapos, nagulat ako sa naging reaksyon niya. Nung pagtayo nung linya nila para pumila sa recess, tumingin siya sakin at inirapan niya ako.
Nako, patay. Imbis na pansinin niya ako, nagalit pa ata sakin.
Yan kagad yung naisip ko. Mukhang napasama pa yung imahe ko sakanya.
Dumaan ang ilang araw, mukhang totoo nga yung naisip ko. Pano naman kasi. Iniirapan niya ako. Sinusungitan. Hindi nga niya ako pinapansin eh. Hanggang sa dumating yung araw na nagmumurahan kami. Kapag dumadaan siya, minumura niya ako. Syempre, nainis na rin ako, para na rin hindi niya ako masabihan ng duwag, minumura ko siya pabalik. Oo, naiirita at naiinis ako sakanya. Pero sa kabila ng lahat ng ginagawa niya sa akin noon? Crush ko pa rin siya. Sa puntong lalo ko siyang minamahal. Lalo akong naadik sakanya. Pero nung mga panahong yan, crush ko pa rin si Carmella at si Kate. Yup, pinagpipilian ko silang tatlo. Ngunit sa tatlong yun, ni isa, hindi ko kaibigan. Lahat sila ayaw sakin. Lahat sila, hindi ako pinapansin. I feel so rejected.
Pero hindi ko nalang pinansin kahit ganun. Dumating yung araw na may mga grade 6 (mas matanda sakin) na lumapit saming barkada ko. Kinausap ako at si Anne.
"Hi, pwede bang makipagkaibigan?"
"Onaman!"
Nagkakilala na kaming lahat. Pero, dumating yung araw na araw araw na nila kaming sinusundan. Nagleletter na rin. Nakalagay sa letter:
Hi! May sasabihin nga pala kami. Meron kasing nagkakacrush sainyo. Kay Anne, si Janin. At kay Andy naman si Marie. Sana hindi kayo magalit kung makulet kami. Kung sunod kami ng sunod. Adik sila sainyo, eh.
Eto. Yan. Hindi eksakto pero ganyan yung letter na binigay samin. Kay Anne okay lang pero sakin medyo naiinis ako kasi ang kukulit nila sunod sila ng sunod eh. Nakakainis na rin kasinwala kaming halos privacy magkakabarkada. Dumami ng dumami yung nakikipagkilala samin, yung mga nagha- hi nalang bigla. Hanggang sa nasanay na nga ako.
Hindi ko na pinansin yung mga yan. Pero, nagulat nalang ako nung umamin yung isa kong kaklase. Ang pangalan niya? Si Myca. Kakulitan ko siya. Lagi kong inaasar. Syempre, asar kaibigan. Hindi naman siya napipikon kaya pinagpapatuloy ko. Nagkakatuwaan naman din kami eh. Kaya okay lang naman yun.
Eto yung mga panahong, uso pa ang Yahoo Messenger o YM. Nagstatus kasi siya ng
"Sana mapansin mo na ako. Ang hirap lang rin kasing sabihin na mahal na kita! :'( "
Bilang kaibigan, chinat ko siya.
"Oy, ikaw ah! Umiibig na siya oh!! Sino yan?"
"Wala ah. Wala yan."
"Weh, hindi. Ano, sino nga? Please?"
"Promise mong hindi ka kasi magagalit?"
"Oo na. Promise ko yan."