June 2, 2011.
Niligawan ko si Angie. Sinagot niya naman ako. Kaya, naging kami. Pero, two days lang yun kasi ayaw nung mga kabarkada namin. Nirespeto namin yun at nagbreak kami.
June 30, 2011.
Naging kami nanaman ni Myca. Kaso, hanggang July 15 lang kasi long distance.
Okay, 1st year na ako! Haha. Kaso sa ibang school na. Sa Pasig na. Dun ako nakatira, eh. Hay. Bagong mga kaklase nanaman! Nung una hindi ako naka-cope up sakanila. Hanggang sa malipat ako sa mas mataas na section. Nagulat nga ako, eh. Matalino pala ako? Hahaha! Doon sa nilipatan ko, nakilala ko si Ash. Naging bestfriend ko siya. At naging madaldal na rin ako. Haha! Napagkwentuhan na namin yung buhay namin, eh. Kaya, naging madaldal tuloy ako. Naging close kami lalo, at nalaman niya na yung storya ko.
July 24, 2011.
Naging kami ni.....
Hulaan niyo kung sino?
Edi si, Chesca!
Yup, yung kaklase ko nung grade 6. Haha. Yes, long distance kami. Pero tumakas ako two days after maging kami para makita ko siya. But that's another issue! Kasi, nung 21, sinabihan ko na siyang liligawan ko siya sa 24. Kaya 24 kasi dati nung grade 6, nung mga panahong crush niya ako, ang tawag niya sakin ay 24. Yun. Daming arte diba? Pero tinry kong magbago..
After two months, okay naman kami. Tawagan, videochats, text, yeah. We're happy. Hanggang sa natemp nanaman ako. Meron kasi akong naging crush sa klase ko. Pero hindi ko planong ligawan. Kaso talagang naiinlove ako dun. Kasi, kaclose ko siya. Pero hindi si Ash, ha! Basta. Kaclose ko na rin. Isang araw, nag group message ako. Cellphone, ha? Nagpatulong ako sa ibang kaibigan ko kung anong gagawin ko.
Alam mo kung sino yung isa sa nagreply?
Nagulat nga rin ako, eh.
Si Raine, nagtext.
Nagtanong, ano ba raw problema. Syempre, sinabi ko kung ano. Binigyan niya ako ng advices. At isa sa advice niya, ay makipagbreak ako kay Chesca. Ginawa ko naman. Kaya after nun, nakipagbreak ako kay Chesca. At ang tanging reply ni Chesca sakin ay...
"Sige. Okay lang."
Ayun. Pero, okay na. Kasi atleast free na ulit ako. Kaso bigo ako. Kasi hindi nagkagusto sakin yung crush ko. At mukhang nilayuan pa niya ako. Bigo talaga ako! Haha.
September nung nagbreak kami ni Chesca. October, himalang naging single ako for one month. But not that single. May nililigawan ako. Remember Alna? Yup, siya nga. Yung nakilala kong lower grade dati, na naging kaon ko for one day? Nililigawan ko ulit siya. This time, I was serious. Sa kasamaang palad, may kaagaw ako sakanya. Si Clemp. Kaschoolmate niya. Kaya medyo nahihirapan akong manligaw sakanya kasi mukhang mas lamang si Clemp. Kaya, umabot ng 2 months ang panliligaw ko sakanya. At sa loob ng 2 months na yun, nung November, may sinagot ako na lalake. Si Alvin. Pero isang week lang kami, break na agad. Then, si Chesca... Nagparamdam ulit ako sakanya. Nakipag M.U ako kay Chesca. Nagkagusto ulit ako sakanya. Even though na magka M.U na rin kami ni Alna.
Pero, si Alna, mukhang wala na naman akong kapaga-pag asa. Why? Dahil sa karibal ko. Leche. So yun, kay Chesca ako kumapit ulit.
After one month, December na nga. Yes, close na ulit kami ni Chesca. And si Raine? Hindi na nagparamdam. Nakalimot na. Ayun, si Chesca. Nung December 22..
"Andy, may regalo ako sayo. :)"
"Weh? Nux naman, ako rin may regalo, eh. :P" kahit wala naman talaga.
"Pano ko ibibigay sayo? :P"
"Malamang, tara kita tayo!"
"Saan? At kelan?"