CHAPTER 4 : Maine....Mendoza???.

33 4 0
                                    

TISOY

Naalimpungatan ako nang magvibrate ang cellphone ko.Pupungas-pungas akong bumangon para tingnan ang oras sa side table at para tingnan kung sino ang nagtext.


Si Boyet...


5:03 in the morning.Napahilamos ako ng palad sa mukha.Minsan talaga makakapatay ka ng kaibigan eh!.


First day of shooting ng God gave me you.Sunduin kita ng 6 ng umaga


Bakit ang hilig nyang magsabi kung kailan sobrang tutok, yung tipong 1 hour early lang.Wala na naman akong ibang nagawa kundi ang bumangon at mag-ayos.


After an hour, dumating na din si Boyet.Sinuot ko ang shades ko, binitbit ang mga gamit ko at sumunod kay Boyet sa paglabas ng room ko.


"Bakit kasi hindi ka kumuha ng P.A?".tanong nya nang nakasakay na kami sa elevator.


I chuckled, simula nang mag-artista ako 2 years ago, pang1 million times nya nang tinanong sakin yan.


"Im fine dude without a P.A".hindi naman sa wala akong tiwala sa iba, para kasing nakakalito lang pag may ibang gumagalaw ng mga gamit ko.


Napakunot-noo naman ako nang tumayo sya sa harap ko at pinakatitigan ang mukha ko.Kahit nakasuot ako ng shades ramdam na ramdam ko ang lalim ng tingin nya, para nya akong kakainin ng buhay, parang timang lang.


I sighed.Tumingin ako sa kisame ng elevator.


"Wag mo kong pakatitigan, baka mainlove ka sakin dude".biro ko sa kanya then I chuckled.


"Dude bakit ang gwapo mo?".tanong nya na para bang nagtanong lang sya kung anong oras na. "Nasan ang hustisya?".


Umalis sya sa harapan ko at muling tumayo sa tabi ko, tinitigan ko sya.Hindi kaya nababading na talaga sya.


"Seriously?".nakakunot-noong tanong ko sa kanya.


"Anong sikreto mo dude?, magaya".sabi nya pa.Natawa ako.


"Inborn to".natatawa kong sabi.


"Wow lang ah!".natatawa habang napapailing nyang sabi.Tinawanan ko lang sya.


Pagdating sa set.Nakaayos na ang lahat, hinihintay na lang ang mga cast ng teleserye para makapag-start na.


"Kumusta direk?".tanong ko sa head director ng teleserye saka ako naupo sa bangkuang katabi nya.


"Ayos lang Den".sagot nya sabay ngiti.Sumandal sya sa bangko saka ako tinitigan.


"Nasan si Joe?".Yung assistant director nang teleserye na nakasama namin nung audition.Direk Mark shrugged his shoulder.

God Gave Me You (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon