CHAPTER 2 : Searching For Maine

40 4 0
                                    

TISOY

Naalimpungatan ako nang sunod-sunod na ring ang ginawang pag-iingay ng cellphone ko.Pupungas-pungas akong bumangon sa kama, naupo ako at isinandal ang likod sa head board.Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tiningnan kung sino ang caller.


Ang magaling na si Boyet...


"Good morning dude".masigla nyang bati sakin, napabuga ako ng hangin, kundi ko lang to kaibigan nasapak ko na to eh!.


"Alas kwatro pa lang ng madaling araw dude, pasikat ka eh noh!".sagot ko na tinawanan nya lang.


"Kailangan mo nang mag-ayos dude, may appointment ka nang 9 ng umaga".napamulagat ang inaantok kong mga mata dahil sa sinabi nya.Appointment?, seriously?, bakit ngayon nya lang sinabi?.Tss napaka-efficient nya talagang manager kahit kailan.


"Ang astig mo talaga eh noh!".sabi ko, insert sarcasm.


"Hahahaha uy salamat ah!".natatawa pang sagot nya kahit alam nyang sarcastic ang pagkakasabi ko.


"Ewan ko sayo".masungit kong sabi pero napangiti na din ako.Kahit naman abnormal ang kalbo na to, kaibigan ko pa din sya.


"Puntahan kita sa condo mo in just hmmmmmmn 30 minutes".masigla nyang sagot.


"Wow ang bigat mo din noh!?.30 minutes?, eh magkapit-bahay lang ang condo building natin".sagot ko.


"Ang dami mong reklamo.Basta 30 minutes period".final nyang sabi, napabuntong-hininga na lang ako."mag-ayos ka na Tisoy".pahabol nya pa bago nya binaba ang phone.


Natatawa na napapailing na napapabuntong-hininga ko na lang na tinitigan ang cellphone ko.Wala na akong magagawa, kahit antok na antok pa ako kailangan ko nang kumilos, trabaho yun.


Bumangon na ako at nag-ayos, hindi na ako kumain.After 30 minutes dumating na si Boyet.Hindi na sya pumasok sa loob ng condo at sabay na kaming naglakad pasakay sa elevator para bumaba sa parking lot.


"Saan ba tayo pupunta?".tanong ko nang makasakay na kami sa van nya.Hindi nya ako pinagdala ng kotse dahil hindi ko naman daw alam kung saan kami pupunta.


"Sa audition nang teleserye mo".sagot nya habang seryosong nagmamaneho.


"Bakit?.Para saan?".nagtatakang tanong ko, kasi diba?, aano ako dun saka para saan ba ang audition na yun?.


"Sira kailangan ka dun dahil ikaw ang leading man, isa ka sa mga kikilatis sa mga potential leading lady mo.Para malaman mo din kung sino ang may chemistry sayo".mahaba nyang paliwanag.Natawa ako bigla.


"Haba nun dude ah!".panloloko ko sa kanya.


"Oo nga eh!.Sira ka eh!".natatawa ding sabi nya.


Makalipas ng ilang minuto, pinark ni Boyet ang kotse nya sa magarang parking space ng isang magarang hotel.

God Gave Me You (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon