June 17, 2015*12:29 A.M.*
Pagkatapos ipakilala ni Ryuujin ang mga miyembro, ibinigay niya kay Kaito ang kanyang mga armas para sa operasyon.
Ang ibinigay sa kanyang mga armas ay ang Kampang (isang uri ng espada na native sa Pilipinas) at dalawang Desert Eagle.
"Ngayong may armas ka na para sa operasyong ito, kailangan naman nating gumawa ng iyong magiging maskara para hindi ka makilala habang nagaganap ang operasyon." sinabi ni Ryuujin kay Kaito pagkatapos ipamana sa kanya ang kanyang mga bagong armas.
"Maskara?" tanong ni Kaito kay Ryuujin.
"Maskara is the Tagalog term for mask. Still not "that" good in speaking Filipino huh?" sagot naman ni Ryuujin habang nakangiti.
"Yeah... But I'll be "that" good one day." sabi naman ni Kaito habang nakangiti.
"Hahaha, Good. Now, back to the main subject." sabi naman ni Ryuujin habang nakatalikod kay Kaito.
Pagkatapos nung pag-uusap na iyon, bumalik na sila sa sari-sarili nilang mga kwarto at nagpahinga na.
*7:26 A.M.*
Papunta si Kaito sa kanyang paaralan. Nung malapit na si Kaito sa gate, napansin niyang maraming nakapalibot na mga estudyante doon sa gate.
"Hm? What's going on in there?" tanong niya sa sarili habang papalapit siya doon.
Nang pagkalapit niya doon, nakakita siya ng maraming lalake na taga ibang eskwela hinahamon ng suntukan ang isang lalakeng parang familiar.
"Huh? Hindi ba yun yung kapatid ni Ryuujin?" tanong muli ni Kaito sa kanyang sarili.
"Kapal ng mukha mong tawagin ako ng ganun ah!!" sigaw ng isang lalake kay Ryuushin, ang nakababatang kapatid ni Ryuujin.
"Kung gusto mo ng suntukan, pumunta na kayo ngayon dito. Kung gusto niyo sabay-sabay pa kayo para minsanan na. Mga walang kwentang kalabaw." sinabi naman ni Ryuushin sa mga lalake ng may masama at seryosong mukha.
"Hah! Masusunod ang gusto mo!"
"Tara at kawawain na natin siya!"
"Siguraduhin ninyong hindi na siya ulet makakalakad!
sigaw nung mga lalake habang papalapit kay Ryuushin.Wala pang dumaan na isang minuto ay nabugbog sarado na ni Ryuushin ang mga lalake.
"Tssk! Mga wala pala kayong kwenta eh." sinabi ni Ryuushin sa mga lalakeng nabugbog niya ng walang kahirap hirap.
Bugbog na bugbog ang mga mukha nung ibang lalaki samantalang yung kanilang lider o pasimuno ay nabalian ng paa.
*7:34 A.M.*
"Magandang umaga sa iyo, Kaito." sinabi ni Hazel kay Kaito ng nakangiti.
"Same. Magandang umaga din sa iyo." sabi naman ni Kaito kay Hazel habang nagkakamot ng mata.
"Nabalitaan mo ba yung nangyari kanina sa harap ng gate?" tanong ni Hazel kay Kaito.
"Hm? Ang alin? Yung suntukan ba iyon?" tanong naman ni Kaito habang kinukuha ang kwaderno sa kanyang bag.
"Oo. Andun ka ba nung naganap iyon? Kwento mo naman yung nangyari." sinabi naman ni Hazel kay Kaito.
"I was there when that happened. In less than a minute, the thugs were beaten up by Ryuushin without a single sweat." sinabi naman ni Kaito habang nagdradrawing siya sa kanyang kwaderno.
"Ryuushin? Wait... Kilala mo yung siya!?" tanong ni Hazel kay Kaito.
"Hm? Yeah. Ryuushin is one of my father's friend." sabi naman ni Kaito habang nagdradrawing.
BINABASA MO ANG
The Dark Arsene
Mystery / ThrillerPain.... It's Actually An Ally... No Matter Where You Go, It Will Always Be Beside You. But The Best Part About It Is.... It Tells You That You Are Not Yet Dead! Kaito Arsean was just an ordinary teenager until he was forced to return to the cou...