*June 26, 2015
*2:16*
Natamaan ni Kaito yung isang lalake sa kanyang tiyan gamit ang kanyang sandata. Nang nakita nung isang lalake na nasaksak ni Kaito ang kanyang kasama, agad niyang itinutok yung kanyang baril sa ulo ni Kaito at ipinutok ito.
"Kaito!!" sigaw ni Konan sa gulat.
Dahil sa galit, sinugod ni Konan yung dalawang lalake at hindi nagdalawang isip na saksakin silang dalawa sa tiyan.
Pagkatapos niyang tinalo sa galit yung dalawa, agad niyang pinuntahan si Kaito.
"Kai! Gising!" sigaw ni Konan habang pinipilit niyang gisingin si Kaito.
Dahil sa swerte, hindi natamaan sa ulo si Kaito kundi sa balikat lang siya natamaan. Pero kahit na ganoon, medyo malalim parin ang kanyang sugat.
Sinakay ni Konan si Kaito sa kanyang likod at agad niyang hinanap si Krysta.
*2:23*
Habang hinahanap niya si Krysta, meron nanamang dalawang lalake, na mukhang guwardya ng mansyon, ang nagtutok ng baril sa kanila ni Kaito.
"Wag kang gagalaw!" sigaw nung isa habang nakatutok ang baril kay Konan.
Sa likod nung dalawang guwardya, may biglang sumaksak sa kanilang dalawa ng kutsilyo.
"Krysta!" sigaw ni Konan habang nakangiti.
"This isn't the time to--" sabi ni Krysta ng bigla niyang iniwasan ang isang putok ng baril.
"What the..." bulong ni Konan sa sarili.
May isang misteryosong lalake na nakaroba ng kulay itim ang nagpakita sa harap ni Konan at Krysta.
"Seriously? Ilang taon na kayo?" tanong nung misteryosong lalake sa dalawa.
"Why do you ask?" tanong ni Krysta sa kanya.
"No one's too young to be a thief." sagot naman ni Konan sa misteryosong lalake habang ibinababa niya si Kaito sa gilid.
"Heh. Can you show me your skills then?" tanong muli nung lalake sa dalawa habang nakahanda ang kanyang sandata.
Agad ibinato ni Krysta ang isa niyang kutsilyo sa lalake at tumakbo siya papunta sa kanya.
"Not bad for a little girl." sabi nung lalake kay Krysta habang umiiwas sa mga atake ni Krysta.
"Tssk.." bulong naman ni Krysta sa sarili habang sinusubukan niyang tamaan yung lalake gamit ang kanyang mga kutsilyo.
"Konan! Distract him!" sigaw ni Krysta habang pinipilit niyang matamaan yung lalake.
"Gotcha!" sigaw naman ni Konan habang nakikipag palitan ng pwesto kay Krysta at ihinahanda ang spada.
"Let's see if you can do better..." pang asar na sinabi nung lalake habang nakangiti siya ng masama.
Sinugod agad ito ni Konan at inatake ng inatake yung lalake ngunit naiiwasan naman ito nung lalake ng walang kahirap hirap.
"Sino ba you!?" tanong ni Konan sa lalake habang pilit niyang tinatamaan siya ng kanyang Falchion.
"Hehe. Mamatay ka na rin lamang kaya siguro pwede kong sabihin sa inyo..." sagot naman nung lalake kay Konan.
"People used to call me the Night Cape..." sinabi nung lalake kay Konan.
"Nutcake? What?" tanong ni Konan ulit habang naguguluhan.
"It's Night Cape you sick f***!" sigaw nung lalakeng nangangalang NightCape kay Konan habang ihinahanda niya ang kanyang sandata.
BINABASA MO ANG
The Dark Arsene
Mystery / ThrillerPain.... It's Actually An Ally... No Matter Where You Go, It Will Always Be Beside You. But The Best Part About It Is.... It Tells You That You Are Not Yet Dead! Kaito Arsean was just an ordinary teenager until he was forced to return to the cou...