I - Love at First Sight?

37 3 0
                                    

June 16, 2015

"Is this...my new school?" tanong ni Kaito sa sarili ng pabulong. "I hope I can make friends here..."

Pumasok kaagad si Kaito sa kanyang bagong paaralan at agad siyang pumunta sa kanyang classroom. Doon ay nagpakilala siya at umupo siya sa tabi ng isang babae sa may bandang sulok.

"Umm...." bulong ng babae habang nakatingin kay Kaito.

Introduction:
*ahem* *ahem* Ako nga pala si Hazel Millard. Age is 15. Birthday is October 17. Blood type is A. Ako nga pala ang naging katabi ni Kaito nung first time niyang pumasok dito. Kilala ako dito sa paaralang ito bilang isang genius, athlete at crush ng bayan. Pero kahit ganoon, hindi parin ako nakontento sa aking buhay. Ewan kung may sira ako o sadyang stupid lang me eh.

"Is there a problem?" tanong ni Kaito sa kanyang katabi habang nagpepenspin.
"Huh!? Wala naman! Nagwagwapu--I mean you just look familiar! That's all, nothing weird!" sagot naman ni Hazel habang namumula.
"Umm.... Okay." sabi naman ni Kaito habang nagdradrawing.
("Ito ba ang tinatawag nilang love at first sight!?") tanong ni Hazel sa sarili sa kanyang isipan.

*Lunch Break*

"Ummm.... Kaito... Would you like to have lunch with me? (Seryoso? Kailangan ko siyang kausapin in English?) tanong ni Hazel kay Kaito.
"Ikaw bahala." sagot ni Kaito habang nagpepenspin.
"S-Se-Serious!?" napashock na tanong ni Hazel habang namumula.

"Yep. Total wala rin naman akong gagawin eh." sabi ni Kaito habang binubulsa ang ballpen.

"Aahhh.... (Marunong ka rin pala magtagalog...)" sabi naman ni Hazel ng mahinahon.

(Pero seryoso...? Inlove ba talaga ako sa lalaking ito? Nalove at first sight ba ako sa kanya?)

Habang kumakain yung dalawa, merong away ang dumaan sa kanilang harap.

"Suntukan ba hanap mo ha?!" tanong nung lalakeng naka mohawk ang buhok habang tinitiis makasapak.
"Tara at simulan na naten!" sabat naman ng isa habang hinahanda ang kamao.
Humarang agad si Hazel sa dalawa at ipinatigil sila.
"Teka!!! Wag kayong magaway!" sigaw ni Hazel habang nakaharang siya sa pagitan nung dalawa.

"Anak ng... Kung ayaw mong masapak, tumabi ka!" sabi nung isang lalake sabay tulak kay Hazel.

Nang makita ang eksena, agad lumapit si Kaito sa dalawang magsusuntukan.

"Tumingin kayong dalawa sa paligid ninyo. Maraming tao." sabi ni Kaito ng kalmado sa dalawa.

"O ngayon? Pake naman nila?" tanong naman nung nakamohawk na lalake habang nakatingin ng masama kay Kaito.

"Isa sa kanila ang pwede magreport sa principal tungkol sa away niyo. At dahil diyaan, pwede kayong ipa-kick out or worse, i-expel." sabi ni Kaito sa lalake.

"Hah! Lahat ng mga taong yan takot sa akin! Kaya wala sa kanila ang may kayang magsumbong! Bago ka lang kaya hindi mo yon alam!" sabi nung lalake habang sinasakal si Kaito.

"Paano kung nagsama sama silang lahat? May magagawa ka pa ba?" tanong ni Kaito ng pakalma.

"(Grabe! Kahit sa kondisyon niyang iyon, kalmadong kalmado parin siya. Sino ba itong lalakeng ito?) tanong ni Hazel sa sarili niyang isipan.

"Pssh! Marami akong kamiyembro at kagangster hindi lang dito sa school! Pati sa buong city marami akong mga kasama! Kaya wala silang magagawa! Wala silang magawa dahil takot sila!!" sabi naman nung nakamohawk.

"Ganun? Well, hindi ako takot sa inyo, uncircumcised cows." sabi ni Kaito habang nakatingin ng masama sa dalawang lalake.

"What the ****?! Anong itinawag mo saken?! Gusto mo yata masapak ah!" pasigaw na sagot nung lalake kay Kaito.

"Ikaw. May babala ako sayo. Kung hindi ka titigil sa ginagawa mo, isisigaw ko na meron kang droga sa bulsa mo."
Pabulong ni Kaito sa lalakeng nakamohawk habang naka-killer smile.

(Da***!? Paano niya nalaman na- !?) nashock na tanong sa sariling isip nung isang lalake.

"At ikaw. Gusto mo ba na ipagkalat ko sa buong campus ang sikreto mo?" tanong ni Kaito sa isang lalake.

"Hah! Buti kung alam mo!" sagot naman nung isang lalake habang hinahanda ang kamao para sa mukha ni Kaito.

"Hmm... Diba ikaw yung lalake kagabi na binusted dahil two timer ka?" bulong ni Kaito sa isang lalaki.

(Paano niya nalaman iyon!?) nashock na tanong nung lalaki sa isip.

"Magisip nga kayong dalawa. What if kung kumalat ito hindi lang sa buong campus, kundi pati sa buong city?" tanong ni Kaito habang hinihila ang bangs.

"Hindi ba mapapahiya na kayo niyan?"
Tanong muli ni Kaito habang nakangiti ng masama.

Napatahimik yung dalawa at umalis nalang bigla ng walang sinaktan na kahit isang estudyante.

"Kaito! Paano mo sila napaalis ng ganun lang?" tanong ni Hazel kay Kaito.

"Sabi nung isa marami siyang kamiyembro. Hindi lang daw sila nakakalat sa school. Pati sa buong city nakakalat sila. Kaya kapag kinalat ko ang balita, mapapahiya yung dalawa sa mga kamiyembro nila at posibleng isnob na rin sila habang buhay." sagot ni Kaito sa dalaga habang hinihila ang bangs.
"Woah..." pangangang sagot ni Hazel kay Kaito.

"Hm? Bakit Hazel? May problema ba?" tanong ni Kaito kay Hazel.

"Aah wala! Napanganga lang talaga ako sa ginawa mo. Ang galing mo promise!" sagot naman ni Hazel habang nagkakamot ng ulo.

(Grabe talaga siya... Ibang iba siya kumpara sa mga lalake... Sino ba talaga siya?)
















CAN YOU GUESS THE HIDDEN WORD?
XIX-VIII-V-XIX IX-XIV XII-XV-XXII-V

The Dark ArseneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon