"MISS ALEXANDRA MONIQUE ANTIQUINA!!!!!" yung terror teacher namin.
"Oh God!" si Suzette yung bestfriend ko. Alam na alam niya talaga pag pagagalitan na naman ako.
"Ye-yes maam" kinakabahang sagot ko dahil alam kong patay na naman ako neto.
"What is repression?" taas kilay niyang sinabi sa akin.
"A-ahhh .... uhmm ..." nakayuko na ako dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sagot sa tanong niya.
"If you don't want to listen during my discussion Ms. Antiquina better to drop this subject!"
"I'm sorry maam" naiiyak na talaga ako sa kahihiyan.
Pagkatapos nang nakakahiyang sitwasyon na iyon ay lumabas na kami para makapag lunch na.
"Ikaw kasi Alex eh! Kung hindi ka nag spa- spacing out kanina di hindi ka sana napagalitan ni maam" buntong hininga niyang sinabi sa akin.
"Eh kasi ang dami dami dami nang mga naiisip ko" nakasimangot kong sinabi sa kanya.
"Oy Alex musta na nga pala yung Ms. Medtech nyo?" nakangiting sabi sa akin ng classmate kong si Lanie.
"Urgh yan na nga yun eh kinakabahan ako baka hindi ako makasagot sa question and answer" nadidismaya na talaga ako.
"Pag di ako naka answer pansensiya na talaga at humihingi na ako nang tawad" dismayadong sanabi ko. Pagtingin ko naman kay Suzette ay nakailing niya akong tinitignan. Eh sa wala akong confidence eh! Tssk
"Nako nako nako nako. Huwag na huwag mo talagang ipahiya yung section natin Alex. Ikakahiya talaga kita pag nangyari yun" Nakarinig din pala yung isang classmate namin. Mas lalo tuloy akung na do- down. Haaaaay buhay.
Last month kasi inanounce na may Ms. Medtech daw. Akala ko plus points sa lahat nang subjects yun pala hindi! Nag try lang naman ako at BOOM! Sa kasawiang palad natanggap ako. Ang laking pagsisisi ko dahil eto na naman ako ipapahiya na naman ang sarili ko sa lahat ng tao.
"Can you please shut up Dianne? Kung wala ka man lang sasabihing maganda dito kay Alex" si Suzette. Hero ko talaga to everytime. Napatahimik naman si Dianne at umalis na rin.
"Ano ka ba Alex. Alam naming kaya mo yan. Ikaw pa. Eh diba nag mo-model ka dati at sumasali ka rin sa mga ganitong competition?" si Lanie.
"Oo pero .... hindi pa ako nanalo kahit isa sa mga kompetisyong nasalihan ko na at yung sa modeling? Catwalk lang"
Yep you heard it right sumali na akong ng ilang beauty pageants pero hindi pa talaga ako nanalo ni isa maski award wala. Pero dalawa lang yung nasalihan ko. Yung isa sa baranggay namin tapos yung isa sa beach. Ayaw ko nang balikan yun lahat ay naaalala kasi ako.
Na do- down talaga ako sa sarili ko hindi ko maipaliwanag basta na do- down ako. Yun yun. Period!"Oh my gosh! Oh my gosh! Yung mga basketball players at si Bryleeeeeeeeee!" May babaeng nagtitili sa daan at hindi na talaga nahiya na sumigaw sa hallway at may nakakita pa talagang mga teachers.
"Oo nga girl! Pati din si Renz!!! My gosh! Ang gwa-gwapo!!!! I'll do anything or everytging para lang mapansin nila ako! Yieeeeeeeee!!!!!!" sabi nung isang kasama niya na ang kilay ay parang aabot sa kabilang dako nang mundo. Para na silang bulate kung kiligin.
Pagtingin ko sa kabilang hallway na tinitignan nung babae eh may nakita akong mga basketball players na naka jersey kulay maroon at may nakalagay na 'Titans" sa jersey shirt nila. Nakakaagaw sila ng atensyon sa daan kasi naman ang tatangkad, naka jersey, at mga gwapo. Pero ang nakahuli nang interes ko ay yung nasa hulian.
Siya si Renz Hernandez. Schoolmate ko nung highschool pero masyado siyang gwapo para mapansin ako. Gwapo, mabait, humble, matalino, mayaman, sporty, every girl's dream. In short, nasa kanya na ang lahat. Crush ko nga siya up until now. Pero nahihiya ako sa kanya at andami ding nakaaligid na mga babae sa kanya hindi din nagbago sa college at mas dumami pa. Tanda ko pa nga nung graduation namin eh.
"Sige na Alex daliiiiiii pa picture ka na dun sa crush mong si Renz last chance mo na to. Gra-graduate na tayo girl!" si Ashley. Nangungulit kasi siya sa akin na dapat magpa picture na ako ni Renz dahil last day na daw ito. Remembrance na daw din.
"Eeeeeeeeeh ayoko Ash nahihiya ako. Pag pinilit mo pa ako sasapakin na talaga kita" pagbabanta ko sa kanya.
"Arte neto ito, ikaw na nga yung tinutulungan ayaw mo pa. Hmmp dyan ka na nga Alex" at umalis na. Ang moody talaga nun.
Nang natapos na yung graduation namin ay as usual ang dami dami daming nagpapa- picgure sa kanya. Nahiya naman ang beauty ko sa mga nagpapa picture. Maski nga mga taga ibang school eh nagpapa picture pa talaga sa kanya. Ganyan siya kasikat at ang hirap hirap niyang abutin.
Akala ko talaga ay yun na ang huli naming pagkikita pero swerte pa naman ako dahil sa Liceo University pa rin siya nag-aaral.
"Bryle Nicon Santillan. Galing sa isang prestigious school somewhere in Manila. Basketball, swimming, soccer, at badminton ang hilig niya. He's into music also and he's good at playing piano, violin, and guitar. Top student din yan. Known as the notorious playboy in the city." si Suzette.
"Oy ikaw Suzie ha stalker ka" ako.
Oo may nakita akung nka jersey din na maroon nasa unahan siya. Gwapo, matangkad, maputi, mataas ang ilong, nagsasabog ng karisma, at bawat babaeng nadadaanan niya ay kinikindatan niya. Tsssssssk perks of being a playboy nga naman. Buti pa si Renz opposite niya.
"Anong stalker?! Eh alam nang lahat ng estudyante yan ah even Lanie. Diba Lanie?" May nakarinig na naman yung isa ko pang classmate na si Pearl. Dami talagang chismosa dito lalo na pag pinag-uusapan yung mga taga basketball team.
"Oo! Hindi mo alam Alex?" nagtatakang tanong ni Lanie sa akin.
"Uhhmm hindi eh" at nag peace sign.
"Gaga ka talaga haha alis na ako may gagawin pa akong importante. Bye Alex, Suzie, Lanie. See you soon" at umalis na.
"Saang planeta ka ba nakatira Alex at ba't hindi mo alam iyan?!" hindi makapaniwalang mukha ni Lanie sa akin.
"Alam niyo na, bahay lang parati tsaka nagbabasa lang ng libro sa bahay."
"Lika na nga, kumain na tayo gutom na ako" at hinila na ako ni Suzette sa canteen.
Suzette Ann Tanseco. Bestfriend ko since fourth year highschool pa lang. Transferee kasi siya galing Amerika. Tsaka choosy siya kung sino ang mga kinakaibigan niya. Nakakaintimidate din pero mabait naman siya. Kilalang mayamang pamilya sina Suzette at nirerespeto at tinitingala ang pamilya nila. In short, super duper yaman nila. Mahilig din siya mag party pero ang mga kasama lang niya ay mga pinsan niya. Sikat din siya sa school. Matalino din studious kasi siya samantalang ako nangagamote sa klase. Hindi ko nga alam kung bakit komportable siya sa akin eh. Total opposite ko si Suzie. Morena ako, maputi siya. Simple lang ako, maarte siya. Palangiti ako, poker face siya, at marami pang iba pero masaya ako at naging bestfriend ko siya.
Samantalang sa akin. Boring ang buhay ko. Bahay at school lang ang daily routine ko everyday. Wala akung bisyo. Sporty akong tao. Varsity player din ako sa school namin. Volleyball is my forte. Singing and dancing doesn't like me. Matangkad din ako. Hindi ako super duper ganda tulad ng bestfriend ko. Yun bang tama lang sa paningin mo. Siguro nga morena ako. Sinubukan kong mag piano nung highschool maybe first year to second year HS at nung nag third year ako ay natanggap akong varsity kaya tinigilan ko nang mag piano hanggang sa nag college ako ay volleyball player pa din ako pero hindi ako scholar. I'm taking up Medical Laboratory Science (MedTech)
Habang kumakain kami ni Suzie sa canteen eh lumapit naman yung tropa nila Trishia sa amin.
"Hey Suzet-"
"Shut up Trishia! Wala kang makukuhang impormasyon sa pinsan ko. So shooo! Leave, go away, and get lost"
"Whatever Suzette hmmp! But remember this: What Trishia wants, Trishia gets. Let's go girls" at nagmartsa sa table na nkalaan sa kanila.
"Highblood ka ata ngayon Suzie. Anyare te?"
"Just don't mind her Alex" at nagpatuloy nang kumain.
YOU ARE READING
Invaded by You
Teen FictionMeet Alexandra Monique Antiquina. Maganda pero walang bilib sa kanyang sariling kagandahan, walang self-confidence, hindi masyadong matalino, mahiyain, simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay at yun ang makatapos ng pag-aaral without failin...