A month past and grabe lapit na pala ng semi-finals namin. Well ganun pa rin routine ko. Bahay school. Paminsan-minsan pumapasyal din. Plain days nothing special at all.
Papunta kaming SAC building para sa panghuli naming subject ngayong hapon. Absent si Lanie nag absent kasi masama daw yung pakiramdam niya kaya kami nalang tatlo ni Kahtrena at Suzie.
"Yung boyfriend mo na naman yung tinetext mo Kat?" Tanong ni Suzie kasi kanina pa kinakalikot ni Kahtrena yung phone niya at tawa siya nang tawa at the same kinikilig pa ang bruha.
"Uhmm Oo eh hihi" kinikilig na sabi niya. Haliparot talaga haha eh sa bitter ako eh paki niyo ba.
"Oy walang forever" sabi ko kay Kahtrena na nakatingin at kinakalikot pa rin yung phone niya.
Tumawa naman si Suzie dahil sa sinabi ko kaya natawa nalang tuloy ako. Kumunot naman ang noo ni Kahtrena sa akin.
"Sabihin mo bitter ka! Hanap hanap din pag may time" biglang sabi niya na tumingin sa akin at kay Suzie para bang kaming dalawa yung sinasabihan niya.
Tssk inaamin ko NBSB pa ako. Ewan ko din kong bakit. Marami naman ang nagpaparamdam sa akin na gusto nila ako o gusto daw nila akong ligawan pero hindi pa ako handa eh. Parang malaking responsibilidad ang salitang RELATIONSHIP sa akin. Kapag naramdaman ko talagang nagpaparamdam sila sa akin ay nilalayuan ko na talaga sinasabi nga nina Kahtrena at Lanie sa akin na tatanda daw akong dalaga palibhasa may mga boyfriend na. Si Suzie? No comment lang siya para bang naiintidihan niya ako hindi sa hindi ako naiintidihan nila Lani at Kahtrena it's just that parang may connecgtion na kami ni Suzie na kahit tumingin lang kami sa isa't-isa ay nagkakaintindihan na kami.
"Punta muna tayong canteen please. Pa load muna ako. Ubos na load ko" si Kahtrena.
"Okay gutom din ako. Kain muna tayo saglit Alex?" Sabi ni Suzie.
"Oh sige. Gutom din ako"
Umupo kami sa isang rectanglar table para kumain na nang may dumating na asungot at pinapalibutan ng mga babaeng kung ka make up ay wagas at may kaakbay pa itong dalawang babae at nagtatawanan sila habang tinatahak ang canteen. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya binawi ko kaagad ang tingin ko baka nag mag asume siya na may gusto ako sa kanya. Sumulyap ako ulit at nakitang hindi na siya nakatingin sa akin at may binulong sya sa tenga ng mga babaeng inaakbayan niya at kinikilig naman yung mga babae sa ibinulong niya. Kumain nalang ako ulit kesa naman tumingin sa kanya. Aksaya lang ng panahon.
Hindi ko naman aakalain na papunta siya ng table namin at hinalikan ba naman si Suzie sa pisngi. Tinulak siya ni Suzie at ako naman ay nagulat sa ginawa ng bwesit na lalaking to sa bestfriend ko.
"Eww Bryle! How many times do i have to told you na wag dito! Gosh kahiya ka" si Suzie.
Wait, WHAT? BOYFRIEND NIYA?
"Hello too couz'" nakatawang sabi ni Bryle kay Suzie.
WHAT THE? COUSIN? FOR REAL? Di ko to alam ah.
"Hi Monique" with matching killer smile. Tss
"Close tayo teh?" Pagsusungit ko. "Alex nalang please" sabi ko.
Mas gusto ko kung Alex nalang ang tinatawag ng mgabtao sakin' kasi common and konti lang ang tumatawag sakin ng Monique parang rare na may tumawag saking Monique parang new sa pandinig ko kung may tumatawag sa second name ko.
"But i like Monique better" nakangisi niyang sinabi sa akin.
"Whatever. Pinsan mo siya Suzie? Di ko alam" habang tinuturo si Bryle na tumabi sa akin at pinag walang bahala ko na lang.
"Sa kasawiang palad" ngumingiwi niyang sinabi sa akin.
Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Grabe epic siguro yung itsura ko habang tumatawa ako. Ewan kong bakit ako nag re-react ng ganun basta nakakatawa para sa akin. Inirapan naman ako ni Bryle kaya mas humagalpak ako ng tawa.
"By the way how are you Monique? May nabangga ka na naman ba ngayong araw?" At humagalpak din sa kakatawa.
"Gago!" Inis na sabi ko at kaagad napalitan ng inis yung tawa ko. Siya naman ngayon ang tawa ng tawa at may nakita din akung luha sa mata niya na agad niya namang pinunasan. Tss! KUTOSAN KITA JAN EH!
Tumingin naman si Suzie sa akin at kay Bryle na para bang may tatlong bukol kami sa ulo at hindi nagtagal ay naka evil smile na and i don't like it. It's like may pinaplano siyang masama. Geez!
Bakit ba ang tagal ni Kat?! Pagtingin ko ay may katawag na siya sa phone niya. BRUHA TALAGA.
Ilang sandali lang ay nakita ko si Renz na naglalakad patungong canteen at parang may hinahanap at nakita kong huminto ang mga mata niya sa table namin at ngumiti. Ohmygosh! Ako ang nginitian niya! Lol! Asa pa Alex ASA! Nakita kong papunta siya sa table namin. Ohmy! kenekeleg ne eke! Peene be ete!
"Hi guys!" Si crush, si future boyfriend, & future husband. Hihi!
"Uhmm hi" nahihiyang sabi ko.
"Oy andyan ka pala Alex. Hi." Ang gwapo gwapo niya super talaga!
Maputi na parang gatas ang kutis niya, ang tangos tangos ng ilong, medyo singit din yung mata niya, parang siyang PhilAm, at kung ngumiti gosh! It makes my day complete! Kay Bryle naman maputi din pero mas maputi ng konti si Renz, matangos din ang ilong Bryle. Kung kay Renz matangos kay Bryle pointed. Si Bryle ay parang brazilian model kung titignan with killer smile and a dimple that make tge girls drool over her.
TEKA BA'T KO BA SILA KINO-COMPARE?
"Dude may nakalimutan akong kuhanin sa kotse. Samahan mo nga muna ako. Project natin yun." Si Bryle. Nakakabanas naman tong si Bryle bago pa nga dumating yung tao eh.
"Uh okay. See you around girls" sabi ni Renz na palakad na.
Pagpasok namin ng classroom ay wala pa si maam. Kasi palaging mas maaga yun kesa sa amin kung dumating. Umupo na kaagad kami sa upuan namin at hindi nagtagal ay dumating na si maam.
"Next meeting ay may talumpati tayong gagawin kaya bumunit na kayo sa kahon para naman alam niyo na kung ano ang e tatalumpati niyo" si maam.
Bumunot na kami isa-isa at nakabunot na kami ng isang pirasong papel na nakalukot.
"Buksan niyo na in 5, 4, 3, 2, 1 Go!"
Nang buksan na namin ay may ibang tumili at napasigaw sa e tatalumpati nila para sa susunod na meeting.
"Anong sayo Lex?" si Suzie.
"Di ko pa binuksan eh"
"Gaga! Buksan mo na!" Kahtrena.
Nang binuksan ko yung kapirasong papel at binasa ay hindi ako napatili o napasigaw kundi nagulat. Nakita nina Suzie at Kahtrena ang paglaki ng mata ko.
"Is there something wrong?" Nag-aalalang tanong ni Suzie.
"Seriously?!" Napasigaw kong tanong at hindi sinagot sina Suzie at Kahtrena.
Nakalagay sa papel ay:
PAANO MO MAIPAPALIWANAG ANG LALAKING MAGINOO PERO MEDYO BASTOS?Papaano ko to ipapaliwanag?!
YOU ARE READING
Invaded by You
Teen FictionMeet Alexandra Monique Antiquina. Maganda pero walang bilib sa kanyang sariling kagandahan, walang self-confidence, hindi masyadong matalino, mahiyain, simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay at yun ang makatapos ng pag-aaral without failin...