Andito kami sa library ngayon kasama syempre sina Suzie, Lanie at Kahtrena nag stu-study kasi may quiz kami sa major subject namin mamaya. Nag memorize ako nang mahagip ng mata ko yung nasa unahan nung mga basketball players kanina. Nakalimutan ko kung ano pangalan niya.
Basta ang nakita ko ay nakikipaglampungan siya sa mga babae niya at yung mga haliparot naman ay nakapaligid sa kanya na parang sinasamba siya dahil sa angking kagwapohan niya. Oo inaamin ko gwapo siya hindi naman kasi ako in denial para hindi yun mapansin.
Hindi ko alam na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya. Bigla ba namang lumingon sa akin ng nakangisi at kinindatan ako?! Kumunot naman ang mukha ko sa ginawa niya. Jerk!
Umiiling akong tinitignan siya at tumingin nalang ako sa ibang direksyon para maaliw ko nalang yung sarili ko hindi sa pagmumukha niya."Let's go na kaya? 2 pm na kasi" sabi ni Kahtrena.
"Hala Oo nga! Di ko na napansin yung oras" si Lanie.
"Let's go Alex?" sabi naman ni Suzie.
"Yeah sure baka may mapatay pa ako ditong lalake. Ang taas taas naman kasi umasta na lahat ng babae eh mapipikot niya! Tss!" tumatawa naman si Suzette sa sinabi ko as if on que kung sino yung pinapatamaan ko.
"Anong pinag puputok ng buchi mo jan Lex?" nagtatakang sabi ni Lanie.
"Wala! Alis na nga tayo" naiinis na sabi ko at nauna na sa kanila.
Nang natapos na yung quiz namin sa major ay uuwi na sana ako. Hindi ko kasabay sa pag uwi si Suzie kasi sinundo na siya nung driver nila syempre ako susunduin rin pero kasi may aasikasuhin sa ako sa gym. Pinapatawag kasi ako nang adviser namin para sa gagawin naming zumba.
Hindi ko na talaga halos makita yung dinadaanan ko kasi anim na libro ang binibitbit ko at ang tatlong libro ay makakapal. Sakto namang may nakabangga ako sa daan nang hindi sinasadya.
"Ouch!" lalaki yung nakabangga ko. Kapag minamalas ka nga naman oh baka masapak ako ne'to or worse baka suntukin! Me and my imaginations haha LOL!
"Urgh, hindi ko na kasi halos makita yung dinadaan ko" sabi ko nang pinupulot yung mga librong nagkalat sa daan.
"It's okay. Bumping into you makes my day" Ansabe ni kooooya? May tupak ata to. "My name's Bryle. What's your name pretty?" nakangiting sabi niya na nakakapang hulog panga.
Pagkatapos kung pulutin lahat nang libro ko ay nakita ko yung lalaking nakita ko sa library kanina. Naka jersey siya. Ang tangkad pala niya. Pero argh! Kapag minamalas ka nga naman oh! Sa dinami-daming lalakeng makakabangga ko ay siya pa?! Tsk tsk tsk sorry na lang siya at hindi ko siya papatulan.
"I'm ..." nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba yung pangalan ko o hindi. Pero eto nalang yung nasabi ko. "I'm leaving!" at nagmadaling umalis. Kahiya naman yun. Buti nalagpasan ko. Ayoko talaga sa mga lalaking playboy.
Bago ako nakalayo nag tuluyan eh may narinig pa ako sa kanya. "Woah" yun yung narinig kong sinabi niya. Oh well never mind.
Nung nakapasok na ako sa gym ay andito pala yung mga basketball varsity players naglalaro. Siguro nag eensayo sila para sa darating na PRISAA. Sa amin din nag tra-training na din kami. Sa narinig ko eh gaganapin daw iyon sa Gensan.
Sinuyod ko ang paligid para hanapin si Maam Pastrano at nakita ko siyang nasa stage may sinusulat.
Nang lumapit ako kay maam ay sinabi na niya sa akin kung ano ang gagawin namin next meeting. Hindi pa ako nakaalis kaagad kasi may isinusulat pa si maam at dapat daw na iannounce ko sa mga classmates ko bukas.
Habang tinatanaw kong maglaro ang mga players eh nakita kong papasok si Bryle ba yun? At biglang may ibinulong sa mga ka teamates niya at nag ngitian silang lahat. Parang may plinaplanong hindi maganda. Pinag walang bahala ko na lang at tinuon ulit yung tingin ko sa mga naglalaro. Nakita ko din si Renz naglalaro rin syempre kasama sya sa Basketball Titans eh. Pinasa nang ka teamate niya yung bola shinoot niya naman agad at saktong 3 points shot. Grabe! Ang galing niya talaga! Napangiti naman ako dahil sa kagalingan niya.
"Go Reeeeeeeeenz! Idol ka namin! Yieeeeeeee!!!!" Cheerleaders ng school sumisigaw na naman. Manghang mangha din kagaya ko sa ipinakitang galing ni Renz sa laro.
Pagkatapos maibigay ni maam yung isinulat niya eh lalabas na sana ako nang hinarangan ako ng ilang mga basketball players na hindi nakasama sa laro.
"Not so fast dear" sabi niya. Sa likod ko siya. Pagharap ko sa kanya eh ngumingisi siya sa akin.
"What?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Woaaaah! Pare sure ka ba? amazona to eh!" sabi ng mga ka teamates niyang sina Jason.
"Oy Leaving di ka man lang ba mag so-sorry sa ginawa mo sa akin?" taas kilay niyang sinabi sa akin at hindi man lang pinansin yung mga ka teamates niya. ASAR! pero hmm Oo nga pala! hindi ako nakapag sorry sa kanya kanina! Patay! Baka nga suntukin nya ko! So ito nalang yung nasabi ko.
"Sinong leaving?" Nagtatakang tanong ng mga ka teamates niya.
"Siya" sabay turo niya sa akin na pinipigilang matawa. Urgh. "Sabi niya sa akin na 'I'm Leaving' eh. Eh di Leaving pangalan niya" sabi niyang painosinte. Peste talaga.
Hagalpak naman ng tawa yung mga teamates niya. Napa face palm nalang ako dahil nakitawa din siya. Siguro hindi niya mapigilan yung tawa niya at mas lumakas pa yung tawa nila dahil sa naging reaksyon ko.
"Look sorry okay. Hindi ko sinasadya kasi madaming libro ang binibitbit ko patungong gym that's whay hindi kita nakita sa daan" sabi ko.
"Hmm ... mapapatawad lang kita kung sasabihin mo sa akin kung ano ang pangalan mo. Pag sinabi mo ang pangalan mo eh makakadaan ka na" kumindat siya at ngumingisi parin siya sa akin. Seriously?! Sarap bigwasan ng mukha. Bakit ba to palaging ngumingisi at kumikindat? Parang walang problema sa buhay ah.
"Why are you interested? Pwede ba wala akong oras makipaglaro sa inyo. Hoy Jason! Kung hindi kayo aalis jan sa dinaraanan ko mananampal talaga ako! Alam nyo naman kung paano ako manampal diba?" paghahamon ko sa mga humarang nang daraanan ko.
"Patay tayo sa MVP mga brad!" aniya ni Jason at hindi na ako hinarangan pa.
"Oh so you're a player. What sport?" si Bryle at parang interesadong-interesadong malaman kung ano yung sport ko.
"Volleyball player yan Bryle. MVP. Kaya wag kang magtatangka ng masama jan at baka makatikim ka ng isang naglalagapak na spike sa mukha" tumatawang sabi ni Harold yung isa pa nilang kasama.
LOL! Hindi naman sa nagyayabang pero Oo naging MVP na ako pero once lang yun. Kasi nagkasakit kasi yung captsin ball namin at parang ang laking kawalan dahil wala siya sa laban tapos yung team parang nawawalan na talaga ng pag-asa na manalo kami so sinabi ko sa kanila na makakaya namin to' na kaya naming manalo para sa captain ball naming nasa sa hospital dahil may dengue. Hindi ko din naman kinakalat na magaling na player ako pero ilan sa mga studyante ay nagpapa-picture saken pagkatapos ng laban namin.
"Mahirap bang ipakausap kung anong pangalan mo?" sabi niya.
"Fine! I'm Alexandra Monique Antiquina. You happy now? sarcastic kong sabi sa kanya.
"Super!" nakangiti niyang sinabi.
"Pwede na bang umalis?"
"Yeah yeah" aalis na sana ako nang nagsalita pa ulit siya. "Alexadra Monique. Hmm nice name. Not bad." Oh well whatever.
Makauwi na nga. What's his problem to me ba?! At ano bang nangyayari ngayong araw na to'
Pinagalitan, tinanong, nakaalitan, bangayan, bunggoan, harangana the eff! Ano ba naman ito! Tss!
YOU ARE READING
Invaded by You
Teen FictionMeet Alexandra Monique Antiquina. Maganda pero walang bilib sa kanyang sariling kagandahan, walang self-confidence, hindi masyadong matalino, mahiyain, simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay at yun ang makatapos ng pag-aaral without failin...