"Nice one!" sigaw ni coach nung mabilis kong na is-spike yung bola sa kalaban at hindi nila nakuha kaya nakalamang kami.
Andito kami ngayon sa gym. May tune-up game kasi kami with the other school. Ewan ko kung bakit. 1st set panalo kami sa 2nd set naman nanalo sila so bale tabla lang kaya naman mag thi-third set. Halos magkadikit kami nang score. 10 points sa amin, 11 points kanila. Maraming tao ang nag chi-cheer sa amin. Nakita ko din yung mga classmates ko at sina Suzie, Kahtrena, at Lanie na nakaupo sa bleachers. Kapag lumalamang kami sa kalaban eh todo cheer.
"Go Titaaaaans!" Yung iba.
"Go Team!" Yung isa pa.
"Kaya nyo yan! Laban lang!" Yung iba pa.
"Liceo go! Liceo fight! Liceo win! Go, Fight, Win!" Lahat nang tao sa gym ay nag chi-cheer na sa amin. Syempre homecourt nami to' kaya maraming sumu suporta.
Nang nag time out ay sinabihan na kami ng coach namin kung ano ang dapat pa naming gawing taktika para matalo sila kasi magaling silang mag depensa.
"Ikaw Galdo dun ka sa gitna, Antiquina tres ka, Cabiles tingin lang sa bola dapat angle kayo nang bola okay?" si Coach. Ang dami pa niyang sinabi hanggang sa pumito na ang referee para ipagpatuloy yung laban.
"Yes coach! Let's go team!" si Alyssa yung CB namin.
"TITANS!" kaming lahat.
23-24. Isa nalang para matalo na namin sila. Sinenyasan ako nang setter namin na ako ang mag spike ng bola so nag re-ready na ako. Habang nagaganap ang laro ay may mga tumiling mga babae.
Pagtingin ko sa mga lalakeng pumasok ngayon lang ay yung mga basketball players lang pala. Sa unahan pa rin yung Bryle na parang leader nila sa grupo. As usual bawat mga babaeng nadadaanan niya ay nginingitian niya o kinikindatan. May ilan pa nga na umiiyak dahil hindi niya na napansin pa. What the?! Para sa isang lalake lang gumaganyan na sila?! Ganun ba talaga ang epekto nang lalakeng iyon sa mga babae? Over na.
Nagtugma naman yung mga mata namin at kinawayan niya ako. Langya! Feeling close masyado.
Umatras na ako para maka spike na nang maigi sa bola. Sinet na nang setter namin yung bola nang biglang ....
"Go Antiquinaaaaaa! Woooooh!" si Bryle!
Parang na distract ako sa pagsigaw niya kaya hindi ko naipasok sa kabilang court ang bola kaya tabla kami ng score ngayon! Nagbunyi ang kalaban namin. Samantalang kami parang binagsakan ng langit dahil lang sa na distract ako.
Biglang nag "Ayyy" yung mga tao sa paligid.
"Sh*t!" yun lang talaga ang nasabi ko dahil sa pagka frustrated ko.
"Ano ba naman yan Antiquina! Tignan mo tuloy tabla na tayo ng score sa kalaban!" Sinimangutan ako ng setter namin at hindi na ako binigyan pa ng isa pang set. Urgh!
Sa huli, panalo kami. Naipanalo ng CB namin yung laro. Panay ang hiyaw ng mga tao sa gym dahil nanalo kami sa laro. Marami ding nag co-congrats sa amin pero hindi pa rin maalis sa utak ko nung na distract ako sa laban. The eff! Bwesit na lalaking yun! Siya talaga ang may kasalanan eh! Bakit din naman ako na distract ha aber?!
Pagkatapos nang laban ay napagsabihan ako ni Coach kung ano daw yung nangyari sa akin kanina. Pero okay na naman. Masaya pa rin kami dahil kami ang nanalo sa huli.
"We'll just wait for you outside Lex. Congrats ulit" nakangiting sinabi ni Suzie. Binati din ako ng mga classmates, schoolmates, at friends ko pag nadadaanan nila kami sa daan.
YOU ARE READING
Invaded by You
Teen FictionMeet Alexandra Monique Antiquina. Maganda pero walang bilib sa kanyang sariling kagandahan, walang self-confidence, hindi masyadong matalino, mahiyain, simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay at yun ang makatapos ng pag-aaral without failin...