IC-40(JiyahxDara)

1K 35 3
                                    

DARA's POV

Grabe. Bakit ba kailangan yung mga totoong nagmamahal pa ang nasasaktan? Bakit hindi nalang magsama ang mga manloloko sa manloloko? Bakit kailangan ang nagmamahal pa ang laging apektado?

Haysss!

Tadhana, pinaglalaruan mo ba kami?

***

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Biglang tanong ni Michael sakin.

"Malalim talaga. Malulunod na nga ako eh!" Sagot ko naman sa kanya sabay kapit sa braso nya.

"Pwede kong malaman?" Halata sa muka nya ang pagkacurious niya.

"Si Kambal kasi, Broken hearted kay Jiyah." Walang ganang sagot ko sa kanya.

O_____o? "Bakit? Break na?" Gulat na tanong niya.

"Oo." Simpleng sagot ko nalang.

"Nauntog na ata si Jiyah. Hahaha sabi ko sa kapatid mo suotan si Jiyah ng makapal na helmet e." Pagbibiro pa niya

"Haysss. Pero naaawa ako sa kapatid ko. Ganung ganun din ako nung masaktan ako." Sabi ko sa kanya sabay huminga ng malalim.

"Natural lang ang masaktan, kasi nagmahal tayo." Simpleng sabi niya at napatingin sa malayo.

"Ang unfair." Yan lang ang tanging nasabi ko.

"Hindi unfair yun Dara, kasi kung di tayo masasaktan, hindi tayo matututo." Patuloy niyang sabi sabay upo sa garden ng school. Di ko namalayang dinala na pala kami ng paa namin dito.

"Pero bakit kailangan yung mga nagmamahal pa talaga ang nasasaktan? Bakit hindi nalang yung mga manloloko? Yung mga nananakit?" Tanong ko at saka umupo sa tabi niya.

"Kasi nga para matuto. Matuto na mag ingat sa taong pagkakatiwalaan, matuto para mas maging maingat sa pag pili ng taong mamahalin. At for us to grow.....strong." Paliwanag niya habang nakatingin pa din sa malayo.

"Michael, may gusto akong sabihin." Sabi ko at humarap sa kanya.

"I know what it is Dara. You don't need to tell." Sagot nya at nakatingin pa din sa malayo.

"S-sorry." Ang tanging nasabi ko lang.

"Don't be.... alam mo ba kung bakit hindi kita matignan?" Maluha luhang sabi nito. "Kasi, everytime I look at you, it is always him. Kitang kita ko sa mga mata mo na it was him who you truly want and love not me." sabi niya at tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.

Iniharap ko siya sa akin, pinunasan ko ang mga luha niya.

"Sobra akong nagpapasalamat sayo kasi hindi mo ko pinabayaan at iniwan, na kahit alam mong mahal ko pa din siya eh nagbulagbulagan ka para dun......

Hindi mo deserve ang tulad ko Michael, may iba pa dyan na susuklian lahat ng ibibigay mo, patawarin mo ako dahil kahit pilitin ko man ibalik ang dati, Hindi talaga kayang lokohin ng puso ko ang utak ko, siya pa din talaga ang hinahanap nito. Thank you, thank you sa lahat. Balang araw, makakahanap ka din ng babaeng mamahalin ka din tulad ng pagmamahal mo sa kanya." Hindi na napigilan ng mga luha ko at tumulo na ng tuluyan.

"Shhhh. Don't cry.... Thank you din kasi hinayaan mo kong mahalin ka, at kahit na anong mangyare, hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Nandito pa din ako, pag kailangan mo ko ha?" Sabi niya sakin at niyakap ako.

I hugged him back.

***

Hinatid ako ni Michael sa Bahay after class.

At nadatnan ko si





Travis na lasing.

"J-jiyaaah! Punyeta naman! Kausapin mo naman ako!" Sigaw nito habang hawak ang cellphone niya.

Ang daming bote ng alak sa lamesa at sobrang wasted na ang itsura ni Travis.

Nakayuko na siya sa lamesa. Nakatulog na siguro.

Dahan dahan ko siyang inalalayan papuntang kwarto niya.

Kumuha ako ng warm water at towel at pinunasan ko siya.

"Hays! Magiging okay din ang lahat tabi. Don't worry." Sabi ko sa kanya habang siya mahimbing na natutulog.

7pm palang lasing na siya siguro kanina pa to nagiinom dito.

Pagkalabas ko ng kwarto niya at kinuha ko ang phone ko at dinial ko ang number ni Jiyah.

Pero cannot be reach nga.

Kaya naglakas loob na akong tawagan si Jiyong.





2 rings lang sinagot niya na agad.

"DARA?" halatang gulat ang tono ng boses niya.

"Tell Jiyah to meet me at the Cafe Glamoroso near your condo now." Utos ko sa kanya.

"S-sige." Sabi nito at inend ko na ang call ko.

***

-CAFE GLAMOROSO-

"Unnie!" Kaway nito sa akin ng makita ako sa pinutuan.

"Sorry, inayos ko pa kasi yung bahay sobrang kalat kasi." Paliwanag ko dahil mukang kanina pa siya nagaantay.

"Ayos lang unnie." Simpleng sabi niya lang.

"Jiyah, alam mo naman siguro kung bakit gusto kitang makausap?" Tanong ko sa kanya at nag nod lang.

"Nagmamakaawa na ako sayo please lang, kausapin mo na ang kapatid ko. Gabi gabi siyang naiyak at umiinom. Lagi niya din sinasabi ang pangalan mo, ayokong makitang ganun siya. Awang awa na ako sa kanya Ji. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan." Umiiyak na tumango si Jiyah.

"Unnie, mahal ko naman siya kaya lang ang sakit. Alam mo yung sa dami nyong pinagsamahan masisira lang dahil sa ginawa niya. Kitang kita ng dalawang mata ko unnie, kung paano niya ako niloko. Kahit din naman kung ikaw tong nasa kalagayan ko, hindi mo maiiwasang magalit e. Tiwala ang nasira dito e, tiwala na hanggang ngayon iniisip ko kung paano ko ulit mabubuo at maiibabalik. Patawarin mo ko unnie, nasaktan ako eh. Kung hinihiling mo sa akin na kausapin siya, sige..... kakausapin ko na siya pero kung hinihiling mo sakin na balikan at ayusin ang lahat,,.... patawarin mo ko pero hindi na pwede." umiiyak niya ulit na sagot.

"Naiintindihan kita Ji. Alam ko lahat ng pinagdadaanan mo kasi nangyari na din sakin yan, pareho lang tayong nakakaramdam ng sakit ng panloloko pero labanan man natin hindi pa din natin maitatangi na mahal talaga natin sila. Kaya hangga't maari, ayusin nyo. Wag kayong gumaya sa amin ng kuya mo na pinatagal tagal hangga't sa naging ganito kami ngayon, patuloy na nagsasakitan kahit na alam namin sa sarili namin na mahal namin ang isa't isa." Paliwanag ko sa kanya at pansin kong mas lalo na siyang umiyak.

"Yung sa inyo ni Kuya, naniniwala akong pwede pang ibalik, na kahit ganyan ang mga nangyare sainyo ay pwede pang maayos. Pero yung sa amin, maayos man namin, darating at darating ang araw na masasaktan ulit kami." Sabi niya at patuloy na umiyak.

-------------------------------------------------------------

A/n: naiyak ako sa Chapter na to. Parang more on setting each other free. :( Pero hands down ako kay Michael at pinalaya niya agad si Dara. Na naging Man enough siya to face the truth. arrrgghhh! :'( Dapat sila nalang. parang mas bet ko na sila. :(

Magkakaayos na kaya si Dara and jiyong? Hmmmmmmm?




Vote and Comment.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon