TRAVIS' POV
Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng nangyare nung birthday ni Jiyah.
Okay na si Jiyong at Dara. Balik na sila sa dati. Pero hindi ibig sabihin nun ay in good terms na kami.
Pero kami ni Jiyah?
Hindi pa.
"Oh, gising ka na pala! Kumaen ka na dyan." Bati sakin ni Dara na naunuod ng t.v
"Mag coffee nalang ako. Sakit ng ulo ko eh!" Sabi ko lang sa kanya habang naghahanda ng coffee.
"Paanong hindi sasakit eh, naglasing ka kagabi!" Oo nga pala naginom ako kagabi at halos gumagapang na naman ako pauwi! Hahaha
Nginitian ko lang siya.
Pagkatapos ko maghanda ng coffee ko ay tumabi ako kay Dara sa salas at nanuod din ng T.V
"Pag in love ba, kailangan romantic ang pinanunuod?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.
"Bakit ba? Gusto ko yan e. Bakit pag broken hearted ba kailangan anti romantic movie?" Tanong niya din sa akin
Sasagot pa sana ako kaya lang naputol nung narinig kong break news.
Agad akong napalingon sa T.V este KAMI PALA.
" Good Morning Korea, after the shocking scene we caught on the royal couple's of business' daughters' birthday party na hanggang ngayon ay trending pa din at tila di matapos tapos mapagusapan ay may bago na naman, nandito po ako ngayon sa Kwon-Hotel kung saan nagkapirmahan ng shares ang Kwon and Kim's at kasabay nito ay ang pag announce nila Mr.YG at Mr.Kim ang engagement ng kani kanilang anak na sina Jiyah Kwon at Ej Kim." Kitang kita ko sa TV si Jiyah at Ej ang sakit! Tangina!
Bakit ganun?
Nabitawan ko yung cafe ko at napaso ako pero hindi ako gumalaw kahit isang galaw manlang na akala mo ay isang malamig na tubig lang ang dumapo sa katawan ko.
"Omg! Travis ano ba yan, napaso ka na!" Sabi niya at hahawakan niya sana ako kaya lang tumayo ako agad.
At tumakbo sa kwarto ko.
Tangina! Hanggang kelan ba ako paparusahan?
Magpapakasal na siya don?
Bakit?
Ang sakit.
Parang dahan dahan sinasaksak ang puso ko sa mga narinig ko!
Hindi pwede to.
At nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko.
****
Arghh! Nakatulog pala ako habang umiiyak. Tss parang bakla na kung parang bakla, wala akong pake! Mahal ko eh!
Agad akong dumiretso sa C.R para maligo at mag ayos.
Pagkatapos ko ay bumaba ako agad
Walang tao?
Nasan kaya si Dara? Tss. Baka kasama ni Jiyong
Sumakay na ako sa motor ko at umalis na.
Pupunta ako sa ekclusiv bar! Maglalasing ulit!
Paulit ulit nalang ang buhay!
Paulit ulit ang sakit!
Ayoko naa!!!!!
***
Medyo nakakaapat na ako, at nakakailang tawag na din ako kay Jiyah pero wala hindi na ata yun yung number niya.
Arggghh!
Bigla naman akong napatigil ng tumunog ang cellphone ko at may nagtext.
To:Dara Noona
Nandito na sila Appa. Nasan ka?
Nakabalik na pala sila Dad. Tss. Kailangan ko pa sila makausap!
Nagiwan nalang ako ng pera sa table ko at dali daling umalis!
****
Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ni Mama.
"Oh anak. Andito ka na! T-teka nakainom ka?"
"Wag mo kong hawakan! Nasan yung magaling kong ama?"
Parang nagulat si Mama sa ginawa ko.
"Travis!" Saway sakin ni Appa.
"Oh! There you are!" Sabi ko ng makita ko siya.
"Bakit ka ba ganyan ha?" Tanong nung tatay kong magaling
"Why don't you blame yourself?"
"Travis! Enough." Saway sakin ni Dara
"Enough? Tss. Don't tell me to stop dahil hindi mo nararamdaman yung nararamdaman ko." Sabi ko kay Dara at nanahimik siya.
"Tell me! Totoo ba? Ha? Totoo ba na ninakawan nyo ang mga Kwon?" Tanong ko at nakita ko naman na natahimik sila lalo na si Appa.
"Ohhhh, wait! Bakit pa ba ako nagtatanong eh alam ko naman na yung tanong? Hahahaha ang tanga ko! Eh ni sarili ko ngang alaala eh ninakaw nyo eh so di na nakakapagtaka." Sabi ko habang dinuduro duro si papa
"Travis, how did you?----- tanong ni Mama
"How did I know? Bakit wala ba akong karapatang malaman talaga? Anong klase kayo? Bakit nyo nagawa sa akin to?" Tuloy tuloy ko.
"Tama nga ang sabi ni Sir YG, isa kang traydor at magnanakaw!" And with that *BLLLAAAAAG* sinapak ako ni Papa.
"Tss. Salamat!" Sabi ko at nagwalk out
Nakasakay na ako sa motor ko at narinig ko pa ang sigaw ni Dara at Mama.
"Travis WAIT!"
Pero hindi ako huminto at pinaharurot ko ang motor ko.
Di ko alam kung saan ako ppunta pero ang bilis kong magpatakbo!
"AHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw ko kasabay ng pagpihit ko ng silinyador ng motor at mas lalong bumilis pa.
Pero sa hindi inaasahan.
Nabangga ako ng isang kotse.
Hindi ko nakita, sinalubong niya ako.
____________________________________
A/n: omg! Naaksidente si Travis! NOOOOOOO!!!!!
Abangan.
Vote comment.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
FanfictionPaano kapag na-in love ka sa kaaway ng kapatid mo? kaaway ng pamilya mo? . . . i-gigive up mo ba ang magandang samahan nyo ng pamilya mo? ng kapatid mo? o i-gigive up mo nalang yung pagmamahal mo sa kanya? . . . Paano kapag na-in love ka sa kapati...