TRAVIS' POV
she began to open my gift at sobrang priceless ng expression niya.
"Hala? Binili mo? Pero sabi mo------ sabi niya kaya lang pinutol ko na siya.
"nung nakita ko kasing sobrang gusto mo niyan, Patago ko siyang binili. Look hon ohhh," inunbutton ko yung polo ko at pinapakita ko sa kanya "Suot ko yung ka partner." Dagdag ko pa at nakita ko siyang maluha luhang nakangiti.
"Nakakainis ka! Bakit ka ba nang susurprise ng ganyan!" Mangiyak ngiyak niya pa ding sabi.
"because you are special to me, you are my one and only. I love you Jiyah!" Sabi ko sa kanya at mas lalo pa siyang umiyak hahahaha ang cute niya. ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Ang keso mo masiado nakakainis!" umiiyak niyang sabi pero nakangiti.
"Don't cry. papanget ka niyan sige ka." pang aasar ko pa.
Pinunasan niya na yung luha niya at may kinuha sa bag niya. Inilabas niya yun at binigay sakin.
"Akala mo ikaw lang may gift?" Sabi niya sakin pagkaabot niya ng isang 'not-so-small' na box.
"Ano to?" takang tanong ko sa kanya.
"Why don't you open it para malaman mo?" pilosopong sagot niya sakin.
I began to open her gift and to my surprise it is a bracelet. An Eiffel tower bracelet.
"kapartner ng watch na binigay ko kanina. And ka-partner nito." Sabi niya sabay pakita sakin ng kamay niya na may ganun din pero gold.
"wow! Ang gandaaaa! Thank you hon!" Sabi ko at tumayo saka siya hinalikan.
"I love you!" Sabi niya between our kisses.
"I love you too." Sagot ko naman at niyakap siya ng mahigpit.
DARA'S POV
after namin magsayawan at mag dinner sa terrace ay hinila na ako ni Jiyong dito sa garden ng resto.
"Bakit mo naman ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya. Nasa likod ko siya at nakayakap siya sakin. Pareho kaming nakatanaw sa Eiffel Tower.
"Gusto kita masolo." Tipid niyang sagot.
Ngumiti lang ako. Dahan dahang pinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang hangin at ang momentum na to.
"Baby girl" bulong niya sakin.
"Hmm?" Mahinang sagot ko sa kanya.
"Mahal na mahal na mahal kita!" Patuloy niya.
Humarap ako sa kanya at isinukbit ko ang mga kamay ko sa leeg niya.
"Mahal na mahal na mahal din kita Jiyong!" Sabi ko at hinalikan ko siya.
humigpit ang mga hawak niya sa bewang ko at niyakap ako ng madiin.
di nagtagal kumawala na kami sa isa't isa.
Dahan dahan siyang lumapit sa tenga ko at sinabing "close your eyes"
Sinunod ko naman siya agad at dahan dahan kong isinara ang mga mata ko.
Hindi nagtagal ay nagsalita ulit siya.
"you can open it now." Utos niyang muli at dahan dahan ko namang binuksan ang mga mata ko.
Nakahawak siya sa kamay ko at pagtingin ko.
"wahhh, binili mo?" Gulat kong tanong ng makita ko yung magandang bracelet kanina sa store yung infinity sign.
"You like it?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
FanfictionPaano kapag na-in love ka sa kaaway ng kapatid mo? kaaway ng pamilya mo? . . . i-gigive up mo ba ang magandang samahan nyo ng pamilya mo? ng kapatid mo? o i-gigive up mo nalang yung pagmamahal mo sa kanya? . . . Paano kapag na-in love ka sa kapati...