DARA'S POV
"OY! TABI! Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka pala nakikinig!" Tapik ko sa kausap kong di naman pala nakikinig. Tulala eh! -_-
"Sorry, ano ulit yun?" Tanong niya sakin.
"Ang sabi ko, magbihis ka na at pupunta tayong mansyon. Dahil umuwi na daw sila Mama!" ulit ko sa kanya.
"Ah sige sige." Sabi niya at sumubo sa pagkaen niya.
Andito kami sa bahay, half day lang ang class kaya maaga kaming nakauwi. sakto nga dahil tumawag si Mama, uwi daw kami at nasa mansyon na sila.
Kauuwi lang daw nila galing America.
At buti nalang wala si Juvy. Di ko alam basta pag uwi namin dito, wala siya eh!
"Bakit ba kasi tulala ka?" Takang tanong ko sa kanya.
"Wala. Iniisip ko lang si Jiyah. Ang hirap mag move on Dara. Ang hirap tanggapin na wala na talaga." Malungkot niyang sabi na nakatitig lang sa pagkaen niya.
Tumayo ako at niyakap siya.
Nakikita ko sa kanya yung sarili ko. Yung sarili kong wasak na wasak dati.
yung sobrang sakit.
Ayoko ng magsinungaling sa kanya! Kailangan niya ng malaman yung totoo.
"Tabi, hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero sana bago ko sabihin ito sayo, sana mapatawad mo ako..." sabi ko sa kanya at kalas sa pagkakayakap ko.
"Huh? Hindi kita maintindihan Dara."
Ngumiti lang ako.
"Tabi, kasi—
*kring kring*
*kring kring*
"Si Mama, tumatawag." Sabi ni Tabi ng makita at marinig niya ang cellphone niyang nagriring.
"Sige sagutin mo na. Sabihin mo papunta na tayo. ligpitin ko lang to, mag ayos ka na ah?" Paalam ko sa kanya.
Pweeww! Siguro hindi pa talaga to, yung tamang oras.
JIYONG'S POV
Nandito na ako sa mansyon, maaga uwian eh, half day lang, kasi magteteambuilding daw ang Faculty and staff ng K.U hindi daw kasi natuloy nung bakasyon.
Nakahiga lang ako sa kwarto, hindi naman ako pwede pumunta kayla Dara kasi, aalis yun, uuwi sa mansyon nila kasi umuwi na daw parents nila.
Hays! Ang boring!
*kring kring*
'Secretary Yoon calling'
Agad kong sinagot.
Hindi muna ako nagsalita.
"Good Afternoon Mr.Kwon!" Bati niya sakin.
"Anong balita?!" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Sir, Tapos ko na po yung pinagagawa nyo." Sabi niya ng kinatuwa at the same time kinakaba ko.
"Good. Magkita tayo sa KGC. Wait for me." sabi ko at binaba na ang tawag.
Agad agad akong nagprepare at tumakbo na papuntang KGC
AT KGC
"So?" Tanong ko sa secretary ko.
Nandito na kami sa loob ng office ko. Mas safe kung dito kami maguusap atleast hindi magdududa si Appa na may ginagawa ako.
Iniabot niya sakin ang isang envelope.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
FanfictionPaano kapag na-in love ka sa kaaway ng kapatid mo? kaaway ng pamilya mo? . . . i-gigive up mo ba ang magandang samahan nyo ng pamilya mo? ng kapatid mo? o i-gigive up mo nalang yung pagmamahal mo sa kanya? . . . Paano kapag na-in love ka sa kapati...