KABANATA 2

638 27 1
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...

May 24, 2012

Madaling lumipas ang ilang araw. Malapit na ang pasukan at readyng ready na ako sa pagpasok sa school. Isa sa mga dahilan siguro ay makikita ko na naman si Marcus na ngayon ay nasa Catarman. Kahapon ay galing siya samin bahay at tinupad nito ang usapan nila ni Riley na maglalaro sila ng Call of Duty.

As usual, bantay sarado ang Kuya kong wala naman ibang ginawa kundi magbigay ng negatibong komento tungkol sa nilalaro nila. Kesyo daw, patayan yun at hindi dapat nilalaro ni Riley dahil bad influence daw.

Hindi nalang namin pinansin kahit pa nagtawag ng tropa at imbes na umalis ay tumambay nalang sa bahay. Ang dahilan niya ay di natuloy ang kanyang lakad pero sa loob loob ko lang, ang totoo ay gusto lang ako nitong bantayan.

Seriously.. 20 anyos na ako. Marunong na ako magdesisyon sakin sarili at malaki ang tiwala ko kay Marcus. Wala naman kaming ibang gagawin dito kundi ang mag-usap.

Riley was also here. Tinamad na rin umalis kasi nga maglalaro sila ng aking Boyfriend.

Tumunog ang aking cellphone at kinuha ko iyon sa bulsa ng aking bag. Paalis ako ngayon ng bahay at pupunta ako kay Princess. Pag-uusapan kasi namin ang eskwelahan na ooberbahan namin kapag magtuturo na kami.

"Good Morning Baby. Sorry ngayon lang ako nakatext. Kagigising ko lang kasi dahil madaling araw nang natapos ang inuman kala Arthur. Kamusta ka? Kumain ka na ba?"

Nagtipa ako ng masasagot sa kanya. Mag-aalas dos na nang hapon at siya ay kagigising lang. Siguro ay inabot na naman ng alas singko ang inuman ng mga ito at ng kanyang Ka brad.

Tumigil ako sa paglalakad para magpara ng tricycle.

"Good afternoon na po Baby. Mabuti naman ako? Ikaw? Baka may hang over ka naman nyan ah." Nagpaalam siya sakin na iinom siya kagabi bago umalis. Hindi naman ako ganun kahigpit pagdating sa ganun kasiyahan lalo pa't kaibigan niya ang kanyang mga kasama.

Sinasabi niya rin sakin kung meron siyang mga pupuntahan at kung ano ang kanilang gagawin. Liban nalang sa part tungkol sa initiation. Alam kong ibang usapan ang tungkol don at hangga't maari ay labas ako pagdating sa ganuon ritwal ng kanilang Fraternity. Kahit pa may naririnig ako na mga negatibong komento ay hinahayaan ko nalang. Pinaalalahanan ko nalang siya na palaging mag-ingat.

"Yeah.. Hapon na pala. Umaga na kami nakauwi nila Art dahil kasama namin ang mga taga Delta." Sandali akong natigilan sakin mga nabasa. Kasama nila ay sorority group na alam kong kinabibilangan ng mga kababaihan. Pero hindi lang yun, alam kong nandon si Camille, leader ng grupo na alam kong patay na patay kay Marcus.

"I miss you baby. Pwede ba ulit akong pumunta sa inyo bukas?" Biglang nagbago ang kanilang pangambang nararamdaman ko sa huli kong nabasa.

Dumating ang tricycle at sumakay agad ako.

"Sige ba. You can stay hanggang gabi. Wala si Papa at Kuya dahil pupunta sila ng San Isidro."

"So that means we can cuddle.." Bigla akong pinamulahan ng pisngi sa kanyang sinabi. I don't think I can handle Cuddling without feeling the heat of his skin.

"Pervert." Sagot ko na lamang sa kanya at nag-ayos ng upo. Bigla akong nakaramdam ng init lalo pa't naiisip ko na kung ano ang mangyayari bukas.

Sandali pa'y nakarating na ako sa bahay nila Princess. Sinalubong ako ng babaeng may maikling shorts, spaghetti straps, pulang lipstick at kulay pink na head bang. May subo itong lollipop at hindi mapakali na hinila ako papasok ng kanilang bahay.

The Beauty of Heartbreak Girl #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon