FLASHBACK
Napalinga ako sa paligid ng masiguro kong wala na ang mga kaklase ko. Nandito ako ngayon sa CR at kasalukuyan akong nagtatago dahil masama ang timpla ng aking tyan. Mukhang hindi nagtugma ang relasyon ng Suman at ginataang kamoteng kahoy sakin tyan kaya nagkaron ng malaking gyera at kailangan nilang sakupin ang aking intestine dahilan para mamilipit ako sa sakit at malaki ang pagpipigil ko na wag lumabas ng buong klase dahil nakakahiya.
Katabi ko pa naman si Theo na nakikiramdam na naman sakin pagkakamali. Hindi ko talaga maintindihan ang isang yun kung bakit mahilig siyang asarin ako. Ako lagi ang kanyang nakikita kahit hindi ko naman siya pinapansin. Gusto ko na ngang isumbong kay Aleng Betty pero hindi ko naman matyempuhan.
Noong isang linggo, naliligo kami ni Marites sa Tulay. Nasa gilid lamang ako dahil hindi ako marunong lumangoy. Pinagtatawanan nga ako ng ibang bata kasi takot na takot akong pumunta ng malalim.
Eh sa hindi ako marunong lumangoy eh. Tsaka wala naman nagtuturo sakin.
Malaki lang talaga ang pagkakamali ko ng alukin ako ni Theo na tuturuan niya akong lumangoy. Nadala niya ako ng kanyang mga encouragement words para patulan ang kanyang alok.
Sabi niya sakin, madali lang daw lumangoy. Wag lang daw ako matakot. Kailangan ko rin daw harapin yung takot na yun para maovercome ko. Ayokong isipin na pati pagharap sa ipis ay kailangan din harapin dahil hinding hindi mangyayari yun.
Puwesto kami sa may tulay para makita namin ang lalim ng pwede kong languyin pero nakakapunyeta ang kanyang ginawa dahil bigla nalang niya akong tinulak at bagsak ako sa malalim na bahagi ng dagat.
Nagpanic na ako. Hindi ako humihinga at panay ang kampay ng aking mga kamay sa tubig para umahon pero parang may nakasabit na malaking angkla sakin mga paa na hindi ko magawa.
Hanggang sa tuluyan akong makainom ng tubig. Tubig na siyang nagpapawala ng hangin sakin katawan at mas lalo pang nagpapalubog sakin.
Ang alat ng dagat ay unti unting nagpapawala ng aking panlasa.
Sumigaw ako ng tulong pero kahit sakin pagbigkas ng mga salitang yun ay pumapasok ang tubig.
Hindi na ako makahinga at nawawalan na rin ako ng lakas.
Hanggang sa may kamay na biglang humila sakin at pilit akong inahon. Mahigpit ang naging kapit ko sa kamay na yun na tanging pag-asa ko para magtagal pa ang aking buhay.
"Humawak ka ng mabuti wag kang malikot."
Panay ang iyak at ubo ko sa likod ng lalaking pumapasan sakin hanggang sa pareho kaming makatungtong ng pangpang.
Mas lalong lumakas ang aking iyak ng makita kong nagdudugo ang aking paa. Hindi ko alam kung san ito tumama pero mas nararamdaman ko ang hapdi at sakit dahil sa alat ng dagat.
"Tumahan kana Roxx." Namalayan ko ang kamay ni Theo sakin balikat at biglang bumuhos ang lahat ng galit sakin puso.
"Arrrgggh!!! Ang sama sama mo!! Ang sama sama mo!!" Panay ang hampas ko sa kanyang braso at siya naman ay walang ginagawa kundi tanggapin lang ang hampas ko sa kanya.
"Ang sama sama mo Theo!! Ang sama sama mo!!" Habol ang aking paghinga dahil sa pag-iyak. Tumatakbong lumapit sakin si Kuya at tinanong ang nangyari.
Tinuro ko kaagad si Theo na ngayon ay punong puno ng guilt ang pagmumukha.
"Tinulak ako ni Theo. Tinulak niya ako." Sabi ko habang umiiyak. Hindi ko na alam ang mga nangyari dahil masyado na akong naging emosyonal. Dumating din ang Pinsan namin nangingisda malapit sa tulay at ito ang nag-uwi sakin sa bahay. Nakita ko na lamang si kuya na umuwi at may pasa na sa pisngi.
BINABASA MO ANG
The Beauty of Heartbreak Girl #Wattys2016
Ficción GeneralThe Beauty of a Heartbreak, all rights reserved.