KABANATA 5

463 17 3
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....


Lumipas ang ilang araw. Naging abala ako sa pagsama kay Mama sa School. Wala din naman akong ginagawa sa bahay kundi ang patulan ang pang-aasar ni Kuya at ni Riley. Pinapanalangin ko na sana dumating na ang araw ng pasukan para mawala na ang pagkaburaot ko sa kanila.

Hindi naman sa nagrereklamo ako o pinagsisihan ko na sila ang kasama ko buong bakasyon, kaya nga lang naiinis ako lalo na't paulit ulit nila akong inaasar patungkol sa paghihiwalay namin ni Marcus.

Pagbungad palang sakin ni Kuya sa umaga ay niraratratan na ako ng kung ano na kesyo daw may nabalitaan daw siyang babae ni Marcus sa UEP na tinatago. Tapos maiiba na naman ang usapan sa tanghalian na babae naman daw sa Delta.

Hindi na natapos hanggang sa gabi. Mas gusto ko na nga lang na magkulong ng kwarto at makinig ng mga kanta. Mas pinadagdag nila ang stress na nararamdaman ko.

Itong stress na'to, bunga pa ito nung huling pagdalaw niya samin. Humahanap ako ng way para sabihin niya sakin ang nagpapabagabag ng isip niya pero sa tuwing inoopen ko o nagtatanong ako sa kanya through text ay hindi na ito nagrereply o di kaya naman ay nag-iiba nang usapan.

Mas lalo tuloy nagkakaron ng rason ang mga pinagsasabi ni kuya tungkol sa kanya. Pero syempre hindi ko paniniwalaan yun. Alam kong Loyal sakin si Marcus. Sa tatlong taon namin relasyon, hindi ko siya nakitaan ng senyales nang pambabae o ni minsan ay hindi nawala ang init ng pagmamahal niya sakin.

Pinagpapasalamat ko nalang sa Diyos iyon at pinapanalangin ko na hindi magbago ang kanyang nararamdaman.

Dumating ang araw ng pasukan nila Riley. Ako ang inutusan ni Mama na maghatid sa kanya dahil nauna na ito sa school. Sa byernes pa ako aalis papunta ng UEP at tutulungan ako ni Marcus na mag-hakot ng aking mga gamit.

Hindi ko na makakasama si Kuya papunta don dahil magstart na itong magtraining. Pareho kaming graduating ng isang yun. Ang una niyang course na kinuha ay HRM. Dahil mainipin ang Kuya ko at hindi sanay sa walang challenge ay nagshift siya ng course pagka second year. Tuloy sabay kaming gagraduate ng College.

Isa pang naisip kong dahilan kung bakit siya nagshift ay dahil nakakapansin na siya samin ni Marcus. Hindi pa ako niya nun nililigawan pero may hugot na ang aming mga tingin sa isa't-isa.

Imba talaga makabantay ang isang yun at pati pag-aaral niya ay kaya niyang isakripisyo sakin. Gusto ko ngang hanapan to ng Girlfriend dahil halos lahat ng babaeng nakikilala ko at nababalitaan syota niya ay hindi umaabot ng isang buwan.

Gwapo si Kuya Robin kung tutuusin. Pinangalan siya sa paboritong action star ni Papa na si Robin Padilla. Kasi daw, nung pinagbubuntis daw ito ni Mama at panay ang suntok nito sa kanyang tyan kaya sinabi nilang magiging action star din ang kanilang anak.

Sa tuwing pinag-uusapan iyon sa bahay ay asar talo ang isa. Kahit nung Elementary kami ay tawag sa kanya ay Robin Padilla. Sa tuwing may tumatawag sa kanya nang ganun ay lumilingon siya at kulang nalang ay balibagin niya ang kung sinong tumatawag sa kanya sa ganun pangalan. Tapos ang lakad niya na daig pa ang sakang na babae. Ang pormahan din nito na palaging nakaleather jacket.

Balik sa tunay na dahilan ng aking stress. Susubukan kong alamin kung ano talaga ang problema ni Marcus. Marahil ay tungkol na naman iyon sa kanyang Pamilya. Minsan iyon ang dahilan ng aming pagtatalo. Hindi siya ganun kabukas na pag-usapan namin ang tungkol sa kanyang mga magulang.

Kung baga, general information lang ang nalalaman ko. Ang kanilang mga pangalan at trabaho nila, Kung ano ang mga bagay na gusto nilang gawin ay hindi ko alam. Marahil ay wala talaga dahil buong buhay ni Marcus ay mag-isa lamang siya.

The Beauty of Heartbreak Girl #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon