KABANATA 4

484 23 1
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....



Tahimik kong pinagmasdan si Marcus habang nakikipag-usap ito kay Riley. Kumakain sila ngayon ng dalang pasalubong ng aking boyfriend na Donuts.

Sandali akong nabahala dahil sa nakikita ko sa kanya. He looked so different right now. Yung alam mong may nararamdaman siyang hindi niya masabi sabi sakin.

Tumingin siya sa gawi ko at nagbigay ako ng ngiti. Umupo ako tabi niya at pinulupot nito ang kamay sakin braso.

"Kelan mo dadalhin kuya?"

"Baka sa Sabado. Babalik ako dito. Susunduin ko kasi ang ate mo para magkasama kami pumunta ng UEP."

"Riley hindi pwede na palaging nilalaro ang X box ni kuya Marcus mo. Mahirap magdala nun. " Saway ko sakin kapatid na walang ibang bukang bibig kundi ang paglalaro.

"Sige, sasabihin ko nalang mamaya kay Papa yung nakita ko." Pareho kaming nanlaki ng mga mata ni Marcus.

"San ka naman natutong magsumbong?"

"Sabi ni Kuya sakin, pagwala daw siya ako daw magbabantay sayo. Ganundin si Papa, kung ayaw mong sabihin ko yung pagkiss kiss niyo ni kuya, palaruin mo ako ng Xbox." Tumalim ang tingin ko sakin kapatid. 

Ginawa pang pangblackmail samin ang nakita niya.

Dapat talaga nag-iingat ako.

"Okay lang Riley, basta ba sanggang dikit tayong dalawa." Nag thumbs up ang aking kapatid habang ako nama'y hindi mawala ang inis rito.

Hindi ko magawang magtanong kay Marcus dahil na rin sa palakwento kung kapatid. Gusto ko na ngang palabasin at bigyan nalang ng pera para pabayaan niya kami rito sa bahay.

Humilig ako sa dibdib ng aking Boyfriend habang hinahaplos nito ang aking balikat.

Pinapaulanan niya ako ng halik sa ulo.

"Aalis muna ako ate. Pupunta pala ako kala baste para kunin yung saranggola." Lumapad ang aking ngiti at sunod sunod ang ginawa kong pagtango.

Ito minsan ang mahirap sa mga bunso. Hindi mo sila pwedeng pagalitan ng basta basta nalang. Baka ako pa ang paulanan ng sermon ng mga magulang ko kapag mangyari.

Nang masiguro kong umalis na si Marcus ay nagkaron na kami ng time para mag-usap.

"Hey, may sakit ka ba?" Ani ko ng niyakap ko siya patagilid. Naramdaman ko naman ang mumunting halik ni Marcus sakin noo at ang malalim nitong buntong hininga.

Alam ko may problema. Hindi ko lang maintindihan si Marcus kung bakit hindi niya sinasabi.

"Medyo napagod lang ako kagabi sa initiation." Aniya. Tiningala ko siya at nagtama ang aming mga  mata.

"Dapat bawas bawasan mo na muna ang pagsama sa kanila. Graduating ka ngayon. Baka may mangyaring hindi maganda." Pag-aalala ko pa.

Isa siguro sa hindi namin napagkakasunduan minsan ay ang pagsama niya palagi sa Initiation ng kanilang grupo. Alam kong isa siya sa mga tumatayong leader ng organisasyon pero mas nanaig sakin ang pag-aalala lalo na't buhay niya rin ang nakasalalay rito.

"Stop worrying. I'm fine. It's just a bad day." Kahit hindi ako kuntento sa kanyang sagot ay hinayaan ko nalang. Marahil ay pagod nga siya at puyat din. 

Pinainom ko si Marcus ng gamot. Papaidlipin ko nga sana kaso umayaw na. Aniya, mas lalong mababawasan ang oras ng aming pag-uusap kung matutulog pa siya.

The Beauty of Heartbreak Girl #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon