KABANATA 7

275 7 1
                                    




Lumipas ang buong araw, nanatili lang ako sa kwartong nakahilata habang katawagan ko si Marcus.

"Baby wala ka bang natatanggap na invitation galing sa anong org?" Napaupo ako ng kama at nag-ayos ng buhok.

"Wala naman. Bakit naman ako nila papadalhan? who am I? A VIP?" tumawa ako sa sarili kong biro. Totoo naman eh. Walang sinong org ang mag-aaksaya ng oras sa katulad ko. Kung meron man, malamang ay may kinalaman iyon kay Marcus.

"Just checking. Kung meron nag-invite sayo sa Event. Please let me know."

"Oh sige. Sasabihin ko sayo kung meron magkamali. May problema ba?" Pag-uusisa ko pa sa kanya.

Hindi ko na namalayan pa ang oras na kausap ko si Marcus sa cellphone.

"No." Narinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga. Mga hiningang naglalaman ng mga tanong na kailangan ng sagot galing sa kanya.

"Meron ata eh." Bulong ko.

I'm still fishing information kung sasabihin niya ba sakin ang mga pinoproblema niya nitong nakaraan. Pero kahit kelan, hindi siya nagbibigay ng anong sagot. Puro lang mga kutob ang binubunga nito sakin.

"Gusto ko lang masiguro, that no one is messing up with you. Mahirap na. You are my girlfriend." Ang huli niyang sinabi ang nagpangiti sakin.

"I love you Rox. Keep that in your heart always."

"Mahal din kita Marcus. Tandaan mo rin yan." Ganting sabi ko pa sa kanya. Sandaling nawaglit sakin isipan ang aming pinag-uusapan at nagfocus ako sa panlalambing na kanyang ginagawa.

I can't wait to see him. Hindi na ako makapaghintay na makatabi siya sa pagtulog lalo na't wala na si Kuya sa University. Pwede akong tumakas kapag magkikita kami. Wala naman problema iyon kala Princess dahil alam nila kung san ako pupunta.

"I have to go. Tawagan nalang kita kapag nakauwi na ako ng bahay." Nagpaalam siya sakin kahapon palang na magkakaron uli sila ng meeting ng kanyang kaorg. Mukhang malaki ang paghahandang ginagawa ng Beta sa Induction ball sa darating na pasukan.

"Sige, hihintayin ko nalang ang tawag mo."

"Love you Rox."

"Love you too Marcus." And that's the end of our conversation. Tiningnan ko ang aking phone na kunti nalang ang percent ng battery. Agad ko itong chinarge at sandaling naupo sa gilid nang aking kama.

Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto. Tumayo ako para pagbuksan pero nagsisisi agad ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ng aking kwarto.

"Magpapaalam lang sana ako." Pero ang mga mata nito ay tumatagos sakin kwarto. Parang may chicheck siya na kung ano. Ako naman itong panay ang harang sa kung san siya nakatingin.

"As if I care if you leave." Sarkastiko kong sabi.

"Rox, attitude." Hindi ko namalayan na nandon si Mama at bitbit ang mga tinupi kong mga damit. Lihim ko itong inirapan at nilakihan ang bukas ng aking kwarto para papasukin si Mama.

Pero kung gano kabilis ang mga nangyayari ay siya rin bilis pagpasok sa loob ni Theo ng wala man lang paalam sakin.

Kinuyom ko ang aking palad.

"What are you doing here?" nakataas ang kilay ko sabay pigil sa paglapit sa kama ko.

"Napapagod na ako kakatayo. Pahiga naman." At nanlaki ang aking mga mata ng lumundo ang katawan nito sakin Kama.

Aba't Antipatiko talaga.

"Hooy Tumayo ka dyan." At nagtakip ito ng unan sa mukha. Hinawakan ko ang sleeves ng jacket na kanyang suot at pilit itong pinatayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty of Heartbreak Girl #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon