CHAPTER 11 (Part III- Two Down)

335 56 63
                                    

HABANG mabilis na tumatakbo sina Rue at Carl papalayo sa higanteng Alakdan ay aksidente namang napatapak si Rue sa isang malambot na bato na naging dahilan ng pagkatisod niya.

"Ahhhh!" Malakas na tili ni Rue. Bumagsak siya sa mamasa-masang lupa at sa hindi inaasahan ay bangin pala ang nasa ibaba niyon. Hindi na niya nakuha pa ang balanse at diretsu siyang gumulong pababa.

Napahinto naman agad si Carl upang tulungan ang nobya. Nang makitang hindi na niya maaabot ito ay hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na dinambahan ang lupa para maabot ang kamay ni Rue upang hindi ito tuluyang mahulog sa bangin.

"Honey relax lang, abutin mo'ng kamay ko!" Malakas na sigaw ni Carl habang siniguradong mahigpit ang ginagawa niyang pagkapit sa isang tipak ng malaking bato na nasa gilid ng bangin upang hindi sila parehong mahulog sa ibaba.

"Carl hindi ko maabot!" Takot na takot na tugon ni Rue. Kahit madilim sa ibaba ay hindi parin nakaligtas sa kanyang mga mata ang ilang matutulis na batong naroon at ang mga iyon ang tiyak na sasalo sa kanya sakali mang tuluyan siyang mahulog. Sa tantya rin niya ay mga nasa sampu hanggang labing anim na talampakan ang lalim ng bangin na iyon. Hindi nga ganoon kalalim ngunit pulos matululis na bato naman ang nakalatag sa ibaba niyon.

"Pilitin mong abutin ang kamay ko Rue, please!" Saad ni Carl at binabaan pa ng kaunti ang kanyang katawan.

Sinunod naman iyon ni Rue. Pilit niyang inaabot ang kamay ng nobyo ngunit masyado pang malayo ang agwat ng mga kamay nila. Nanginginig na ang kanyang mga braso dahil sa pagkangalay. Pakiramdam niya ay inaalisan na ng dugo ang kanyang mga ugat sa kanang braso na siyang ginagamit niya para kumapit. Idagdag pa ang matinding takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon kaya halos hindi na siya makapag-isip pa ng matino.

Muli pa niyang tinangkang abutin ang kamay ni Carl ngunit kapos parin talaga ang kanilang distansya. Ang masama pa ay bumigay na ang batong kinakapitan niya. Buti na lang at agad niyang naikapit uli ang isa niyang kamay sa isa pang naka-usling bato. Ngunit ang biglaang pagkapit niya ay nagdulot ng isang malaking punit sa mangas ng suot niyang suit na naging dahilan para mahiwa ng isang matalim na bato ang kanyang braso.

"Ahhhh!" Napahiyaw si Rue sa sakit dahil sa natamong sugat. Namamasa na rin sa dugo ang kanyang braso kaya lalo siyang nininerbyos. "Oh God!" Impit na anas pa ni Rue. Nanghihina na talaga siya dahil sa iniindang sakit ng sugat at parang anumang sandali ay makakabitaw na siya sa pagkakakapit.

"Rue come on! Grab my hand please! Pilitin mong abutin hindi ko na puweding babaan pa ang katawan ko kundi pareho tayong mahuhulog dito." Muling saad ni Carl. "Please honey, do it."

"Okay." Muling pinilit ni Rue na abutin ang kamay ni Carl. Kahit hirap na hirap man ay nagawa parin niyang maabot iyon.

"Okay honey, i got you. I got you. Thank God!" Anas ni Carl para pakalmahin ang nobya nang tuluyan niyang mahawakan ang kamay nito.

Ngunit maya-maya lang ay bigla uling namutla si Rue at napahinto sa pag-akyat.

"Oh...my...God..." Mahinang anas ni Rue habang titig na titig sa bandang likuran ni Carl. Subra-subrang takot ang ngayon ay nakarehistro sa mukha ng dalaga.

Tila napansin din ni Carl na may kakaiba sa likuran niya kaya dahan-dahan siyang lumingon. Ngunit bago pa man niya lubusang makita kung ano ang naroon ay bigla na siyang nahulog sa bangin kasama si Rue dahil sa pag-atake ng higanteng Alakdan. Masuwerte namang agad siyang nakakapit sa mga batong nakausli doon ngunit nakabitaw si Rue sa kanyang kamay at tuluyan na itong nahulog sa ibaba.

"Rue!" Malakas na sigaw ni Carl nang makita ang mabilis na paggulong ng nobya paibaba. Ang sigaw niya at ng nobya ang bumulabog sa kabuoan ng lugar na lalong nagpa-agrisibo sa higanteng Alakdan.

Color Game I "The Bloody Beginning" (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon