CHAPTER 2 (Part I-The Mystery Man)

888 135 151
                                    

NAGMULAT ng mga mata si Rue na sapo ang kanyang ulo. May maliit na bukol din siyang nakakapa sa kanyang noo.  Bahagya itong kumikirot na sanhi ng kanyang pagkahilo. Idagdag pa ang masakit sa matang liwanag na nagmumula sa tila sumasayaw na ilaw sa kesame.

Sandali siyang muling napapikit at pilit na nilalabanan ang kirot.

Huli na lamang niyang napagtantong nakakulong siya sa isang rehas na gawa sa bakal. Maliit lang iyon na sadyang pang-isang tao lamang.

Napayuko siya at pilit na inalala kung ano ang mga nangyari. Ngunit, bago pa man niya lubusang maalala ang lahat, agad na niyang napansin ang kakaibang kasuotan. Hindi na ang pares ng ripped short jeans at black tube ang suot niya ngayon kundi isang white whole suit na gawa sa silk at leather.  

Hapit iyon na lalong nagpalitaw sa magandang kurba ng kanyang katawan.

Agad na gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Tumayo siya at tinangkang buksan ang pinto ngunit naka-locked iyon.

"Hello! Hello!" sigaw niya. "May tao ba riyan? Buksan niyo 'tong pinto!" Malakas niyang kinakalampag ang pinto upang may makarinig sa kanya.

Mayamaya pa'y natigagal siya sa kinatatayuan nang mapansin ang kanyang paligid. Hindi lang siya nag-iisa. Inilibot niya ang paningin sa abot ng kanyang tanaw sa loob ng malaking silid na iyon at napagtantong marami silang nakakulong doon. Lahat ay nakalagay sa tig-iisang rehas kagaya niya—paikot sa buong silid ang desenyo niyon.

"W-what the hell is... h-happening here?" anas niya. Ang mga salitang iyon ay tila hangin na lang na lumabas sa kanyang bibig dahil nag-uumpisa na siyang makaramdam ng takot.

Nakita niya ang unti-unting pagtayo ng iba pang mga nakakulong. Malamang ay nagising niya ang mga ito sa ginawa niyang pagsigaw kanina. Pamilyar sa kanya ang karamihan sa kanila.

'Sa party! Tama.' Nasabi niya sa sarili. Doon nga niya nakita ang mga ito.

Napansin din niyang magkakapareho sila ng kasuotan—white whole suit. Naagaw din ang atensyon niya ng dalawang partikular na mukha na naroon. Si Jack at ang babaeng nakaengkwentro niya sa party ni Alicia.

'Anong lugar ‘to? Bakit kami narito? Sinong may gawa nito? At ano ang gagawin nila sa amin?' Iyon ang mga katanungang sunod-sunod na pumasok sa isipan ni Rue.

Gulong-gulo siya sa mga nangyayari. Ang huli niyang natatandaan ay may umatake sa kanilang dalawa ng kaibigan niyang si Alvin. Maging ang pagkawala ni Carl, at ngayon nama'y nakakulong sila!

"Natatandaan mo ba kung paano ka napunta rito?" Isang mahinang tinig ng babae ang narinig niya sa katabing selda.

Agad siyang napalingon sa kinaroroonan nito. Nakita niya ang isang babaeng tulalang nakaupo sa sulok at mukhang may iniindang sakit sa katawan. Nangingilid din sa luha ang mga mata nito.

"I… I'm not sure. Ang alam ko lang... may umatake sa'min ng kaibigan ko. Pagkatapos no'n wala na akong ibang maalala," sagot niya. "How about you?"

Ngunit, hindi na nagsalita pa ang babae. Isang mapait na ngiti lamang ang nasilayan niya sa mga labi nito. Tila may labis itong kinatatakutan na parang kahit na ang pagsasalita ay isa ng kasalanan.

“A-ahm, okay lang kung ayaw mong sabihin sa'kin ang… ang nangyari. I know, it was a bad idea to recall it back,” agad naman niyang bawi. “By the way, I'm Ruella. You don't have to say your name in response… It's okay. Nagpapakilala lang naman ako.” Pilit niyang nilangkapan ng ngiti ang mga salita upang iparamdam sa babae ang prisensya niya’t hindi nito kailangang mag-alala at matakot ng husto.

Hindi niya alam kung para nga ba talaga sa babae iyon o sa sarili niya. Dahil maging siya’y nakakaramdam na rin ng pangingilabot sa lugar na ito. At inaamin niyang natatakot na rin siya.

Color Game I "The Bloody Beginning" (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon