CHAPTER 10 (Part I- Brutality)

342 74 99
                                    

"HINDI na ako natutuwa sa mga napapanuod ko. Mas maganda siguro kung ako na ang maglalaro para sa kanila." Tiim ang bagang na sabi ng matandang nakasuot ng pulang maskara at itim na hooded jacket, habang matamang nakatitig sa malaking screen ng monitoring system na nasa loob ng malaking silid na kinaroroonan nila.

"Ano'ng binabalak mong gawin?" Tanong ng babaeng katabi nito. Ang kanang-kamay ng matanda.

"Warning-an niyo ang mga players na meron na lang silang walong oras para tapusin ang ikalawang level." Malakas na utos nito sa mga tauhang nag-ooperate ng mga systems sa halip na sagutin ang tanong ng kanang-kamay niya. "At damihan niyo na rin ang mga multo sa apartment. Gusto ko, gawin niyong madalas ang pagpapakita nila. Pagtagpuin din ang lahat ng mga magkakalaban." Dagdag pa nito.

Agad namang tumalima ang mga tauhan nito at gamit ang mga touch screen computers ay nagawa na kaagad nila iyon sa loob lang ng ilang sigundo.

"KALOKOHAN 'to!" Bulalas ni Carl matapos malaman ang announcement na nabawasan ang oras nila para tapusin ang second level.

"Rue, ano'ng gagawin natin?" Nagaalalang tanong ni Rica sa kaibigan.

"Hindi ko alam." Mahinang sagot ni Rue. Litong-lito na rin siya sa mga nangyayari. At ang katutuhanang unti-unti na silang nauubos ay lalong nagdudulot sa kanya ng labis na takot at hindi na siya makapag-isip pa ng magandang ideya. "Basta kahit ano'ng mangyari, hindi tayo maglalaban. Kung kinakailangang maiwan tayong dalawa sa lugar na ito, tatanggapin ko." Matigas niyang saad.

"Hey, Rica don't worry. I'm here. I'll do all my best to protect you." Sabi ni Alvin, pagkuwa'y niyakap niya si Rica ng mahigpit. "Shhh...'wag kang matakot." Pangaalo niya dito.

Bakas sa mukha ni Alvin ang kawalan ng pag-asa sa sitwasyon nina Rue at Rica. Walang sinuman ang may alam kung anong consequence ang naghihintay sa dalawa sakaling hindi sila maglaban. At nasisiguro nilang wala silang magagawa para pigilan iyon. Kahit itaya pa nila ang sarili nilang buhay para iligtas ang mga ito.

Ang pagpapakalma at pagpapagaan lang ng loob ng mga ito ang tangi nilang magagawa.

NAGKUKUBLI si Jessie sa isang cubicle ng CR. Pigil ang sarili na makagawa ng anumang ingay. Tagaktak din ang pawis niya sa subrang takot. Takot na hindi para sa kalaban kundi takot para sa mga multo.

Tahimik siya na nakikiramdam sa paligid. Kahit na ang napaka-hinang tunog mula sa kawalan ay labis na nakakapagpa-alerto sa kanya. Kahit na ang mahihinang pagpatak ng tubig na nanggagaling sa faucet.

Maya-maya pa ay may narinig siyang pumasok sa loob ng banyo. Dahan-dahan ang ginagawang paglalakad ng sinumang nilalang ang pumasok na iyon. Tila nakikiramdam din ang nasa labas ng mga cubicles at hinuhulaan kung nasaan siya.

Sandaling huminto ang nilalang na iyon sa tapat ng pinto ng cubicle na kinaroroonan niya. Higit na niya ang paghinga sa subrang takot at kaba. Pikit-mata rin siyang nagdarasal na sana ay huwag bubuksan ng nilalang na iyon ang pinto ng cubicle.

Pilit din niyang kinakalma ang sarili upang makaisip ng paraan para makaligtas sa pagkakataong ito.

Nanlaki ang mga mata ni Jessie ng marinig niya ang pamilyar na tunog ng pagpindot ng buton sa kanilang suot na bracelet.

Ang kalaban ko! Nasabi niya sa sarili.

Kasabay niyon ay ang biglaang pagbukas ng pintuan ng cubicle. Tumambad sa kanya ang mabangis na mukha ni Jack na may hawak na patalim.

"Ahhh!" Napatili siya sa pagka-bigla. Hindi na siya nag-isip pa ng kung ano at binirahan niya ito ng isang malakas na sipa. Mabilis siyang tumakbo palabas ng cubicle at agad na tinungo ang pinto ng CR.

Color Game I "The Bloody Beginning" (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon