CHAPTER 12 (Part II-Carl and Rue Survived)

364 42 92
                                    


LALONG NAGING mabangis ang Alakdan nang makaamoy ng sariwang dugo na nanggagaling sa 'di kalayuan. Lalo rin itong naging alerto at mabilis na sinundan ang amoy. Tila gutom na ito at sabik nang kumain ng sariwang laman.

MULING itinutok ni Alvin ang palaso kina Carl at Rue. Pabaling-baling ito na tila ba pinag-iisipan pa kung sino ang uunahin sa dalawa. Sa huli, mas pinili nito si Rue.

Pakakawalan na sana nito ang palaso ng may bigla silang narinig na kakaibang ingay. Tila ungol iyon ng isang malaking nilalang. Kaya marahan nitong ibinaba ang kamay at pinakiramdaman ang paligid.

Lahat sila ay narinig ang ingay na iyon. Lahat ay nakikiramdam sa paligid nila ngunit mukhang alam na nina Carl at Rue kung ano at saan nanggagaling ang ingay na iyon. Habang tumatagal ay palakas rin nang palakas ito.

"Oh my God...!" bulalas ni Rue nang makitang lumabas mula sa may likuran nina Alvin at Jack ang higanteng Alakdan. Naramdaman din iyon ng dalawa kaya dahan-dahan silang lumingon sa kanilang likuran.

 Naramdaman din iyon ng dalawa kaya dahan-dahan silang lumingon sa kanilang likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Holy shit!" naibulalas ni Jack. Nanlalaki ang mga mata nito't hindi lubos mapaniwalaan ang nakikita.

Hindi rin sila halos makagalaw dahil sa takot. Idagdag pa ang 'di malamang gagawin.

Maya-maya pa'y iwinasiwas ni Jack ang hawak na double bladed knife sa harapan ng Alakdan. Pilit itong nagpapakita ng tapang sa kabila ng labis na takot. Ang hindi nito alam ay lalong naging mainit sa mga mata ng Alakdan ang ginagawa nitong iyon. Ang pagkilos ni Jack ay lalong nakapagpa-alerto dito.

"Alvin, panain mo siya!" sigaw na utos nito.

"Ano ba? Sinabi nang panain mo na siya! 'Wag kang tumunganga na lang d'yan!" muling sigaw ni Jack nang hindi kumilos si Alvin para gawin ang inuutos nito.

"Huwag kang gagalaw, Alvin! Iritado ang mga mata niya sa mga kumikilos na bagay!" sigaw ni Carl upang bigyan ng babala ang dating kaibigan. Kahit papaano ay nais parin niyang protektahan ito.

"Nakaharap na namin ang higanteng Alakdan na 'yan, Alvin at tama si Carl. Huwag kang gagalaw!" ani Rue.

"Damn it, Alvin! Huwag ka ngang makinig sa mga sinasabi ng mga 'yan!" kuntra ni Jack. "Kung gusto mo nang mamatay ngayon pa lang, magsama-sama kayong mga duwag! Basta ako, ipagtatanggol ko ang sarili ko. Akin na nga 'yan," sabi nito sabay hatak sa palasong hawak ni Alvin.

Agad nitong pinuntirya ang higanteng Alakdan ngunit balewala lang ang mga tira niya. Ni hindi tumatalab sa matigas balat nito ang mga pinapakawalan niyang pana.

 Ni hindi tumatalab sa matigas balat nito ang mga pinapakawalan niyang pana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Color Game I "The Bloody Beginning" (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon