"Halika na, uwi na tayo, lasing ka na." sabi ni Uriah sa akin. 

"Hahaha bitawan mo nga ako. Malay mo biglang pumasok si Eric, makita nya ako ditong nagpapakalasing sa kanya!" 

"Dom, halika na. Kalimutan mo na si Eric, di ka na babalikan nun."

"Uriah, di mo kasi naiintindihan..."

"Naiintindihan kong lasing ka na. Halika na."

Hinawakan ni Uriah ang kamay ko at inalalayan nya ako paglabas ng bar. Pagkalabas namin ng pinto, nagsuka ako at humagulhol.

1 year din kasi kami ni Eric, minahal ko 'yun, sobra. Salamat na lang sa best friend kong si Uriah, kahit papaano, may nagaalaga pa rin sa akin sa pagpapariwara ko. 

Dumilim na rin ang lahat noon, pero naramdaman ko na sinakay ako ni Uriah sa likod nya papunta sa condo. 

"Hihihi ang tangkad tangkad mo talaga Uriah," sabi ko. Lasing eh.

"Dom, lasing ka na. Akin na 'yang susi mo. Nandito na tayo." 

Binigay ko kay Uriah 'yung bag ko. Siya na lang yung pinaghanap ko nung susi. 

Maya-maya, nakapasok din kami sa loob, at binaba ako ni Uriah sa kama. Inayos n'ya yung higa ko, tapos binuksan n'ya yung TV at sumandal sya sa tabi ko. 

Tawa pa rin ako ng tawa. Hindi ko namamalayan, nagsasalita pala si Uriah. 

"Dom..."

"Hahahah bakit"

"May tanong ako sa'yo."

"Ano"

"Have you... Have you ever thought about us?"

Nagulat ako, pero tawa pa rin ako ng tawa. Lasing nga eh. Hahahaha

Mula sa pagkakahiga, umupo ako, at hinarap ko s'ya. (tawa pa rin ng tawa)

"hahahah anong have you ever thought about -- "

Tapos bigla nya akong hinalikan. 

SUDDENLY (You and I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon