Ako si Dom, short for, Dominique. May boyfriend ako. Este, EX pala. Si Eric. 3 weeks na kaming wala. At heto ako, nagpapaka-gaga, nagpapaka-lasinggera. Nagpapapansin. Makita lang kung may pakialam pa s'ya kung makita man n'ya ang mga pinag-gagagawa ko.
KASO, may kontrabida. Si Uriah.
Si Uriah, ilang taon ko nang best friend 'yan. Sa lahat ng bawal, kami ang magkasama, mula noon hanggang ngayon.
KASO (ulit), ngayong nagpapariwara ako dahil kay Eric, aba, e kinokontra naman ako ni Uriah! Tumigil na raw ako sa pag-inom, pag-smoke at kung anu-ano pa. HELLO, si Uriah pa kaya nagturo sa akin ng lahat ng 'yon!
Si Uriah. Na lagi kong kasama. Si Uriah, na kahit anong gawin ko, hindi kailanman ako iniwan o pinabayaan.
Paano kaya kung isang araw...
Hindi. Hindi pwede.
Wag mong isipin yan, Dominique. Best friend mo si Uriah. 'yun lang 'yun.
E what if nga?
Hindi. Hindi talaga. ..
Hindi maaari. :/Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang