So ayun, bumangon na ako.
Naglakad papunta sa CR, naghilamos, nagtooth brush, tapos kumain.
Tapos, naligo na ako.
Pagkatapos kong maligo, edi nagbihis na. Duh. Hahahaha
I wore a black sando and long gray pants. Ganito talaga ako, medyo dark. Sa unang tingin baka maisipan nyong ako yung tipo ng babae na sobrang rebelde. Hahaha
Pero hindi naman. Good girl naman ako. Ganito lang talaga ako manamit. Madalas dark colors, preferably black, tapos gray or black nail polish din, at laging naka-eye liner.
May tattoo din ako. Dalawa. Pero maliliit lang. 'Yung isa, nasa may paa ko, dun malapit sa may heel. Cursive na nakalagay ay "fear." Tapos sa kamay ko naman, infinity sign, PERO hindi sya infinity sign (ano raw). I mean, infinity sign s'ya, pero dalawang arrrows sya na magmemeet to form the sign.
Nagets mo ba. Hahaha
edi halimbawa, ito yung sign: ∞
tapos, kita nyo yung left most curve? yung c na part? yan, may space yan sa gitna, tapos yung dalawang line na naform ay may arrow heads. :)
So dalawang arrow sya (o kumbaga sa math, dalawang RAYS), joined to form an infinity sign. :)
Kung di nyo pa rin gets yung infinity sign, magupload na lang ako ng pic hahaha (ABANGAN)
Pero bakit ba i tried so hard to explain that?
Eh kasi, naniniwala ako sa Destiny.
Na may isang tao talaga na nakalaan para sa atin. Na kung hindi man sya, e may iba pa. Ewan ko ba. Basta alam ko kapag nahanap mo na siya, mararamdaman mo na lang 'yun. Na kailangan mo siyang ipaglaban. Kasi 'yun yung kinaibahan niya sa lahat ng ibang minahal mo -- siya talaga yung tinakda para sa'yo.
DRAMA. Hahahaha
Umalis na ako at dumiretso sa Library. Marami pa akong gagawin eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/5792741-288-k36723.jpg)
BINABASA MO ANG
SUDDENLY (You and I)
Teen FictionAko si Dom, short for, Dominique. May boyfriend ako. Este, EX pala. Si Eric. 3 weeks na kaming wala. At heto ako, nagpapaka-gaga, nagpapaka-lasinggera. Nagpapapansin. Makita lang kung may pakialam pa s'ya kung makita man n'ya ang mga pinag-gagagawa...