AND CUT! Ayun, nagising na ako. Panaginip lang pala.
Okay, ang weird ha. Ilang linggo ko na rin kasing hindi nakakausap si Uriah. Una, nasa US ako ngayon. Pangalawa, hindi yata ako nakapagpaalam kay Uriah na magbabakasyon ako. I mean, alam nyang pupunta ako, di ko lang nasabi kung kailan.
Isang buwan na rin kaming hindi nag-uusap. Sa totoo lang, di ko naman siya naiisip. Maaaring best friend ko si Uriah, pero...
Hindi ko siya boyfriend.
Ang landi lang nung panaginip ha. Hahahahahahahahahhahahahaha
Oh ayan, gising na talaga ako, ito ang totoo. Hahaha
Ang totoo, Si Uriah, best friend ko 'yan pamula 7 years old kami. Tatag 'no? Hahaha
Ewan ko, Grade 2 yata kami non, e naging magkaklase kami. Tapos, asaran nung una, hanggang sa naging close. Asaran pa rin naman ngayon, kaso syempre dati, bata, so yung mga asar ay nakakaasar talaga. Nageget mo ba. Hahaha ngayon naman kasi ang asaran ay hindi na masyadong nakakaasar, nakakatawa na lang. hahaha
Ako kasi, madalas akong ma-fall sa kaclose kong guy. Pero kay Uriah, HINDI TALAGA AS IN HINDI AS IN WALA HAHAHA
One time nga naisip ko, "What if nanligaw sa akin si Uriah?" ...
Sa maniwala kayo't sa hindi, naramdaman kong bumaliktad 'yung tiyan ko. Oo, ganun ako nasusuka sa kanya. Hahaha
Pero alam naming we're both attractive. (WEH ATTRACTIVE DAW AKO OH =))) )
Pero seryoso, simula high school kami, marami nang nagbago.
Una, gumanda ako. Hahaha charing
Pangalawa, gumwapo sya. Hahahaha
At alam namin 'yon, kasi, ewan ko. Hahahaha we usually compliment each other, in a way ba na halimbawa, may date s'ya, tutulungan ko syang maghanap ng damit, sasabihin ko na... "Mas gwapo ka dito!" mga ganun ba. Tapos pag ako naman yung may kailangan ng tulong, sasabihin nya na, "just be yourself, ang swerte nga nya at ikaw ang kadate nya. ganda ganda mo eh."
PERO alam namin na, all physical lang 'yon. Brother-sister lang talaga kami ni Uriah forever.
mali, hindi forever.
kundi, FIVEever. hahaha
Si Uriah ang kadamay ko sa lahat. sa gimik, sa sine, sa lahat! Maliban na lang nung nagseryoso ako kay Eric.
Lecheng Eric yan iniwan ako hahahaha
Tapos narealize ko na si Uriah di pa nagpaparamdam. Hahaha hindi bale, sapat na muna ang comfort ng girl friends ko. :)
Si Uriah kasi, napakawalang kwentang magcomfort.
"Sabi ko naman kasi sa'yo nung una pa dapat matagal mo nang hiniwalayan yan!"
...
"Dominique, you're too good for Eric. Hindi ko s'ya gusto para sa'yo. Grabe, ang bulag mo sis."
...
OO na, edi ako na nga ang tanga. hahahaha
matagal nang ayaw ni Uriah kay Eric. Ewan ko, wala naman s'yang nagustuhan sa mga naging ko eh. hahaha
Di bale, overprotective man, at masakit mang aminin pero...
Well, madalas tama s'ya. hahaha
Pero di ko kailangan ng mga pangaral n'ya ngayon. Ang kailangan ko ay comfort, COMFORT. At hindi ang pagpapamukha nya sa aking ako na ang pinakatangang tao sa mundooooooooooooo
Hay. Ayan tuloy, napakwento ako tungkol kay Uriah. :)
Kamusta na kaya s'ya?
BINABASA MO ANG
SUDDENLY (You and I)
Teen FictionAko si Dom, short for, Dominique. May boyfriend ako. Este, EX pala. Si Eric. 3 weeks na kaming wala. At heto ako, nagpapaka-gaga, nagpapaka-lasinggera. Nagpapapansin. Makita lang kung may pakialam pa s'ya kung makita man n'ya ang mga pinag-gagagawa...