(NOTE:
Tweet sent: 8:00 am, PH time
Tweet read: 9:00 pm, NY time)
7:58 am, PH time (12 hours ang difference)
Kailangan kong mag-isip ng mabuti.
Walang epekto ang 50 wake up messages na nasend ko ngayong araw na ito.
Wala ring epekto yung 30 messages na nasend ko noon.
Unavailable daw, kapag tinatawagan ko.
Hindi ko rin sya pwedeng sa landline nila tawagan sa probinsya. Kasi iisipin ng mga lola nun, boyfriend nya talaga ako.
In which, hindi naman. Kaso since nalaman sa kanila yung mga pinaggagagawa naming kalokohan, ang mga naging interpretation nila ay:
1.) ako ang pinakamasamang best friend na may lihim na pagtingin sa kanya't pagnanasa KAYA DAPAT, layuan na nya ako,
at
2.) boyfriend ako at bad influence ako at masyado syang in love sa akin kaya hinahayaan nya kahit bad influence ako sa kanya KAYA DAPAT, layuan nya ako. (Ito ang pinapaniwalaan nila ng buong puso)
Pero ang totoo, medyo bad influence din naman si Dom sa akin. Actually, bad influence kami sa isa't isa. Mag best friend nga eh.
Strict kasi ang pamilya ni Dom, masyadong conservative. Hindi rin naman sa nagrerebelde si Dom, pero ito lang talaga sya, ganto lang talaga ang personality nya. Adventurous, dark, pero kahit ganun yun, sobrang bait nun, maalaga... Kung tutuusin, para siyang anghel from the inside, pero on the outside, she's the most mischievous (and crazy) girl that i have ever met.
Which is why i love her.
umm...
As my best friend! Hehe.
Going back to the topic... If i can't call her, or text her, and she doesn't check her FB...... What else can't she live without?
Hmm.
AHA.
TWITTER!!!!!
Di kasi ako nagbubukas ng twitter. Di ko hilig eh. Pero si Dom, mahilig yang magtwitter.
Kailangan kong subukan.
Binuksan ko na yung twitter app ko.
Tagal magload.
Loading...
Loading...
Loading...
Tapos naghang yung screen.
"Shit," bulong ko sa sarili ko.
Tapos...
BIGLANG LUMABAS YUNG TIMELINE!!!!!
"Shit!" sabi ko ulit. Narealize kong bagay ang salitang "shit" sa lahat ng emotion.
At aba nga naman...
"Do you know who and what exactly i need right now?"
SI DOMINIQUE!!!!!
REPLY AGAD!!!
At dali dali kong tinype,
"Who? Me?? :D what, my huuuugs? :p"
SEND TWEET!
BOOM! YES! DOMINIQUE!

BINABASA MO ANG
SUDDENLY (You and I)
Ficção AdolescenteAko si Dom, short for, Dominique. May boyfriend ako. Este, EX pala. Si Eric. 3 weeks na kaming wala. At heto ako, nagpapaka-gaga, nagpapaka-lasinggera. Nagpapapansin. Makita lang kung may pakialam pa s'ya kung makita man n'ya ang mga pinag-gagagawa...