ERICK POV
Tapos na ang paghahanda para sa graduation at ngayon gabi nakakulong ako sa kwarto ko ginagawa ang speech ko para bukas, sa graduation day.
ECHO pov
"anak! bilisan mo andiyan na papa po sa labas." bulyaw ni mama na mas excited pa sakin pumunta sa venue ng graduation.
"opo! wait lang ." sagot ko kay mama tapos kuha na ng bag ko at dumiretso nasa sasakyan.
we're on the venue ng graduation. Hindi na ako makapag-intay rumampa.
Ang ganda nung stage halatang pinaghandaan talaga nang sobra ang araw na ito.
After a few minutes the sound starts to play, yung music na pang martsa sa graduation. Tinawag nadin ang mga graduating students isa-isa.
Nang matapos nagsalita na ang master of the ceremony "ladies an gentlemen the valedictorian Erick Mago." at nagpalakpakan ang lahat.
"to all parents of this students i salute you! to the teaches, thank you and to all my batchmates congratulations!" pagsasalita ni erick pero sa sobrang pagkadissapoint ko sa sarili ko nahuli ko nalang yung sarili ko na naluluha. Ayoko namang makita nilang nagkakalat ang make-up ko so, tumakbo na agad ako papunta sa comfort room.
Pagpasok ko sa c.r. dumiretso agad ako sa salamin. Nakita ko yung mukha ko na ang kalat-kalat ng make-up."to all my batchmates congratulations," inilibot ko ang mata ko para hanapin si Echo pero naabutan siya ng mata ko na tumatakbo papunta sa comfort room. Dahil dun parang napahinto ako sa sasabihin ko. buti na lang sinitsitan ako ni sir. Troy.
"To my nemesis, thankyou for giving me a thrilling years, a good fight. I will never forget you cause you are one of the reason why im here, again thank you! "
Tinapos ko na agad ang speech ko nawawala ako sa focus eh.pagkatapos ng program hinanap ko kaagad si echo. Pero di ko siya makita.
"Erick halikana iniintay kana ng papa mo" sabi ng yaya ko. Nagpaiwan na lang ako nagbabakasakali parin kasi ako na makita siya di ko pasiya halos nakikita e.
tumakbo agad ako sa harapan ng stage kung saan nanduon ang mga magulang ni Echo.
"hello po maam, asan po si echo?" tanong ko sa mama nito.
"ahh hijo congrats, nga pala di ko alam kung nasaan ang batang iyon, nasa gilid-gilid lang iyon at nagtext pa nga iyon na ma-una na kami umuwi ng papa niya." mahabang tugon ng mama ni Echo. Hindi ko alam pero i felt something nang malaman kong nasa paligid lang si Echo. Pagkatapos kong magpaalam sa mama ni Echo tumakbo agad ako papunta sa mga kaklase namin pero wala siya duon, tumakbo agad ako sa faculty at wala din. Tinanong ko na din si Sir. Troy at di din daw niya alam.
Naglalakad ako malapit sa c.r. Nawawala na ang mga tao sa school kaya unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Ilang minuto akong nag-intay kung may lalabas. Sa ilang minutong iyon halos ako nalang yung tao sa school, sa pakiramdam ko.Wala nang tao sa comfort room na iyon dahil wala namang lumalabas duon kahit isa.
Agad akong tumayo para umuwi na sana ng bahay nang makarinig ako ng pagbagsak ng gamit na nagmula sa aking likuran agad naman akong napalingon at nakita ko si echo na pinupulot ang nahulog niyang diploma habang nakangiti ito sakin. Hindi ko alam basta na pangiti na lang ako ng makita ko siya. Di ko alam basta pagkakita ko sa kanya napako na ang mga mata ko sa mga mata niyang kinalatan ng make-up ,umiyak siguro ang babaeng ito. Napako na ang mga paa ko para akong binuhusan ng glue diko maigalaw ang buo kong katawan.
Echo pov
Kanina pa ako sa loob ng cr pasilip silip tinataguan ko kasi si Erick nang makahanap ako ng pagkakataon sinuggaban ko kaagad pero nalaglag ang diploma ko. Pagkadampot ko sa pahamak kong diploma tumayo muna ako sa harapan niya at ngumiti sabay karipas ng takbo papalayo dito. Tinakbo ko ang mahabang pathway palabas ng school tapos siya sa damuhan, sa garden, sa munting food court. Di ko alam kung anong nalamon nun at halos susuungin ang lahat mahabol lang ako. Napaisip din ako bakit nga ba kasi ako tumakbo.
Erick pov
nagulat ako dahil bigla siyang tumakbo di ko alam kung anong tinira nun at tumakbo. Sa pagtakbo niya automatic na gumalaw ang mga paa ko para habulin siya diretso ako sa damuhan ng school sa sobrang bilis ko napadausdos ako nauna ang dibdib ko sa lupa atsaka na ako dirediretso gumulong. Pagkahiga ko automatic akong tumayo at tumakbo papunta sa garden na parang walang iniinda natisod pa ako ng estatwang swan duon na dahilan para maout of balance ako pero nakatayo ulit ako ng maayos tapos takbo sa munting food court para akong nagmamaze sa mga simentong lamesa at HULI KA! Naabutan ko din siya hinarangan ko ang gate inispread ko ang kamay ko para di siya makadaan.
"bakit mo ba ako hinahabol?!" sigaw nito nang harangan ko siya.
"di na importante yun" sagot ko. "ang tanong bakit ka tumakbo?!"
"ako tumakbo?" tanong niya sabay turo sa sarili niya at tumawa tawa "jogging lang iyon!!" sabay thumbs up nito sa akin hinablot ko ang kamay niya at pinakita ko ang seryoso kong mukha pero mas lalo pang lumaki ang mga ngiti nito.
"seryoso ako! bago ka ngumiti sagutin mo muna tanong ko. Bakit ka tumakbo?" banat ko habang di ngumingiti.
"jogging lang sabi yun e." sagot naman nito na para bang walang balak sagutin ako.
"bakit nga?" muli kong tanong pero ang sagot niya "jogging lang sabe eh, ang kulit!"
Di na ako nakapagtimpi kaya hinawakan ko siya sa magkabilang braso at tinitigan siya sa mata.
Echo Pov
Pinagpapawisan ako sa pagtatanong ni Erick di ko banaman kasi alam. Ginawa ko na lahat para maisegway pero kinapitan lang ako nito at tinitigan mas ramdam ko na tuloy ang pawis at kaba.
Huminga ako ng malalim atsaka sumagot."di ko din alam!" mahinahon at seryoso kong sagot
halata sa mukha ni Erick ang pagtataka sa sagot ko.
Pero na gulat na lang ako sa ginawa ko hinawakan ko ang kamay niya at hinila.
habang hawak hawak ko ang kamay niya at naglalakad sa madilim na highway tumunog ang cellphone ko nang makatanggap ako ng tawag kay mama.
"hello ma!" agad kong sabi.
"anak! nasa hotel kami ni papa mo bukas na kami uuwi. may aatupagin lang kaming business dito. " sagot naman ni mama. Di naman kami mahirap may sapat na business naman kami na bumubuhay saamin.
"okay po ma!" pagkatapos naming magusap ni mama matinding katahimikan ang pumagitna sa amin ni Erick.
magstart na sana ako ng conversation ng maunahan ako ni Erick ng magtanong ito.
"san mo ako dadalhin?"
"sa bahay" agad na bigkas ng labi ko.
napahinto siya sa narinig niya, siguro bigla kasi siyang tumigil.
"ganun ba? pwede mo na akong bitawan di ako tatakas!"
naloka ako sa narinig ko kaya agad akong bumitaw at naglakad ng diretso papauwi.Habang lumalaki ang distansiya namin bigla nalang ito tumakbo papalapit sa akin.
"kung gusto mong hawakan pwede naman." bulong niya sabay hawak sa kamay ko.
Erick pov
pakiramdam ko na offend ko siya ng sabihin kong pwede niya na ako bitawan kaya hinabol ko siya. Binulungan ko siya.
"kung gusto mong hawakan pwede naman."
sabay hawak ko sa maputi nitong kamay. Pagkadampi ng kamay ko sa kamay niya lumakas ang hangin dulot ng dumaang sasakyan kaya mas lumadlad ang bangs ni Echo na tumakip sa mukha niya pero kahit natatakpan ang mukha niya kita parin ang pamumula ng mukha nito dahil sa puti niya.
(authors note)keep reading guys...... para sa more kilig moments ;*) <3 :*) clap**clap**
BINABASA MO ANG
when red fades into white
Acakstay with me....??? as kaibigan or stay with me as your kaIBIGan