Natawa na lang ako dahil nang buksan ko ang pinto at pumasok na hindi niya parin binibitiwan ang mga ito dahilan para mapahinto ako sa paglalakad papasok.
tinitigan ko siya nang medyo matagal pero tinitigan lang din ako nito pabalik kaya sinita ko na siya.
"Psst!!" pagagaw ko sa atensiyon niya. Mukhang effective naman ang ginawa ko kasi napatingin siya sakin.
"ahmmmm... yung kamay ko?" sabi ko.
Agad siyang napatingin sa mga kamy namin nagulat na lang ako kasi i expect na bibitawan niya ang mga iyon pero nagsalita lang ito. "Diba kanina gusto mo hawakan? "
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mga narinig ko sa kanya. "ahmm... bitawan mo na lang!" singhal ko sa kanya at sabay hablot ng kamy ko sa kanya.
Pumasok na ako ng bahay namin inilapag ko yung bag ko sa upuan at saka kumuha ng makakain naming dalawa.
"HUY!!" tawag ko sa kanya kasi nakatayo lang siya. "umupo ka hindi naman kita pinagbabawalan ehh!" pagkaupo niya inilapag ko nadin yung nakuha kong pagkain namin atsaka juice.
Sobrang tahimik naming dalawa.. nakakabingi na nga yung hangin na tla ba bumubulong sa tenga ko.
Napanlakihan na lang ako ng mata ng maramdaman ko ulit yng palad niya sa mga kamy ko. Napatingin ako sa kanya na para bang nagtatanong kung anong ginagawa ng mga kamay niya.
"Pwede muna ulit hawakan" sabi niya in a husky voice.
Pinisil ko na lang yung kamay niya nang mahigpit yung tipong sa pat na para mapaaray siya. Nagulat na lang ako nang nasobrahan siya sa pagrereact.
"ang OA mo naman!" sabay palo ko sa balikat nito. Ikinagulat ko ulit dahil bigla siyang napahawak sa parte kung saan ko siya pinalo tapos yung mukha niya napa ngiwi.
"ay.. Sorry" agad kong sabi tapos medyo lumayo sa kanya.
inangat niya yung ulo niya tapos sabay tingin sa akin. "Pinapalayo ba kita?" tanong niya. Umiling iling na lang agad ako.
"Lumapit ka nga dito!" mayabang niyang utos sakin pero ako hindi man lang gumalaw sa kinauupuan ko.
Bigla na lang siyang tumitig sa akin ng masama natakot tuloy ako ng bahagya kaya umusog na lang ako nang sobrang unti pero mga dalawang dangkal parin yung agwat namin.
"ayaw mo talaga lumapit?" tanong niya in a serious tone. Kinabahan tuloy ako kanina kasi parang ang saya pa niya pero ngayon in a serious tone na agad.
Yumuko lang ako walang imik sinadya kong matakpan ng bangs ko ang mukhha ko para di niya makita. Nanlaki na lang ang mga mata kokasi naramdaman ko yung kamay niya na nasabalikat ko na then yung some part ng chest niya naramdaman ko ding dumikit sa tagiliran ko.
"kung ayaw mo ako nalang lalapit, dapat hindi pinahihirapan yung mga babae." sabi niya habang nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko pakiramdam ko namumula na ako.
----------------------------------------------------------------------
Echo pov
Ang saya ng araw ko...... the kilig factor kagabi umaabot parin ngayon.. hay!!!
maaga ako nagising ngayon kahit papaano naunahan ko ng mga 3 minutes yung alarm ko. Kaya ngayon nakakain ako ng almusal .
sinusuot ko na yng sapatos ko nang tumawag sakin si Deniss..
"Hello!" agad kong bungad pagkasagot ko sa tawag nito.
"Teh! asan kana? ang tagal mo ah..!!" sagot naman niya sa kabilang linya.
"opo eto na!! palabas na ng bahay!" sagot ko in sarcastic tone.
"okay! okay! wag knag galit.!iintayin kita dito sa pinagusapan natin okay?" talak ng bakla.
"okay!" sabay baba ko na sa telepono.
nan makarating ako sa pinagusapan naming lugar.. agad na kaming tumuloy sa puntirya namin ang maginquire sa different school..WhHhooOaaA!!! college life here i'am
Palibot libot kami sa ikatlong school nanapuntahan namin mukhang nakukuha na ang aming mga pusi ... ewan ko ba pero parang gusto ko na din magaral dito.
To inform you ngapala sa school na yun himdi kami first year college but we are going to be grade 11 nauna kasi silang mag implement ng K-12. at gusto ko naman yun.
"bakla! "tawag ko kay deniss to tellim na nagugutom na ako.
"bakla ka diyan!" sagot ni deniss sabay panlalaki ng mata nito.
"Bakit bakla ka naman diba." sagot ko sa mahinahong pananalita!
"TSE!" saby irap ng malditang bakla at derederetso sa paglalakad palabas ng campus. Hindi ko siya agad sinundan .
Pagkalabas ko ng gate i stand there for a while titignan kung lilingunin ako ng bakla ...isa...dalawa.....tatlo.....hindi ito lumingon, EDI WOW!
Agad akong tumawag ng taxi at sumakay duon at pagkadaan ko sa daan ni Deniss habang kukan ng taxing pinara ko kanina ay nagulat ang bakla at bigla na lamang itong sumigaw ng pagkalakas-lakas.
"HOY! manong taxi itigil mo pasakay!, bakla pasakayin mo ako" habang hinahampas niya ang gilid ng taxi.
"manong pakitigil na nga po!" mahina kong sabi na alam kong maririnig nanaman ni manong driver.
Agad naman akong sinunod ni manong driver. Lingon sa kanan..sa kaliwa balik kay manong driver hindi ko makita ang baklang yun san yun pumunta?
"manong nakita niyo po ba kung anong nangyari sa kumakatok dito kanina?" nagtataka kong sabi sa driver ng taxi.
Hindi siya nagsalit pero tinuro niya ang side mirror sa side ko. Sinilip ko yun ng agad-agad,OH! SHOCKS!!! lang ang lumabas sa bibig ko nang makita ko si deniss nanakahandusay sa kalsada at umiikay habang hawak-hawak niya ang ntuhod niyang nasugatan dahil naka walking shorts lang siya.
Walang pagdadalawang isip akong bumaba ng taxi at tinakbo ang kaibigan kong nakahandusay sa kalsada. Wala akong imik-imik at kaabog-abog na hinila ito.
"aray!" sigaw nito dahil kamy lang nito ang hinila ko. Napalingon ako sa kanya sabay tawadahilsa distorted face nito dahil sa sobrang sakit.
"halikana kasi! bilisan mo kakain tayo libre ko!" pagkasabiko nun mabilis pa sa alas kuwatro ito kung kumilos at sumakay sa taxi..
Nang makarating kami sa destinasyon namin agad akong lumabas si Deniss na daw ang magbabayad sa taxi ako na kasi ang magbabayad nang kakainin namin eh.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko, at agad akong napahinto nakita ko si Marco nanaroon sa loob ng restaurant with his new girlfriend.. Marco is my ex....at kakabreak lang namin few days ago bago mag graduation day ....
Biglang naginit ang dulo ng mga mata ko at agad akong napahawak sa leegan ko nahihirapan kasi akong huminga at di ko napansin the tears from my eyes are falling down.... agad akong tumalikod at hinila si deniss pabalik sa sinakyan naming taxi...
nang makasakay kami tinanong ako ni Deniss. "what happened to you?"
I cant answer him dahil mas lalo lang tumulo ang mga luha ko..
ITUTULOY!!!
sori guys for the very short update... still guys keep reading.!
BINABASA MO ANG
when red fades into white
Overigstay with me....??? as kaibigan or stay with me as your kaIBIGan