Ang Scrapbook Para sa Lalaking Lihim Kong Minamahal

30 0 0
                                    

Dear Josef,

Okay na sa akin ang nakikita kita araw-araw sa school.

Okay na sa akin ang lihim kitang kinukunan ng picture para may matignan naman ako bago matulog.

Alam ko naman na hindi mo ako mapapansin.

Alam ko naman na mali ang i-stalk ka.

Pero ganito ba talaga ang mag mahal?

Lahat nalang na mali ay ginawa ko para lang maprotektahan kita.

Alam ko na hindi mo ako mapapansin. Sino ba naman ako? I'm just a nobody and you are every woman's dream.

Wala naman akong panama sa mga kaagaw ko sa sa'yo.

Alam ko naman na hindi mo ako mapapansin pero okay lang talaga.

Okay lang talaga.

Alam kong hindi ka perpekto. Alam kong hindi mo alam na nasasaktan mo na ako pero okay lang, ako naman ang may gusto nito, eh.

Okay lang sa akin na hindi mo masuklian ang pagmamahal ko na ito kasi hindi mo naman alam.

Okay lang talaga.

Kontento naman na ako na lihim kitang minamahal. Okay lang sa akin na ikaw ang rason kung bakit ako nasasaktan.

Pero may tanong lang ako. Sa oras na mabasa mo ito, makikilala mo kaya ako? Ang babaing ilang taon nang lihim na nagmamahal sa'yo?

Ano ba 'tong pinagsasabi ko. May girlfriend ka na ,eh. Masaya ka sa kanya. Pero ang sakit lang talaga. Sobrang sakit lang talaga.

Hayaan mo. Magiging okay din ako. Makaka move-on din ako sa'yo.

Lihim na nagmamahal,

-A

Ang Scrapbook Para sa Lalaking Lihim Kong MinamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon