Chapter Three

13 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga rin kasing may practice ang basketball team ni Josef. Dali-dali akong naligo at nagbihis, bago ako lumabas sa kwarta ay tinignan ko muna ang aking repleksyon sa salamin. Ewan ko ba kung ano ang nakain ko, basta naisipan ko nalang na kumustahin ang karumaldumal kong mukha.

Habang nakatingin sa salamin ay hindi ko naiwasang maalala ang sinabi sa akin ni Jessica kagabi.

Tinitigan ko tuloy ng mabuti ang sarili. Wala naman akong pimples at matangos din ang ilong ko. Siguro kung maganda lang ang ngipin ko ay mapapansin nila ang maganda at mapupula ko ring lips.

Paano kaya kung ipapaputol ko na 'tong buhok ko? Tapos ipa rebond ko na rin para hindi naman makalat tignan.

Kung gagawin ko ba 'yon ay may pag asa nang magustuhan ako ni Josef? Sasaya na kaya si Jessica at hindi na niya ako ikahihiya?

Hai. Ano ba 'tong iniisip ko? Diba sabi nga ni kuya Bradley na maganda ako? At tsaka ayoko rin namang magustuhan ako ni Josef dahil lang sa gumanda ako.

Iba pa rin kasi sa pakiramdam na magustuhan niya ako dahil sa pagiging mabait at matalino ko.

Bago pa man ako mabaliw sa kakaisip ay bumaba na lamang ako at dumiretso sa kusina. Kumakain na sina mommy, daddy at kuya.

Bumati ako sa mga ito ng good morning at dumiretso sa ref para i-check ang chocalates ko. Napasigaw nalang ako nang makitang dalawa nalang ang natitira.

"Sinong kumain sa chocolates ko?" Inis kong tanong sa mga tao sa table.

Tumingin ako kay kuya Bradley at hindi nga ako nagkamali. Nasa gilid na ng plato niya ang balot ng chocolate ko.

"Kuya, bakit mo kinain!?"

"Malay ko bang sa'yo pala 'yan. Sa susunod kasi ay lagyan mo ng pangalan." Sagot nito sabay tayo.

Napasimangot nalang ako. Wala rin kasing kwenta kung aawayin ko pa si kuya dahil nakain na niya, at hindi rin naman kasi ako ganun ka babaw para ipagpalit ang kuya ko sa chocolate lang.

"Ang aga mo yatang nagising ngayon, anak?" Tanong sa aking ni daddy nang makaupo na ako.

"May group activity pa po kasi kami na gagawin." I lied. Nahihiya kasi akong sabihin kay daddy na hanggang ngayon ay ini- stalk ko pa rin si Josef. Last time kasi na nabanggit ko iyon sa kanya ay sinabihan niya ako na dapat itigil ko na dahil hindi na ako bata. Baka daw kasi ma in-love ako ng tuluyan kay Josef at sa huli ay masasaktan lang.

Too late for that. Nahulog na ako.

"Siguraduhin mo lang na group activity 'yan." May himig na pagbabanta ang sinabi na iyon ni kuya.

Kumain na lamang ako.

Pagkatapos kumain ay pumunta na akong school kasabay si kuya, may group project din daw silang gagawin. Tinext ko na rin si mang Andres, ang driver ng carpool, na huwag na akong daanan sa bahay.

Nasa school na ako nang mapansin ko na hindi ko pala nadala ang camera.

Sayang. Wala akong picture ngayon ni Josef my destiny. Pero okay lang, bubusugin ko nalang ang mga mata ko sa panunuod sa kanya habang naglalaro ng basketball.

"Josef, I love you!" Narinig kong sigaw ng isang babae nang maka 3 points si Josef.

Ang ganda nung babae. Parang artista.

Tumingin ako kay Josef para malaman ang reaksyon nito and again ay hindi na naman nito pinansin ang babae.

Mas lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa na magustuhan niya. Di bale. Mamahalin ko pa rin siya.

Ang Scrapbook Para sa Lalaking Lihim Kong MinamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon