Chapter Two

22 1 0
                                    

*flashback*

5 yrs ago.

"What!?" Halos hindi maka paniwala kong tanong kay mommy. "Huwag niyo naman akong biruin ng ganyan, mommy."

"Alex, what I told you is true. Mag di-dinner kayo mamaya ni Josef as you wished so." Masaya nitong ulit.

Napatalon ako at napa sigaw sa sobrang tuwa. Yumakap pa ako kay mommy at humalik sabay sabing "thank you" ng ilang beses.

This is the best birthday gift ever. Makakasama ko na si Josef, makikilala na niya ako.

"Wait. Paano niyo napa payag si Josef?" Nag tataka kong taonong kay mommy. "Did you ask him?"

Please say no. I silently pleaded.

"No. Siya mismo ang nag sabi sa mommy niya na gusto siyang makipag dinner sa'yo then Tina called me about the news."

Mas lalo akong naging masaya sa narinig. I can't believe it, Josef just asked me out. Ang long time crush ko ay inaya akong mag dinner, ang saya naman ng birthday ko.

Thank you, Lord.

Saktong alas siyete ay nandoon na ako sa kanila. Simpleng blouse lang ang suot ko na kulay pink at jeans. Abot tenga ang ngiti ko nang sabihin ng kanilang katulong na sa rooftop daw kami ng bahay nila mag di-dinner. For me it was the most romantic place to have a date with your loved ones.

Pagdating sa rooftop ay agad kong nakita si Josef na nakatayo katabi ang lamesa na nasa gitna. Kunot noo itong naka tingin sa akin pero maya-maya lang ay ngumiti din ito ng sobrang tamis.

Ang gwapo nito sa suot na kulay blue na polo shirt at jeans.

"Good evening. Have a seat." Inalayan pa niya akong maka upo. He was such a gentleman. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.

The dinner went well. Naging sobrang maalaga sa akin si Josef, hindi niya ako pinabayaan and he even talked to me regarding sa school at sa mga kaibigan niya. Paminsan- minsan rin ay nag ku-kwento siya tungkol sa pamilya niya at kung gaano ka busy ang dady niya sa work dahilan para mawalan ito ng time sa kanilang magkakapatid.

I just listened to him. Ang ganda lang kasi niyang pakinggan sa tuwing nag ku-kwento, ang gandang tignan ng mga labi niya sa tuwing nag sasalita siya.

Ah! Basta. Maganda ang lahat sa kanya.

Kinabukasan, pagdating sa school, sa sobrang saya ko ay hindi ko naiwasang i-kwento sa mga ka-klase ko ang naging dinner date namin ni Josef. Halos lahat na mga babae at binabae ay nainggit sa akin. Ang swerte ko raw. Meron din namang hindi naniwala, dapat daw may proweba ako, timing na man at biglang dumating si Josef at may dala pang bulaklak.

Kinilig tuloy ako sa isiping dinalhan pa niya ako ng bulaklak.

Lumapit ako dito.

"Hi, Josef." Bati ko sa kanya.

He just stared at me confusely.

"Who are you?" He asked.

"I-it's me. 'Yong kagabi?" Pinigilan ko ang sarili na huwag umiyak sa pagka pahiya.

"Aah. Ikaw pala 'yon. What is your name again?" He sarcastically asked.

"A-.."

"Never mind. It doesn't matter afterall. Salamat nga pala kagabi, nang dahil sa'yo ay binigyan ako ni mama ng five hundred. Sa susunod na makipag date ka sa akin ay sabihin mo lang sa akin para another five hundred na naman."

Ang Scrapbook Para sa Lalaking Lihim Kong MinamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon