Book 2 of Perfect Girl, Read it first before reading this one :) find it on my works & thanks!
December 25, 2015 ; 11am
Tinanghali na ako ng gising dahil umaga na din kami natulog dahil kakauwi lang ni Kuya galing sa states kahapon lang ng umaga kaya medyo madami ang napagkwentuhan at hndi na napansin ang oras tapos after pa ay tumawag si Ara sa facetime ko kaya napahaba lalo ang oras ng pagpupuyat ko. Hindi ko maexplain ang pakiramdam ko ng tumawag siya parang masaya ako na malungkot, masaya kasi finally nakausap ko siya at malungkot dahl gusto ko na siyang makasama ulit. Miss na miss ko na yung gwapo na yun :) Pagmulat ko, kinuha ko agad ang phone ko sa tabi ko at sinilip ito, nakita ko si Ara na tulog pa din pero wala na yung earphones sa tenga niya haha ang cute nga niya eh kelangan na niyang magising para makaluto na siya ng dinner niya (5pm na sa US) pero ang sarap ng tulog niya hndi ko na din siya makakausap at magigising kaya pinatay ko na. Maya-maya ko nalang siya tatawagan kapag 6pm na sa kanila, 12noon dito sa Pilipinas.
Maya-maya ay may narinig akong nagtatawanan sa sala, grabe makatawa at parang pamilyar ang mga boses nila. Kaya napagpasyahan ko na lumabas nalang at tignan. Dumiretso ako sa kusina bago magtungo sa sala namin.
"Yeye, uunahin mo ba ang pagkain kesa ang pagyakap sa akin? Hndi mo ba ako namiss?
Tama nga ako..
Siya nga..
Ilang buwan din ang nakalipas..
Nakakamiss din pala siya..
Nakakamiss din pala si Ate Cyd, nagmula pa siya sa Cebu, maganda na din ang trabaho niya doon kasi may sarili silang kumpanya at may iba't-ibang branch na din. Mag-iisang taon na din pala mula ng umalis si Ate Cyd.. Syempre pati si Ara namimiss ko na. Halos sabay lang kasi sila umalis eh, kaya ngumiti ako at inilahad ko ang mga kamay ko sa kanya at tumakbo siya at yumakap sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam na may dumadalaw sayo kaht pasko, kahit wala siya dito ramdam ko na nalulungkot siya dun kasi unang christmas day sana namin 'to kaya lang dahil sa injured nga siya, napilitan siyang sumama sa lola niya sa US. Nandito din ang kambal, kakagaling lang din nila daw dito nung 22 at babalik na ng 28 sa US.
"Uy wala ba akong pasalubong diyan?" kunwaring may hinanap sa paligid nila.
"Ikaw makakalimutan namin? Eto iyo Mika oh. Merry Christmas! Imissyou huhu" yumakap naman sa akin si Cienney at inabot niya ang dalawang paper bag na hawak niya.
"Sorry Mika, iyan lang nakayanan ng ipon. Sorry talaga :) " sabi naman ni Cams na ginulo pa ang buhok ko.
"Sa akin naman ye, isang mainit at matamis na yakap lang haha jk sorry di naman ako galing ng US eh wala pa ipon" pagmamakaawa ni Ate cyd
"Thankyou guys sa mga regalo :) wala akong regalo sa inyo eh haha medyo past muna ako haha. Kim at Carol ano wala ba talaga?"
"Eto ate ye oh, maliit at manipis lang 'to pero pag nakita mo na, baka magulat ka. Hati na kami ni Ate Kim diyan medyo mahal kasi yan eh. Sana okay yan" nahihiyang pahayag ni Carol sa akin.
Ano 'to? Bakit sobrang nipis? :/ Ano kaya? Ah baka Gift check sa H&M? F21? Eh bakit kasi ganito? Ah alam ko na! GC ng Starbucks? Coffee Bean? Wow thanks guys.
Unti-unti ko ito binuksan sinira ko ang wrapper ng maayos kasi baka daw mapunit sayang naman daw. Pero nung medyo nakalahati na yung bukas tsaka lang nagsink-in sa akin yung laman nito nagulat ako... nagulat talaga ako...
"KIMMY AND CAROL!!!! THANKYOU NG SOBRA!!! GRABE DI KO INAAKALA TO!! WHOOO!! YEHEY!!!"
Sa sobra kong tuwa ay nayakap ko sila ng biglaan. Ang saya ko, solid! Eto na sguro ang pinakadabest na regalo sa buog buhay ko... Thankyou kim and carol!!!